Share

Chapter 9

Third Person's POV

"Bakit ka nga pala dumalaw? Akala ko busy ka ngayon? Wala ka nang inaasikaso? Wala ka ng tatrabahuin?"

"Kailangan talagang sunod-sunod ang tanong? Bakit? Disappointed ka dahil hindi si dok. ang maghahatid sa 'yo pauwi? New crush mo? Bakit hindi mo sabihin sa 'kin? Bakit hindi mo naikwento na lumalandi ka lang pala sa ospital? Sana sinabi mo agad na dahil sa crush mo kaya ka naging nurse na napakataliwas sa kinuha mong kurso, e... 'di sana hindi na lang kita pinigilan ano?"

Napahawak si Sheiha sa sentido dahil sa sunod-sunod na tanong na iyon ng pinsan. Hindi niya ma-reached ang mga pinagsasabi nito. Ano nga ulit 'yon? Sabagay, kasalanan naman niya dahil siya ang nagsimula nito.

"Tama na, sumasakit ang ulo ko, Bryly." 

Brimme tsked, "Ayan, may pahatid-hatid pa kasing nalalaman. Sheiha, tandaan mo kung bakit ka nandoon. Saka bakit mo kasama ang Clinton na 'yon?!"

Napabuntong-hininga siya saka tumingin sa labas ng bintana. Hanggang ngayon ay hindi pa pala alam ng pinsan na nakauwi na pala si Clinton galing sa kung saang lupalop man ito ng mundo. Pero sigurado ba talaga siyang hindi alam ng pinsan ang bagay na 'yun? Nasisigurado niyang alam nito na nandito na ang ex-boyfriend nito sa pinas. 

"Hindi naman dahil nakaraan mo siya at hindi maganda ang koneksiyon niyo, ay hindi ko na siya maaaring maging kaibigan," aniyang nakatingin pa rin sa labas ng bintana.

Dahil sa nangyari kanina, nawalan na talaga siya ng gana sa lahat. Na kahit ang makipagbiruan sa pinsan ay hindi niya muna magagawa kahit araw-araw na siyang nasanay sa pamimilosopo nito. At alam naman ng huli kapag nasa hindi siya maayos na lagay.

"'Yong nangyari kanina..."

Napangisi si Sheiha. Tama siya, walang makakalampas na kahit anong impormasyon sa pinsan. Na kahit pa pinakamaliit na insekto sa buong mundo ay makikita nito. 

"Wala na tayong magagawa, nangyari naman na, e."

Napabuntong-hininga na naman siya saka ginulo ang buhok. Wala na talaga siyang magagawa dahil nangyari na ang hindi naman dapat nangyari! That was her chance to make her plan but what have she done?! What have she done?! She just save the monster who killed her family. Kaya wala na siyang pamilya ay dahil sa hinayupak na 'yon!  Kailan ba aayon ang tadhana sa kaniya? Kailan niya pa magagawa ang bagay na matagal na niyang ninanais makamtan?!

"Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. I told, ako na ang bahala sa lahat pero ayaw mong makinig."

Nakakunot ang noo ni Sheiha na lumingon sa pinsan, "At anong gagawin ko? Hihilata? Hindi lang pamilya mo ang pinatay ng lalaking 'yon! Pamilya ko rin sila!"

"Dahil sa kalambutan niyang puso mo, anong nangyari? Muntik ka ng mamatay noon dahil sa pangingialam mo. Ngayon naman ito. Sheiha naman, ikaw na lang ang pamilya ko kaya tama na. Kaya please, kami na ang bahala sa kaniya. Huwag ka nang makialam pa."

Huminga siya ng malalim, "I want just to know something, Brimme. Hindi naman masama 'yun 'di ba?"

"Masama 'yun kung pipilitin mo pa ring isipin na tama ang ginagawa mo kahit hindi naman. Mapapahamak ka lang sa ginagawa mo. Leave this to us..."

"Palagi mo akong inaalala na baka mapahamak ako. Paano ka naman? Brimme, ilang taon ka na sa trabaho mong 'yan para rito pero anong nangyari? Wala. Kahit anong lagay ng buhay mo sa peligro, walang nangyayari. Feeling ko nga, piniperahan ka lang niyang boss mo. Sa tagal mo na riyan, wala ka pa ring kahit na anong lead tungkol sa taong 'yon."

"Patients is a Virue, Sheiha. Naghihintay lang ako ng magandang pagkakataon. Huwag kang masyadong mainipin, mas makakasama sa atin 'yan. Lalo na sayo, dahil padalos-dalos ka."

Naiinis siyang tumingin ulit sa bintana. Ramdam niyang walang tiwala ang pinsan sa kaniya pagdating sa bagay na ito. Oo at ilang beses na siyang pumalpak pero nasisiguro niyang hindi na sa pagkakataon na ito. Si Brimme na lang ang pamilya niya kaya naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Lalo pa't muntik na siyang mamatay noon dahil sa katigasan ng ulo at pagkamainipin niya. That was one of the things she wouldn't forget the rest of her life. 

"Anong gusto mong hapunan?" tanong ng pinsan habang naghuhubad sila ng sapatos sa labas ng pinto.

"Wala akong gana, ikaw na lang ang kumain ng hapunan." Pagkasalpak niya sa shinelas ay naglakad na siya papasok nang hindi nililingon ang pinsan.

Napailing na lang si Brimme dahil sa inasta ng pinsan. Nagtatampo na naman ito sa kaniya dahil sa naging diskusyon kanina. Mahirap pa naman itong paamuhin lalo pa't may nangyari kanina. 

"Kung nandito lang sana sila tita at tito... Pero wala na akong magagawa para maibalik ang pamilyang nawala na."

Ngumiti siya saka tumingin sa langit. Bilog ang buwan ngayon pero walang kahit na isang bituin na makikitang nakapalibot dito. Uulan pa ata ngayong gabi. 

"Baka dahil sa katigasan ng ulo ng baby natin, ma, pa, tita, tito... e magkakasama na tayo riyan." Huminga siya ng malalim saka pinunasan ang isang luhang tumakas sa pagpipigil niyang umiyak dahil naaalala na naman niya ang pamilya, "Siguro sa susunod nating pagkikita, magkakasama na tayo... Hindi na tayo maghihiwalay pa."

Naiinis na pinagsusuntok ni Sheiha ang malaking stuff toy niyang walang kamuwang-muwang sa kung saan nanggagaling ang inis niya. Kung ano ang dahilan at rason. 

"Hoy, Doraemon! Bakit hindi ka pa mamatay, hah?! Kanina pa kita sinusuntok pero bakit nakangiti ka pa rin?! Nang-aasar ka ba? Hah?!" Sinuntok na naman niya ang kawawang bagay na iyon.

Napalunok siya saka hinawakan ang kumukulong tiyan niya ngayon. Bakit ba tinanggihan niya ang hapunan ni Brimme? Ilang ulit siya nitong tinawag pero hindi siya nagpatinag. Pinanindigan niya talaga ang pride niya dahil nababanas din siya sa pinsan. Pero mas naiinis siya sa sarili dahil sa pagiging ipokrita.

"Tarantadong, pride kasi to! Tarantado ka, Doraemon!" Sinuntok na naman niya ang kawawang nilalang.

Napakasarap sa pakiramdam na may pinagbubuntungan ka ng inis. Pero kung nakakapagsalita lamang ang bagay na pinagbubuntungan niya ngayon at nakakagalaw, kanina pa siya nito piniktusan. Worst, ay baka pagsusuntukin din siya.

"Bakit ang gwapo ni Lee Min Ho?" 

Sheiha tsked and get-up. Wala na siyang magagawa kung hindi lunukin ang pride niya. Lumabas siya ng kwarto niya saka bumaba ng hagdan patungo sa first floor ng bahay nila. Nilingon pa niya ang kwarto ni Brimme na nasa dulo ng pasilyo ng second floor. Siguro tulog naman na 'yon dahil madaling araw na. O' hindi kaya ay umalis na naman ito kagabi. Pero wala naman siyang narinig na papaalis na sasakyan. Siguro nga ay tulog na ito.

"Ay, putspa ng kabayo!"

Agad siyang napahawak sa dibdib dahil sa gulat. Pagkapindot kasi niya ng ilaw sa kusina ay nandoon nakasandig sa lababo si Brimme at prenting nakahalukipkip habang nagkakape.

"A-Ang aga mo naman g-gumising."

"Hindi ako natulog."

"Ah, hehehe... Hindi ka natulog?" Para niyang tangang ganong kahit kasasabi lang ng pinsan ang tanong niya.

"Alam kong bababa ka dahil sa gutom. Ayan, tuloy mo lang ang pagiging matigasin ang ulo, ah? Hindi na ako magtatakang sa susunod na ibabalita sa Tv, ay ikaw na patay na."

Hindi maaninag ni Sheiha na nagbibiro ang pinsan. Seryuso nitong inilapag sa sink ang pinagkapihan saka hinugasan ito. Nakasunod lang siya sa bawat kilos ng pinsan hanggang sa iligpit nito ang hinugasan at walang lingong nilampasan siya. 

"Matutulog ka na ba?!" sigaw niya rito pero parang wala itong narinig at deretso lang sa pag-akyat ng hagdan.

"Nagalit ko ata..."

Hindi ata lang Sheiha. Nagalit mo talaga. Nagkibit-balikat lang siya saka hinandaan ang sarili ng makakain. Galit kasi sa kaniya ang tagapaghanda niya ngayon kaya self serve muna siya. 

Habang kumakain si Sheiha, may nararamdaman siya na para bang may mga matang nakatingin sa kaniya. Sinilip niya ang pintuan ng kusina, baka kasi si Brimme at bumalik lang. Pero wala siyang nakitang anino ng pinsan. Nakakunot ang noo niyang tumayo at tinungo ang pintuan para silipin ang sala. Baka kasi bumaba lang si Brimme at nagtungo sa kusina. Pero bago pa man siya makasilip ay may nagtakip na ng bibig niya at pilit siyang pinapatahimik!

"Hey, hey! It's me... Don't shout, please don't shout."

Hinihingal siyang kumawala rito at akmang susuntukin ito ngunit agad nitong nailagan iyon at nahawakan ang kamay niya. Doon naman siya naghirap na makawala. 

"Bitaw! Tatawagin ko ang pinsan ko! Bali-bali mga buto–"

"Si Clinton 'to!"

Hinubad ng binata ang mask at bonet na suot. Nakakunot-noo naman si Sheiha na tinitigan ang lalaki.

"Anong ginagawa mo ditong, ugok ka?!" Bulyaw niya rito.

Napangiwi naman ito saka siya giniya papasok ng kusina at pinaupo sa kaninang inuupuan niya.

"Dumadalaw lang."

"Gago! Madaling araw na tapos dumadalaw? Sinong niloloko mo?" Umingos siya at nagpatuloy na sa pagkain. Akala naman niya kung sino. Natakot tuloy siya ng medyo slight lang.

Umupo ito kaharap niya saka nangalumbabang nakatingin sa kinakain niya.

"Nagugutom ka?" Tumango ito, "Serve yourself. Sari-sarili kami rito." At nagpatuloy siya sa pagkain. 

Naiinis naman ang isang tumayo at pinaghandaan ang sarili saka bumalik sa pwesto niya kaninang kaharap siya at kumain.

"Ano nga ba talaga ang ginagawa mo rito? Para kang magnanakaw sa gabing madilim."

"May magnanakaw ba ng umaga?"

"Meron kaya!"

Nagkibit-balikat lang ito saka sumubo,

"Ito ang bagong misyon ko, ang bantayan kayong dalawa."

"Misyon? Naninilip ka tapis misyon?!"

"Bakit? May masisilip ba sayo? Mas may masisilip pa nga ako kay Brimme, e."

Hindi siya makapaniwalang tiningnan ito, "Bastos!"

Ito naman ang hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya,

"Ako pa ang bastos?" Tinuro nito ang sarili, "Nagsasabi lang ako ng totoo. Tingnan mo nga iyang sarili mo. Mas malaki pa iyong kay Brimme saka alam kong malambot 'yun, hehehe."

Napangiwi si Sheiha na tiningnan ang kaibigan. Ang bastos talaga nito. Kapag pumunta ka ba ng ibang bansa para mag-aral ay nagiging manyak ka? 

"Ano nga ang ginagawa mo rito ng madaling araw!" bulyaw niya sa inis.

"Misyon nga! Abay ang kulit!"

"Huwag mo nga akong pinagloloko riyan! Bibigwasan kita!"

"Mahilig ka nang magmura ngayon, a?"

"At ang manyak mo na ngayon, ah?"

"Anong nangyari sayo?"

"Anong nangyari sayo?"

"Ginagaya mo ba ako, babae?" naiinis na nitong tanong.

"Ginagaya mo ba ako, lalaki?" nakangisi niyang tanong.

"Ikaw–" aabutin na sana siya nito kaso nakailag siya at napasandig sa inuupuan.

"Ikaw na nga ang parang manyak na naninilip sa madaling araw tapos mananakit ka pa ng may-ari nitong bahay na pinakain ka? Abay ang kapal ng mukha."

Nababanas na bumalik ng upo si Clinton at sunod-sunod sumubo ng kanin na may kaldereta.

"Para ka ng si Brimme magsalita ngayon."

"Para ka na ring manyak magsalita ngayon." Nakangisi niyang balik. 

Nakikita na niyang nagsimula na naman itong mainis sa kaniya kaya mas napangisi siya. Ang hilig talaga nitong mang-asar pero kapag siya ang inasar ay napakadaling mapikon. 

"Bakit madaling araw ka na pala kumain? Hindi ito oras ng kain." 

"Hindj ba obvious? Nagutom syempre. Saka kumakain ka rin naman ngayon, a?"

"Aba't–"

"Shieha? Sinong kausap mo?"

Parehong nanlalaki ang mga mata nila ng marinig ang boses na iyon ni Brimme. Nakalimutan niyang gising din pala ang pinsan! Ang tanga mo, Sheiha!

"Gago, pababa si Brimme!" sabi ni Sheiha at napatayo na.

"Sheiha?"

Natataranta naman si Clinton sa kung saan magtatago. Binuksan niya iyong kabinet na nasa ilalim ng sink. Saktong wala itong laman pero ang problema...

"Sh't, hindi ako kasya!" 

"Ang laki mo kasing tao!"

Tumingin sila sa palibot ng kusina para malaman kung saan itatago ang malaking damulag. 

"Sa ilalim ng lamesa!" mahinang bulyaw niya sa kasama.

Dahil sa pagkataranta ay nauntok ang ulo ni Clinton sa mesa. Napangiwi siya saka pilit na pinapatago ang binata sa ilalim ng kusina.

"Sheiha? Sinong kausap mo?" 

Gulat siyang napaangat ng tingin sa pinsan mula sa pagkakayuko sa ilalim ng lamesa. Nakakunot-noo itong akmang sisilipin ang ilalim ng lamesa ng pigilan niya.

"Ah, wala... wala naman..."

"May naririnig ako kaninang kausap mo." Seryuso ang mukha nito habang sinasabi niyon."

"Ah, kinakausap ko ang sarili ko habang kumakain."

"So, dalawang plato ang gamit mo habang kumakain?"

Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa kinainan ni Clinton saka napapikit ng mariin. 

"Ah, e... O-Oo... hehehe... ganoon na nga."

"Kaninong mask at bonet 'to?" Tinuro nito ang nakalapag sa lamesang mga gamit ni Clinton. 

Napangiwi siya. Hindi tanga ang pinsan para hindi malaman na may kasama siyang ibang alien. Pero hindi naman niya hahayaan na mag-kruz ang landas ng dalawa. Lalo pa sa sitwasyon na ito na bad mood ang pinsan.

"Hindi mo ba nakita na dala ko 'yan, kanina?" 

Nagpapasalamat siya dahil hindi siya nauutal. Napalunok siya nang mas sumeryuso ang mukha ni Brimme. Humalukipkip ito saka tiningnan siya ng mariin.

"Lalabas ka O' ako ang magpapalabas sayo?"

"Hah? Nakalabas naman–"

"Tahimik!"

Hindi natapos ang sasabin sana niya dahil sa sigaw ng pinsan. Gulat siyang nakatingin dito. Hindi na talaga ito maganda.

"Clinton, lalabas ka o' ako ang magpapalabas sa 'yo?" Nagbabantang ani ng pinsan.

Patay.....

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status