Chasing that Light

Chasing that Light

By:  EJ QUINO  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings
34Chapters
1.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

She's still ten years old when a tragedy comes to her life. Hindi alam ni Sheiha kung ano ang gagawin. She was with her cousin that time when that scene happen. Nanginginig sa takot ang batang katawan, kumakalabog ang pusong hindi magkamayaw sa pagtibok dahil sa nasaksihan. After ten years of preparing herself to make a revenge, she accidentally met a person who will make her belief upside down. She wanted revenge but he... he open the door so Sheiha can see the light of that dark room she's in. Should she chase the light to be with the man she love? Or stay in that dark room to continue her revenge even if it cause her life? "Don't stay on that dark past, please chase the light I've give you. Chase it and you'll find peace." "What if... what if I don't? Paano kung hindi ko magawang maging kampante, maging payapa hanggat hindi ko nagagawa ang bagay na matagal ko ng gustong makamit? Would you stay in that dark room with me? Serves as my light to see the path I'm taking?"

View More
Chasing that Light Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments
user avatar
EJ QUINO
I need to support myself....️
2021-10-27 15:33:23
1
user avatar
EJ QUINO
I need to support myself first....️
2021-10-27 15:30:23
1
34 Chapters
Synopsis
She's still ten years old when a tragedy comes to her life. Hindi alam ni Sheiha kung ano ang gagawin. She was with her cousin that time when that scene happen. Nanginginig sa takot ang batang katawan, kumakalabog ang pusong hindi magkamayaw sa pagtibok dahil sa nasaksihan.After ten years of preparing herself to make a revenge, she accidentally met a person who will make her belief upside down. She wanted revenge but he... he open the door so Sheiha can see the light of that dark room she's in. Should she chase the light to be with the man she love? Or stay in that dark room to continue her revenge even if it cause her life?"Don't stay on that dark past, please chase the light I've give you. Chase it and you'll find peace.""What if... what if I don't? Paano kung hindi ko magawang maging kampante, maging payapa hanggat hindi ko nagagawa ang bagay na matagal ko ng gustong makamit? Would you stay in that dark room with me? Serves as my light to see
Read more
Chapter 1:
   Third Person's POV Hindi magkamayaw sa kakatakbo ang mga batang naglalaro sa isang playground. Naghahabulan, nagtatawanan at nagkakasiyahan. Ngunit isang bata ang naiiba. Sa ilalim ng puno siya'y nakapuwesto, nakatabon ang hawak na libro sa mukha habang nakasandig sa kahoy. Ilang kaklase na ang lumapit sa kaniya upang siya ay yayaing maglaro ngunit kung hindi man niya ito tinatanggihan, hindi naman niya ito pinapansin.  Ngunit isang pangyayari ang nakapagpabangon sa bata. Nasapol siya ng isang bola na pinaglalaruan ng isang grupo ng mga babae.  "Naku po..." "Patay tayo, natamaan siya." "Galit na ata si Andrius..." Ilan lamang sa bulungan ng mga bata. Lahat ay napatigil sa paglalaro, kaninang masayang mukha ay napalitan ng pangamba.  "Sino ang bumato sa bola?"&nb
Read more
Chapter 2:
Third Person's POV "Ano ka ba naman, Sheiha! Mag-aapply ka as nurse, eh takot ka sa injection?" Nanggagalaiting ani ni Brim sa kaibigan na napakatigas ng ulo.Ito pa ang isang ugali ni Sheiha na lingid sa kaalaman ng lahat. Napakatigas ng ulo nito na kahit ipukpok mo pa sa semento ay hindi siya tatablan, figuratively speaking. "Kasi nga, gusto kong mag-nurse. Saka ayoko nang magtrabaho sa gym, ang daming manyak lalo na 'yong may-ari. Nakakagigil kaya at nakakadiri," umakting pa itong nandidiri. Hindi ito titigil hanggat hindi siya pinapayagan ng kaibigan niya.  Napabuntong-hininga na lamang si Brim at umupo ulit. Kumakain sila nang mga oras na iyon ng binuksan ni Sheiha ang usapin. Nag-aalala lamang si Brim sa kaibigan dahil nais nitong magtrabaho sa ospital.  "Alam ko namang nag-aalala ka pero kailangan kong harapin ang kinatatakutan ko,
Read more
Chapter 3:
Third Person's POV 'Anghahaba ng biyas!''Jusko! Pati mga daliri, ang hahaba at ang lilinis pa!'Hindi magkamayaw ang isipan ni Sheiha habang nakatingin sa kaharap. Tingin nga lang ba? O' titig na may pagpapantasya?  He hummed while checking her resume. Sila lamang dalawa ang nasa silid na iyon. Isa iyong maliit na espasyo na hindi na ginagamit kung kaya't doon na lamang naisipan ng doktor na mag-interview. Nasa premises pa rin sila ng ospital pero malayo-layo ito sa palaging pinupuntahan ng mga doktor at nurse. Tahimik din dito kaya niya naisipang gawing interview room, walang mang-iistorbo. "Your course is not related in medicine. Bakit mo naisipang mag-apply? Katulad ka rin ba ng iba na nag-apply lamang para sa'kin?" deretsa at walang kagatol-gatol na ani ng doktor sa kaharap. Napakaseryuso nang tingin nitong nakatingin kay Sheiha. Nag-oobserba kung gagawa ba siya ng m
Read more
Chapter 4:
Third Person's POVNagkanda-uga-uga si Sheiha sa pagkilos para maghanda sa first day niya as nurse. Tinanghali na kasi siya ng gising dahil nasiyahan siya sa panonood ng korean drama kagabi na umabot na siya ng madaling araw bago natapos ang pinapanood. Sa sofa na nga siya nakatulog at kung hindi pa siya nahulog sa hinihigaan ay hindi pa siya magigising. "Bryly naman! Bakit hindi mo ako ginising? Alam mo bang ngayon ang first day ko tapos late pa ako? Anong e-aalibi ko nito?!" Naiikot na lamang ni Brim ang mga mata niya. Siya ba naman ang sisihin sa kamiserablehan ng kaibigan? Bakit hindi daw niya ito ginising? Psshh... manigas ito. "Hindi ko alam na na-hire ka pala, at bakit ako ang sinisisi mo? Sino ba ang natulog na ng alas-tres ng madaling araw at hindi man lang pinatay ang telebisyon? Sino ang nagbabayad ng kuryente? Sheiha, sino? 'Di ba ako? Sisihin mo 'yang pinapanood mo, nandamay pa." "A
Read more
Chapter 5:
Third Person's POVNawindang ata ang isipan ni Sheiha sa narinig. Tinawag ba naman siyang manang ng crush niya? Total turn off na 'yon para sa kaniya kaya ex-crush na niya ito ngayon. Napakatanda niya bang tingnan? Hah?! Marami ngang nagsasabi na mas bata siya tingnan kaysa sa eksaktong edad niya. May sira ata ang mata ng binatang kaharap at kailangan ng palitan, lumalabo na e.  "Ikaw ba iyong tumulong sa'kin? Kahit nahihirapan ako ng mga panahong iyon ay hindi pa naman lumalabo ang aking paningin," nakangiting ani ng matanda. Naalala nga niya ito. Lumapit si Sheiha sa matanda ng palapitin siya nito. Hindi niya pinansin ang doktor na nagtawag kanina sa kaniya ng manang. Nababanas pa rin siya hanggang ngayon.  'Mamaya ka sa'kin, matitikman mo ang ganti ng isang api!' galit na ani ng isip niya. "Ikaw po ba 'yon, lolo? Makakalimutin po kasi ako, hindi ko na maalala..." ngiting sabi ni S
Read more
Chapter 6:
Third Person's POVWala sa mood si Sheiha habang pinaglalaruan ang pagkain na nasa harapan niya. Break time na nila ngunit sa halip ay kumain para may lakas siya mamaya sa trabaho ay ito ang kaniyang ginagawa.  "Hoy! Ano ba namang mukha 'yan?"   Napataas ang tingin niya galing sa pagkaing pinaglalaruan.  "Huh?"   "Anong huh?" Ngumunguyang asik sa kaniya ni Sheena.   Napangiwi siya dahil ang bilis kumain ng kaharap. Para bang nasa isang food eating contest kung ngumuya. Buti hindi nabubulunan ang isang 'to?  "T-Tang *cough* ina!"   Dali-dali niyang inabot ang tubig dito habang hinihimas ang likod nito. Sinasabi na nga ba niya, e.  "Magdahan-dahan ka naman sa pagkain kasi... ayan tuloy." Ina
Read more
Chapter 7
Sheiha Fajardo's POV "Sheiha? Who's Sheiha?" Nagtatakang tanong ni Andrius kay Clinton nang mabanggit nito ang pangalang 'yon.  The hell?  Tiningnan ko si Clinton at pinanlakihan ng mata. Naitikom nito ang bibig at napaiwas ng tingin. Make an alibi, you idiot! "Ah-eh, siya..." tinuro niya ako. Gusto atang makatikim ng batok itong lalaking 'to! Pinapahamak ako e!   "I mean, Sheena. This is Andrius, Sheena and Andrius this is Sheena."   Parang tanga! Napataas ang kilay ni Andrius sa sinabi ni Clinton. Ang eksprisyon ng mukha nito ay parang sinasabing 'Sabog ata 'tong ulupong na 'to'. Gagong Clinton, pinakilala ba naman kami sa isa't isa e boss ko nga 'tong antipatikong doktor na 'to? "I already know her, Camero. I'm a
Read more
Chapter 8
Sheiha Fajardo's POV Gusto niya akong makausap? And with that, my heart is starting to beat so fast that I forgot to breath for a second. Anong kailangan niya? Nakilala ba niya ako? Bakit ko ba kasi tinanggal ang mask ko kanina! Muntik na ako kanina dahil kay Clinton, ngayon naman... "Sheena? Are you okay?" I snapped from my reverie. "Huh? Ah-eh medyo hindi pa ako nakaka-recover kanina, doc. Maaari po ba akong magpahinga muna?"   Totoo naman, napagod ako. Parang bigla akong nawalan ng lakas kanina, hindi lang ang katawan ko pati na rin ng isip ko.  "It's fine, alam kong na-trauma ka sa nangyari. Take some rest, or you can have an early leave for today."    Guni-guni ko lang ata 'yon. May nakikita akong pag-aalala sa mga mata niya. Oo nga pala, normal lang naman kung mag-aalala
Read more
Chapter 9
Third Person's POV"Bakit ka nga pala dumalaw? Akala ko busy ka ngayon? Wala ka nang inaasikaso? Wala ka ng tatrabahuin?" "Kailangan talagang sunod-sunod ang tanong? Bakit? Disappointed ka dahil hindi si dok. ang maghahatid sa 'yo pauwi? New crush mo? Bakit hindi mo sabihin sa 'kin? Bakit hindi mo naikwento na lumalandi ka lang pala sa ospital? Sana sinabi mo agad na dahil sa crush mo kaya ka naging nurse na napakataliwas sa kinuha mong kurso, e... 'di sana hindi na lang kita pinigilan ano?" Napahawak si Sheiha sa sentido dahil sa sunod-sunod na tanong na iyon ng pinsan. Hindi niya ma-reached ang mga pinagsasabi nito. Ano nga ulit 'yon? Sabagay, kasalanan naman niya dahil siya ang nagsimula nito. "Tama na, sumasakit ang ulo ko, Bryly."  Brimme tsked, "Ayan, may pahatid-hatid pa kasing nalalaman. Sheiha, tandaan mo kung bakit ka nandoon. Saka bakit mo kasama ang Clinton na 'yon?!"&
Read more
DMCA.com Protection Status