Share

Chapter 32

Sheiha Fajardo's POV

"Vice! Sabi ko naman sa 'yo, walang makakatanggi sa ganda mo!" sigaw ni baklang Ruiz-za habang tumatakbo.

Muntik pa itong madapa buti na lang ay nakahawak siya sa railing sa gilid ng bletcher. Naku, kung hindi...

"Jusmi, vice! Pumayag si Mr. representative natin! Wala na tayong problema, all we have to do was to practice the walk and your talent," Excited itong pumunta sa harap ko, tinulak pa si Clinton na napayakap kay —Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ng taong ito? — at lumuhod sa harapan ko na para bang walang ibang tao bukod sa amin.

"O-Okay, na... hehehe." 

Napangiwi ako sa itsura niya ngayon. Kung kanina ang haggard lang niya, ngayon naman mukha na siyang aswang sa pagka-haggard. Jusmi, anong pinaggagawa ng babaeng ito? May uling pa siya sa mukha!

Agad akong kumuha ng panyo sa bulsa ko at iyon ang ginamit kong pamunas sa mukha niya. Pinalayo ko rin ang iba para lang makasagap ng hangin ang isang ito. Jusmi, daig niya pa ang pusang kalye sa dungis niya. Ano ba ang pinaggagawa nito kanina pa? At bakit... parang may amoy emburnal ata rito? Ako lang ba o may nakapansing iba?

"Bakit parang naging taong kalye ka, bhe? Anyari sa 'yo ba?" Dumalo na rin si baklang Bae at inayos ang buhaghag na buhok ni baklang Ruiz-za. 

"Sumuong ako sa kanal mga mader! Kinuna ko iyong susi ng kotse ni Calex, nahulog kasi. Para daw pumayag siya na maging representative ulit," Para na itong maiiyak sa itsura niya. Binigay ko na lang ang panyo ko sa kaniya at hinayaan siyang umiyak at magpunas ng sip-on doon. 

Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi niya. Kahit si Clinton ay sumama ang mukha sa sinabi ng kasama namin. Nang tingnan ko si Brimme, nakatingin na siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan, pero waley lang sa kaniya. Tinaas lang niya ang hintuturo at pinalapit ako. Bumangon ako at nagpagpag ng palda, saka lumapit sa kaniya.

"I don't like that Calex guy," walang amur niyang saad saka sumandal sa bangkong inuupuan.

Umingos ako at namulsa,

"Kailan ka pa nagkagusto sa taong nakapaligid sa 'yo? Lahat naman hindi mo gusto, e."

Tinaasan niya ako nang kilay. Huminga ako nang malalim at tumango-tango. Humalukipkip ako sa harapan niya at tiningnan siya ng deretso sa mata. Ako lang ata ang makakagawa niyon sa kaniya, ang hindi matatakot na tumingin sa mga matang walang emosyon na iyan. Mga matang palaging blangko kung tumingin. 

"What are you implying?" 

Umiling siya, "That Calex guy, I don't like him."

"Ano nga..."

"Let Clinton do the rest," Ipinilig niya ang ulo at senenyas ang likuran ko. 

Tiningnan ko si Clinton, nakataas ang dalawang kilay nito. Parang alam niya na kung ano ang gagawin sa bagay na ito.

"Do you trust that guy?" Tinuro ko si Clinton at nilingon si Brimme.

"More than that, Calex guy... yes." 

"Mas maayos nga kung siya na lang ang partner ko. Tutal marami naman na ang nagbago sa plano, bakit hindi natin tuluyang baguhin?" Nginitian ko si Clinton, "Umayos ka, a?"

Nagkibit-balikat siya at humalukipkip. Nginitian niya ako at tinanguan ng mahina.

___

I just thought...

I just thought...

I just thought that Clinton would be my partner. But it turns out to be his cousin. 

"Buti napapayag ka ni Clinton na sumali? Sa pagkakaalam ko sa ugali mo, may pagkakatulad kayo ni Brimme. Mga walang pakialam sa paligid, those heartless one."

Nagkibit-balikat lang siya at hindi niya man lang ako nililingon. Nakasandal lang siya sa dingding at katulad ko, naghihintay sa signal ni Clinton para magsimulang rumampa. Nasa dance studio kami ng school, iyon lang kasi ang malaking space na makakagalaw kami ng maayos, makakapag-practice ng maayos at kung saan tahimik na makakapukos kami sa ginagawa. 

Pareho kaming nasa magkabilang dulo ng dance studio. Si Clinton naman ang nagsilbing handler namin ngayon. Si Brimme naman ay hindi ko na alam kung saan pumunta, bigla na lang umalis pagkautos niya kay Clinton na e-guide kami. 

"Okay! Practice muna tayo sa unang rampa niyo sa stage. I know that the stage is much bigger than this pero kapag may time tayo mamayang gabi, doon tayo magre-rehearsal para maka-adjust kayo." 

Sumenyas si Clinton para patugtugin na ang musikang magsisilbing pampagana sa aming rumampa. Sina baklang Ruiz-za at Bae ang nag-oopera sa speaker kaya agad kong na-enjoy ang tugtugin. Napapaindak pa ako dahil napakaganda ng music. Hindi ako mahilig sa musika pero kapag nakakarinig ako ng beat na nakakaindak, hindi ko mapigilan ang sariling igalaw ang katawan at e-enjoy ang musika. 

"I love it..." sabi ni Clinton at nagbigay ng thumbs up sa dalawang bakla na sumasayaw na ngayon kasabay sa musika. Lumingon naman siya sa amin at sumenyas na lumabas na kami. 

With the beat, we walk our hearts out. Pinagpalit ako nila ng leggings at sando para maging komportable sa aking gumalaw ng naka-hills. At bago kami sumalang sa pagpractice, pinapanood kami ng mga ramp videos para alam namin kung paano lumakad. Though, this is our first time. Lalo na ako na hindi gaanong marunong mag-handle ng hills, may experience naman ako lalo na at minsan ay sinusuot ko ang mga high-hilled booths ni Brimme sa bahay. 

Kahit papaano, naha-handle ko ng kaunti ang hills. Alam ko kung saan ilalagay lahat ng bigat ko at kung paano para hindi mag-cross ang parehong binti na maari kong ikatumba. At first, nahirapan akong e-control ang paglalakad ko dahil sa sobrang taas ng hills, pero kalaunan naman ay naging maayos na. 

"Damn! You did a good job for the first ramp! Keep it ip," Panay ang papuri ni Clinton sa amin habang pumapalakpak. Pati ang dalawang kasarian ay parehong pumapalakpak. 

"But, even though I want to see you two did it again, may emergency akong gagawin. Something happened outside and I need to sort if out first, so see ya'll and let me see the best you can on the stage. On the actual event," Habang sinasabi niya iyon ay palabas siya ng palabas ng studio. 

I saluted him and smile. Sinong nagsabing walang ambag ang timawang alien na naging presidente kahit mahilig siyang manood ng porn sa paaralan? May ginagawa kaya ang isang iyon.

"So.... mukhang hindi na kami kailangan dito, makakaalis na kami!" Pagkasabi niyon ay parehong nawala ang dalawang bakla na parang bula.

"Iiwan niyo rin ako rito?!" Naisigaw ko na lang kahit pa hindi ko alam kung maririnig pa nila iyon sa bilis nilang tumakbo palabas.

"I guess we don't need to train that much, I need to go too." 

Akmang tatalikod na siya nang pigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak ng hoodie niya. 

"Hoy, hindi pa nga tayo tapos. Akala mo naman ang expert na natin para hindi mag-practice pa." 

Nilingon niya ako,

"I just need to walk, ikaw ang kailangang mag-ensayo dahil gagamit ka pa niyan." Tinuro niya ang hills ko kaya napatingin ako rito, "I'll be back in a bit."

Akmang maglalakad na naman sana siya kaso, "Mr. Chuckie Stealer!"

"Keep calling me that, I like it." 

At nagpatuloy sa paglalakad. 

"Hoy, ungas!"

"Ulol!"

"Talipandas, bumalik ka rito!"

Kahit ano pa ang itawag ko sa kaniya ay ganoon pa rin, walang epek! Para lang siyang bingi na nagpatuloy sa paglalakad habang nakapamulsa. Padabog akong naglakad palapit sa dingding at sumandal doon.

Ako na lang at ang musika ang natitira sa silid na iyon. I feel so empty, that's why I don't want to be alone. Brimme always accompany me everytime, kahit may gagawin siya ay iniiwanan niya para lang samahan ako. But I can't rely on Brimme forever, I need to face and overcalm it.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon. Isang lalaki na nakasuot ng gusot na pulo, hindi nakaayos ang necktie, saka hindi nakabutunes lahat ang butones ng pulo kung kaya't kitang-kita ang pangloob na sandong suot nito. Pamilyar ang lalaki pero hindi ko alam kung saan ko ito nakita.

"Anong kailan nila?" 

Pumasok siya at pinalibot ang paningin sa kabuuan ng dance studio. 

"My name is Calex Conrad." Hanggang sa tumigil ang mga mata niya sa akin, "Your former partner."

Napatango-tango ako, "Ikaw iyong nag-utos na sumuong si Ruiz-za sa kanal para makuha ang susi ng kotse mo?"

Napataas ang kilay nito, 

"Hindi ako 'yon."

"Kung hindi ikaw ay sino? Alangan naman na may iba pang Calex na dating representative ng Mr. Intramurals natin hindi ba?" Humiwalay ako sa dingding at nilapitan ang speaker. Pinatay ko ang music bago hinarap si Calex, "Anong kailangan mo?"

"Gusto ko lang malaman kung totoo ba na ikaw sana ang makakapareha ko," Naglakad-lakad ito sa kabuuan ng studio.

"Ngayong alam mo na, maaari ka nang umalis. Magpa-practice pa akong maglakad," taboy ko sa kaniya.

Kinuha ko ang cellphone ni baklang Ruiz-za at naghanap doon ng ibang musikang makakapagpagana sa aking rumampa. Iyong nakakabigay ng confidence.

"Hindi ba dapat na sabay kayo ng kapareha mong mag-ensayo? Tutal kayong dalawa naman ang magpe-perform niyan sa stage. Sabay kayong—"

"Hindi ko alam sa kapareho ko, nakakabanas nga, e." 

"That's so irresponsible of him," gatol niya sa sinabi ko.

"Eh, kaysa naman sa isa riyan na pinapahirapan muna ang iba bago pagbigyan," Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.

"I told you, that's not me."

"Mas naniniwala ako kay Ruiz-za kaysa sa 'yo," Ibinalik ko ang paningin sa cellphone at mas naghanap pa ng kanta. Wala akong masyadong nagustuhan sa mga beat.

"Tinanong mo ba kung ako ba talaga ang nag-utos niyon? Pwede naman na kaibigan kong nakahulog ng susi tapos insaktong nagtatanong ang taong iyon na may dalawang kasarian kung nasaan ako. Bago sagutin ng tropa ko, ay kailangan muna niyang kunin ang susi. Pero sinabi lang ng kaibigan mo na ako ang nag-utos dahil sa akin naman ang kotse," Napatingin ako sa kaniya. Nakapamulsa siya habang nakasandal sa dingding.

It somehow convince me.

I gave him a dead pan look, "Wala ka nang sasabihin? Makakaalis ka na."

"I told you..." He sighed, "I'll help you."

Nagkibit-balikat ako at naghanap ulit ng musika, "Paano naman?"

He can keep me company until they'll be back here. Wala naman akong gagawin bukod sa pilitin ang sarili kong mag-ensayo. Bakit ko nga ba tinanggap ito sa simula pa lang? Pero nandito na ito, e. Itutuloy ko na lang. 

Nag-isip-isip ako kung tatanggapin ko ba ang alok niya o', hindi. Pero wala namang mawawala kung hayayaan ko siyang tumulong. Dahil sa simula pa lang, siya na ang may alam sa ganito. 

"Sige payag ako, pero may tanong muna ako." 

"Spill it."

Pinalapit ko siya na ginawa naman niya,  at binigay ko sa kaniya ang cellphone. Tinanggap naman niya ito at siya na ang pinahanap ko ng musika. .

"Matanong ko lang, wala sa porma mong papayag ka sa mga ganito. Paano ka naging Mr. representative?" Sumilip ako sa pag-scroll-scroll niya.

"I'll tell you if you win," sagot niya.

Hindi na ako nangulit pa dahil sa una pa lang, hindi naman ako interesado. Basta may mapag-usapan lang. Nagtataka nga ako kung bakit hindi naging awkward ang atmospera namin gayong ngayon lang nagtagpo ang landas namin.

"Totoo ba na girlfriend mo 'yong former Ms. representative?" 

"Why? Interested in me?"

Umingos ako at naiikot ang mga mata,

"Mas gwapo pa kaya si Kian sa 'yo."

"I see," sagor niya at may pinindot sa cellphone.

Ilang segundo lang ay pumainlalang ang musikang hindi ko aakalain na magugustuhan ko. Katulad kanina ay remix din siya, pero mas nakakagana ang isang ito. Napangiti ako.

"You're Sheiha Fajardo, the soccer player?" 

Napakunot ang noo kong tumingin sa kaniya.

"You play soccer so I thought you're a player. Nagkalaro na tayo noon, hindi mo naalala?" Nilagay niya sa ibabaw ng speaker ang cellphone at namulsang humarap sa akin. Kahit naka-hills ako ay mas matangkad pa siya sa akin.

"What do you mean?" 

"That was years ago, when we are still in elementary.... gradr school I guess? But I don't forget easily if that things got a big impact in my life." 

"I have an amnesia so I don't remember my childhood," Nagpilit ako nang ngiti at tinalikuran siya. Pumunta ako pwesto ko kanina at naghandang rumampa, pero isang kamay ang nagpahinto sa akin sa tangkang pangrampa.

"Change your shoes, I miss playing soccer with you. Maglaro tayo, makakatulong ito sa 'yo para maging malakas ang mga paa mo." 

"I don't want to."

Kinuha niya ang sapatos ko na nakalagay sa gilid kasama ang backpack ko. Lumapit siya ulit sa akin at siya na ang nagtanggal ng hills ko at nagsuot ng sapatos. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, hinayaan ko lang siya. There's a part of me who wanted to play, but I'm scared. It may bring back those left memories from my childhood.

"Don't worry, kung hindi mo na alam kung paano maglaro. You taught me before, I'll teach you now."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status