Share

Chapter 6:

Third Person's POV

Wala sa mood si Sheiha habang pinaglalaruan ang pagkain na nasa harapan niya. Break time na nila ngunit sa halip ay kumain para may lakas siya mamaya sa trabaho ay ito ang kaniyang ginagawa.

"Hoy! Ano ba namang mukha 'yan?" 

Napataas ang tingin niya galing sa pagkaing pinaglalaruan.

"Huh?" 

"Anong huh?" Ngumunguyang asik sa kaniya ni Sheena. 

Napangiwi siya dahil ang bilis kumain ng kaharap. Para bang nasa isang food eating contest kung ngumuya. Buti hindi nabubulunan ang isang 'to?

"T-Tang *cough* ina!" 

Dali-dali niyang inabot ang tubig dito habang hinihimas ang likod nito. Sinasabi na nga ba niya, e.

"Magdahan-dahan ka naman sa pagkain kasi... ayan tuloy." Inabot ni Sheiha ang tissue rito pampunas sa bibig. Napapatingin sa kanila ang nasa cafeteria dahil sa nangyari.

Hindi lang naman kasi si Sheena ang nagmamadaling kumain doon, bagkos ay lahat. Kahit may fifteen minutes break sila, hindi nila naaabot 'yon dahil palaging may emergency. Buti nga sila kahit kaunti ay may break pero ang mga doktor na halos segundo ay hindi makapagpahinga dahil kaliwa't kanan ang emergency. 

Hindi mawari ni Sheiha kung ano ang mayroon sa araw na 'yon at napaka-busy ng mga tao. Pero sa mga oras na 'yon ay wala siyang pakialam. Paano ba naman kasi, kapapasok pa lang niya kaninang umaga ay lakad dito, lakad doon ang peg niya. Errand doon, errand dito, nakakapagod. Sa kunting pagkakamali lang niya ay sinigawan pa siya ng bitchitang nurse chicaron na 'yon. Para bang may tinatagong galit sa kaniya!

'Hindi 'yon parang lang, kung 'di meron talaga! Nakakainis!' 

"Ayos ka na?" Napangiti na siya ng tumango ito, "Bakit ka ba nagmamadali? May bakante kang isang oras mamaya."

"Nakipag-shift sa'kin ng oras si Melany. May nangyari raw sa bahay nila at emergency. 'Yong pasyente naman niya ay VIP ata kaya importante." 

Napatawa si Sheiha sa sinabi niya.

"Anong tinatawa-tawa mo riyan? Kanina para kang binagsakan ng langit at lupa tapos ngayon tatawa? Mukhang iba na 'yan, kambal. Patingin mo na 'yan," napatawa rin siya.

"Paano ba naman kasi, sinabi mo na nga na VIP tapos sinabi ko pa na 'kaya importante." Napatawa ulit siya.

"Ah... oo nga no? Medyo bobo ako sa part na 'yon," sabay silang tumawa.

"Ah-eh, baka gusto mo ng coke in can, Sheena... binili kita." 

Napatingin sila sa kapwa nurse na isang lalaki. Nilagay nito sa harapan nila ang coke in can na dala nito.

"Salamat-" napatigil si Sheena sa pagkuha ng coke ng agawin ito ng lalaki.

"Hindi ikaw na Sheena," bumaling ito kay Sheiha. "Ito Sheena, para sa'yo."

Ngumiti siya at nagpasalamat. Nang makaalis na ang lalaki ay binigay niya kay Sheena ang coke in can. Hindi kasi siya umiinom niyon kasi parang sinusunog ang lalamunan niya sa sobrang acidic nito at alam 'yon ni Sheena.

"Salamat, hehehe!" Binuksan nito ang can at ininom, "Feeling ko crush ka ni Lyndon."

Tinaas ni Sheiha ang dalawang kilay, "Hmm? Parang hindi naman."

"Hindi daw, manhid ka lang talaga." 

Napangiti siya at nagsimula ng kumain. Na-realize niya kailangan niya ng lakas dahil baka kung ano-ano na namang kaikihan ang ipagawa sa kaniya ng bitchitang nurse chicharon na 'yon.

"Saan ka ba na-assigned ngayon kung ganoon?" tanong ni Sheiha.

"Sa room 303..." Napabuntong hininga ito, "Napaka-rare ng opportunity na 'to, ang mabigyan ka ng isang oras na pahinga. Sa halos segu-segundo o' minu-minuto ang errand dito, halos hindi ka na nga makaupo man lang. Pero ano bang magagawa ko? Noong nangailangan ako ng tulong nandiyan si Melany para makipag-shift ng time."

Napatigil siya sa pagkain, naisip niya na isa ito sa mga pagkakataong kailangan niya. 

"Gusto mo shift tayo? Wala naman akong trabaho mamaya kasi makikipag-kwentuhan lang naman ako kay lolo Crisostomo Ibarra," nagtawanan sila sa bansag na 'yon ni Sheiha sa matandang lalaki.

"Pero kanina kapa inuutos-utusan ni nurse chicharon... alam kong pagod ka." 

Ngumiti siya, "Sino ba ang hindi? Lahat naman tayo rito ay pagod na pero walang choice kung hindi ay magtrabaho. Masuwerte nga ako at nurse lang ako rito tapos napunta pa ako sa mabait at maunawaing pasyente. Saka, sanay na ako kaya ayos lang. Pahinga ka muna sa ngayon tapos ako naman mamaya, ayos na?"

Ngumiti na rin si Sheena at tumango.

"Ipagpatuloy na natin ang pagkain, ang sarap ng pagkain basta may kasamang coke," magtawanan na naman sila pero mahina lang. Iyong sila lamang ang makakarinig.

"Siya nga pala, anong pinapanood mong drama ngayon?" tanong ni Sheiha habang pinaglalaruan ang pagkaing kaharap. 

Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan. Hindi matukoy kung bakit ngunit nawalan na talaga siya ng ganang tapusin ang kinakain.

'Ano ba itong nararamdaman ko?'

"Syempre si oppa Lee Min Ho," kinikilig na sabi ni Sheena.

Bigla siyang ginanahan sa topic nila. Actually, gumawa siya ng topic para makalimutan niya ang kabang nararamdaman.

"Anong title? Kakatapos ko lang ng 'The King: Eternal Monarch' niya." 

Nanggigil na napatili si Sheena sa sinabi ni Sheiha. Magkatulad na magkatulad.

"Talaga? Ako rin! Grabe," hindi makapaniwalang napailing si Sheena. 

Tumango-tango si Sheiha, "May balak akong panoorin ulit ang 'The Heirs' nila ni Park Shun Hye. Idol ko rin 'yon."

Nagulat si Sheiha ng bigla siyang hawakan ng mahigpit sa kamay ni Sheena na para bang nanggigil.

"Tan-ina! Seryuso? Kyahhh!" 

Tumango-tango si Sheiha. Nang mapagtanto ang reaksiyon ng kaibigan ay nanlalaki ang matang napapatili siya.

"Hindi nga?" Napapatakip sa bibig na tanong niya.

"Grabe," hindi rin makapaniwalang bulalas ni Sheena. "Kaya bagay tayong tawaging kambal e. Pareho tayong magaganda-cute pala, pareho tayong oppa si Lee Min Ho pati na rin si Park Shin Hye! Naku..."

Natawa si Sheiha.

"Currently dating ang status ni Park Shin Hye, gusto ko sana silang maging endgame. Kaso, balita ko, after three years of dating nila, magpapakasak na sila."

"Sayang no? Pero wala paring poreber," napatawa sila. "Pero seryuso, parang kambal ang isip natin."

"Guni-guni mo lang 'yan."

"Bakit? Hindi ka naniniwala? Baka sa past life natin ay kambal tayo. Ang dami nating pagkakatulad, katulad na lamang ng katotohanang pareho tayo ng pangalan. Ako si Sheena no. 1 tapos ikaw naman si no. 2, dahil ako ang nauna rito at sumunod ka. Pero dahil mas maganda-cute ka sa'kin, ibibigay ko sayo ang pagiging no. 1." 

Nagpilit siya ng tawa, "Kumain ka na nga, ang dami mong alam."

Guilt sipped through her whole. Hindi iyon katotohanan kung hindi ay purong kasinungalingan. She is hiding her identity for ten years now. It's for their sake, para hindi sila mahanap ng taong pumatay ng mga magulang nila. But they know that until now, hinahanap pa rin sila ng taong iyon kahit na nakaratay ito ospital na kinaroroonan niya. Sa rami ng minions nito? Kahit hindi pa ito makalakad, sa isang salita o utos nitong patayin sila ay magagawa nito iyon.

"Ms. Magbanua, ikaw daw ang papalit ngayon kay Melany?" tanong ng senior nurse nilang si Flora. Twenty-eight years old na ito at ito ang pinakamatandang nurse sa ospital na iyon. Mabait din ito hindi katulad ng isa riyan.

"Ah, opo." 

Akmang tatayo na si Sheena pero hinawakan ni Sheiha ang kamay nito at senenyasang maupo pabalik, saka siya bumaling kay nurse Flora.

"Manang, Flor... ako na po muna ang papalit kay Sheena. Hindi pa po kasi siya tapos kumain. Saka wala pa naman po akong inaasikaso ngayon." 

Naaawa namang napatingin si nurse Flora kay Sheena na nagpapa-cute. Nang tumango ang nurse ay napasuntok sa ere si Sheena. Sa ginawan niyang ito, napatawa si Sheena at nurse Flora. 

"Sige, tara na. Ebe-briefing kita kung ano ang gagawin." 

Nang tumalikod na ang nurse ay pasimple niyang tinulak ang kaniyang pagkain na hindi man lang nagalaw patungo kay Sheena.

"Take your time, mare." 

Pasimple silang nag-apir bago siya sumunod sa nurse.

Hindi alam ni Sheiha na sa kunting gawin niya ay may isang taong natutuwang pinagmamasdan siya sa simpleng bagay na kaniyang ginagawa.

"An angel..." bulalas nito sa isip.

"Naintindihan mo ba?" tanong sa kaniya ni nurse Flora pagkatapos siya nitong turuan sa kung ano ang gagawin niya.

"Opo, paparoon na po ako ngayon sa kaniya."

Tumango-tango ang nurse at nakangiti siyang tinulungang magtulak ng cart na may lamang mga gamot at equipments palabas ng silid na iyon.

Habang papalapit siya sa room 303, kumakabog ng mabilis ang puso niya. Hindi siya mapakali kaya nang nasa harapan na siya ng pinto ng silid, huminga muna siya ng malalim bago kumatok at pumasok.

Nakayuko siyang pumasok para ipasok ang cart na dala.

"Magandang araw po, ako po muna ang magiging nurse niyo sa ngayon. May emergency po kasi--sino ka?!" 

Nang maibaling niya ang tingin sa kama ng pasyente pagkatapos niyang ipasok ang dalang cart ay may isang nurse na lalaki ang naroroon. May hawak itong injection sa kaliwang kamay habang ang IV naman ay hawak ng kanan nitong kamay.

"Sh-t!" bulalas ng lalaking nagpanggap na nurse at kumaripas ng takbo palabas. 

Nabangga pa siya nito na siyang muntikan na niyang ikatumba. Nang makalabas ito ay siya namang pagpasok ng anak ng pasyente.

"What is happening here?"

Dahil sa pagkabigla ay tinulak niya ang lalaki palabas, "Habulin mo ang lalaking 'yon, dali! May balak siyang lasunin o patayin ang pasyente!"

"Lalasusin o papatayin, pareho---Aray!" Napahawak ito sa batok ng makatikim mula sa kaniya ng batok.

"Sinabi ng habulin mo na, e!!" sigaw ni Sheiha rito.

"Ito na nga hahabulin na."

Pagkasabi nito niyon ay kumaripas ito ng takbo. Parang sa isang iglap lang ay nawala na ito sa paningin niya.

Ang bilis naman tumakbo ng lalaking 'yon... oo nga pala, track and field ang sports ng lalaking 'yon.

Bumaling siya sa pasyente at agad niyang dinaluhan ito. Chi-neck niya ang mga vital signs at agad siyang naalarma ng tumaas ang heartbeat nito, pati na rin ang blood pressure.

"Sir, kumalma lang po kayo..." mahinahong sabi ni Shieha sa pasyente. 

"Okay, sundan niyo po ako. Relax lang po, inhale..." sabi ni Sheiha habang naririnig niya ang tunog ng monitor. Nang sinunod siya ng pasyente ay hindi niya namalayang napangiti siya.

"Okay, exhale..."

"Inhale..."

"Exhale..."

Habang ginagawa niya iyon ay hindi niya namamalayan kung sino ang kaharap. Ang nasa isip niya lang ay isa itong pasyente na nangangailangan ng tulong. Na kailangan niya itong pakalmahin.

Agad na may rumespunding doktor at nurse sa kwartong 'yon ng marinig ang emergency alarm sa kwartong iyon ng pindutin niya kanina dahil sa pagkataranta. Nakita ng doktor ang ginagawa niya kaya pinatigil niya ang mga nurse sa pagmamadaling pumasok.

"Isa pa po, Inhale..."

"Unti-unti na po kayong kumakalma, tuloy niyo lang po, kaya niyo 'yan."

Dahan-dahan siyang naglalad patungo sa emergency button at pinatay ito.

Si Sheiha naman ay nagku-concentrate sa ginagawa. Nang tingnan niya ang monitor ay kumalma na ang pasyente. Ngunit ang puso niya hindi pa rin kumakalma sa pagkalabog ng malakas at mabilis. Hindi niya alam kung dahil ba muntikan na siyang maka-witness ng isang murder case o' dahil kaharap na niya ngayon ang lalaking dahilan kung bakit nag-iisa na lang sila ng pinsan niya.

"You did a good job, Ms. Gozon. I'll take it from here."

Agad siyang dinaluhan ni Sheena ng makalabas siya sa kwartong iyon. Habang nakatingin sa pasyenteng inaasikaso na ngayon ng doktor at nurses. There's a regret sipped her. 

Iniisip niya na kung hinayaan niyang mangyari ang bagay na iyon, kung sana nagtagal pa siya ng ilang minuto sa harap ng pinto... Sigurado siyang sa pagpasok niya ay bangkay na lamang ang madadatnan niya. Bangkay ng taong pumatay sa mga magulang niya. May pagsisisi siyang nadarama kung bakit niya pa ito tinulungan kanina. Kung hinayaan na lamang sana niya ito kaninang magpanic ay sigurado siyang magkaka-attack ito.

Kung sana...

"Ms. Gozon, may I talk to you for a sec.?" 

Nabalik siya sa ulirat ng kausapin siya ng binatang doktor. 

"Huh? Ah, yes po doc." 

Buti na lang hindi siya nautal.

"Una, ayos ka lang?" May pag-aalala siyang nakikita sa mga mata nito.

Nang tumango siya, there's a relif now in his eyes. Para bang nabunutan ito ng tinik.

"Pangalawa, may nakita kaming potassium sa loob." 

Nang tumingin ulit siya sa loob, pinapalitan na ng ibang suwero ang pasyente.

"Hindi niya po na-inject 'yong potassium dahil bago na ma-inject 'yon, nakapasok po ako sa kwarto at ng makita niya ako, bigla na lang po tumakbo ang lalaki." 

Tumango-tango ang doktor ng may tumabi sa kanila.

"Hindi ko siya nahabol, hooh!" Humihingal itong nakahawak sa tuhod nito.

"Kinakalawang ka na," sabi ng binatang doktor.

"Psh, buti nga ako nakaka-home run e ikaw? Tamang galaw lang ng kamay--Aray! Pangalawa ka ng nambatok sa'kin ngayon ah!" Inis nitong hinihimas ang batok. 

Sa tingin ni Sheiha, magkaibigan ang dalawa. Sa kilos pa lang ng mga ito ay hindi makakailang matagal na ang mga itong magkakilala.

"'Yang bibig mo, tatahiin ko na talaga 'yan. Kung ano-anong kabalastugan ang inilalabas e!" 

"Ito namang si Andrius, hindi na mabiro. Napakseryuso mo kasi, pinapatawa ka lang naman." 

"Nakita mo naman na seryuso ang pinag-uusapan namin dito," inis na sabi ng binatang doktor bago bumaling ulit sa kaniya. "Sorry about that, this is Clinton Cameron, son of the patient."

Pagpapakilala ni Andrius sa kanila ng lalaking kilala na niya. 

"And this is Ms. Sheena Gozon, siya 'yong nurse na tumulong sa tatay mo para hindi mamatay."

Hindi niya alam pero parang may galit siyang nababanaag sa tuno ng pananalita ng binatang kaharap. Baka hindi pa rin ito maka-get over sa kakulitan ng kaibigan? Oo, baka ganoon nga.

"Parang hindi mo siya ama, ah?" Natatawang pang-iinis ng lalaki sa binatang doktor na makikita na talagang sobrang inis sa kaharap.

"Just kidding, anyways..." bumaling ito kay Sheiha at naglahad ng kamay. "As what this ugly doctor said, I'm Clinton Cameron the handsomest man on earth--wait...

....Sheiha?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status