Share

Chapter 17

Sheiha Fajardo's POV

Naipilig ko ang ulo habang hawak ang batok. Hindi ko maintindihan—hindi, wala akong maintindihan. Wala akong maunawaan sa mga nangyayari. 

"Bakit walang laman ang vault? Anong ibig sabihin nun?" 

Wala akong magawa kung hindi ang tanungin ang sarili ko nang paulit-ulit hanggang sa malaman ko ang sagot. Hindi man sinasabi ni Brimme ang iba pang detalye, alam kong may mas malaki pang kaganapan ang nangyayari ngayon. 

"Pero bakit kami binigyan ni papa ng kwintas na may nakatagong susi? Bakit bigla na lang siyang nawala pagkatapos ibigay iyon kay Bryly?" 

Bakit nga ba? Kahit sa tanong na iyon ay wala akong sagot. Noong tinanong ko naman si Brimme tungkol dito ay wala rin siyang alam.

"Bakit hanggang ngayon hindi siya nagbibigay ng pahiwatig kung buhay pa nga siya gaya ng sinasabi ni Bryly? Na hindi talaga siya kinidnap, na sa palagay ni Bryly, nagtatago lang si papa hanggang ngayon."

Pero bakit naman siya magtatago? Ano ba ang kasalanan niya? Hinahanap ba siya ng mga tauhan ng lalaking 'yun? Pero kapag ganun nga, sinasama naman niya kami sa kung saan man siya pupunta. Hindi niya kami iniiwang mag-isa. 

Ang isa pang nakakapagtaka, bakit bigla na lang sinabi ni Brimme ang lahat ng ito sa 'kin ngayon? Noon naman, kahit anong piga ko sa kaniya ay wala siyang sinasabi maski isang salita. 

Napasabunot ako sa buhok ko at nanggigigil itong ginulo, "Bakit ba hindi ko alam ang sagot!"

Nababaliw na ata ako. Kinakausap ko mag-isa ang sarili ko. Kung may makakakita man sa 'kin ngayon ay sigurado akong mag-iisip iyon na baliw na ako. 

"Bakit! Bakit!!!"

Paulit-ulit ko iyong isinisigaw. Wala na, tapos na. Nabaliw na ako nang tuluyan. Can someone rescue me now? Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagdadalawang isip din ako kung itutuloy ko pa ba ang pagre-resign. Kung gagawin ko man 'yun, paano iyong sinimulan ko? Mawawala lang ba ng ganun ang pinaghirapan ko? Ayon na, e. Napalapit na sa 'kin Iyong tao. Itutuloy ko pa ba 'to?

Kung itutuloy ko man, paano iyong pinangako ko kay Brimme? Pero siya naman ang nagsabi manatili ako sa ospital sa hindi ko alam na dahilan. Kapag tinatanong ko siya kung bakit, sinasabi niya lang ng basta at mag-iingat daw ako. Naiisip ko nga na inililihis niya lang ang usapan namin kanina para hindi ko talaga malaman ang totoong dahilan. Na pinapasakay niya lang ako. 

Noong una siya pa ang pumipigil sa 'kin na magtrabaho sa ospital na 'yun, pero ngayon? Siya na ang namimilit na manatili ako roon. Ano ba kasi talaga ang nangyayari? Akala ko ba hindi na ako maiiwan sa dilim na walang alam kahit na ano? 

Sa bawat minutong dumadaan, nadadagdagan ang mga tanong ko. Hindi pa nga nasasagutan ang isa, mayroon na namang isa madadagdag. Para siyang scarlet thread, hindi mo alam kung saan magsisimula. Kung saang tali ka unang mag-iimbestiga. Kung saang tali ka unang maghahanap ng kasagutan. Kung saang tali ka, unang tutungtong. 

Naalala ko pa noon nang magising ako pagtapos ng trahedya sa bahay two years ago, wala akong maalala kahit isa. Kahit pangalan ko ay hindi ko alam. Hanggang sa isa-isa, kusang bumabalik ang lahat—ay mali pala, kusang bumabalik ang iba. Ang naaalala lang ng utak ko ay iyong mga trahedyang naganap at mga taong kasama ko sa mga panahong 'yun. Kahit na anong pilit kong makaalala, wala talaga. Bukod sa mga trahedyang 'yun, may iba pa pero napakalabo. 

Tulad nang pagmamahal niya sayo, napakalabo. Relasyon niyong malabo nang painitin pa dahil na-frozen na sa lamig. 

"Hays...." Ginulo ko na naman ang buhok ko. Ano ba kasi itong pinagsasabi ko? 

Tigilan na nga natin 'to! Baka nga tuluyan na akong mabaliw kaiisip kung bakit hindi kami pwede ni Lee Min Ho!

Inayos ko ang buhok ko at pumara ng jeep. Wala na akong magagawa pa. Sa ngayon, magmamasid muna ako. Hindi lang sa kilos ng kalaban, pati na rin sa kilos ng pinsan ko. Nakakaduda na kasi, nagiging mas aggressive siya ngayon kumpara rati. Para siyang palaging may pinoproblema, palaging iniisip. Nag-aalala akong mabaliw din siya tulad ko. 

Huminga ako ng malalim pero agad akong napatigil. Dahan-dahan kong tinakpan kunyari ang ilong ko para hindi mahalata. Sinilip ko ang katabi ko mula sa peripheral vision ko. Isang manang na may kalakihan ang katawan at namamawis ang kili-kili ang bumungad sa paningin ko.

Agad kong binawi ang paningin ko at kunyaring pinalilibot ang paningin sa kabuuan ng jeep, hanggang sa madako sa kaniya ang paningin ko. Ngumiti siya kaya nginitian ko naman pabalik. 

"Ang init, nuh?" tanong niya habang pinapaypayan ang kili-kili gamit ang pamaypay niya. Iyong amoy galing sa kili-kili niya ay lumaganap na parang virus palibot sa ilong ko. 

"Ah, opo... balita ko po kasi nasa forty degree celsius ang init ngayon dito sa 'tin," sagot ko naman rito habang pinapaypay ng kamay ko paalis iyong baho. Kunyari namamaypay ako sa init.

Ito ang hindi ko gusto sa jeep, e. Naghahalo-halo na nga iyong baho, napakainit pa. Kailangan ko na talagang mag-jowa. Iyong may kotse dahil gagawin kong driver. Jusmi, kapag nagtagal pa ako rito sa loob, mamamatay ako ng walang dangal!

Headline; Babae namatay dahil sa baho ng kili-kili ng katabi.

"M-Manong, diyan na lang po sa kanto. Ito po ang bayad..." Inabot ko sa katabi ko ang bayad para maiabot niya sa driver. Pero agad ko itong pinagsisihan dahil sa pagtaas ng kamay niya, mas umalingasaw ang baho ng kili-kili niya.

Patawarin niyo po ako, panginoon. Naging mapanglait ako...

Dali-dali akong bumaba pagkahinto ng jeep at sinuntok-suntok ang dibdib ko. Huminga ako nang malalim. Kahit pa polluted ang hangin ay wala akong pakialam! Gusto ko lang makasagap ng hangin para mabuhay! Jusmi, muntik na akong mahimatay sa loob. 

Ako lang na ang nakapansin? Jusko, ang titibay din naman ng mga sikmura nila ano? Kailangan ko itong ilagay sa bucket list ko. 

Hashtag; Finding jowa para may taga-hatid at sundo ako.

Pinaypayan ko ang sarili ko at naghintay ng taxi. Imbes na nagtitipid ako, ito mas gumagastos pa. Pero taena, bakit dito ako nagpababa?! Nasaktuang napakainit ng kinatatayuan ko! Nyeta naman, o!

"Wanna ride?" 

"E...?"

Gulat akong napatingin sa lalaking nasa loob ng sasakyan. Anong ginagawa niya rito? 

Nandiyan na naman iyang pambobo mong tanong. Ano ba naman 'yan, Sheiha! Syempre daan 'to, ano ba pa? Gague talaga. Tsk, tsk, tsk. Napailing na lang ako sa sarili ko.

Pero may naaalala ako sa sinabi niya. Wanna ride? Iyong advertisement sa magic 'yun 'di ba?

Nevertheless, grasya na 'to. Hindi ko na kailangan pang mag-abang ng taxi sa ilalim ng sobrang tirik na araw. May nag-o-offer na nang libreng sakay!

"Sige ba, basta hindi mo ako pagbabayarin?" Taas noo kong sabi. Sa mga nakalipas na taon, napapansin ko na nagiging makapal ang mukha ko.

Nagkibit-balikat ito,

"Depends, sakay na."

Okiee...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status