Share

Chapter 20

Sheiha Fajardo's POV

Nagising na lang ako na nasa kwarto ko. Dahan-dahan akong bumangon at agad na hinawakan ang batok ko. Hindi ko alam pero para itong nangangalay. Iginalaw-galaw ko ang ulo

Hinanap ko ang cellphone ko dahil kanina pa 'to tumutunog. Nakita ko ito sa side table. Pilit ko itong inaabot na hindi umaalis sa pwesto ko.

Sinagot ko ang tawag at inilagay sa tainga ko, pero agad ko itong nailayo dahil sa napakalakas ng boses sa kabilang linya.

"Clinton naman!" bulyaw ko sa kabilang linya.

"Shit, Sheiha! Saan ka ba nanggaling?" Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Nagpa-panic din siya, "Kanina ka pa hinahanap ni Brimme! Sa palagay ko nagwawala na 'yun sa kung saan."

Napakunot-noo ako, "Ano ba ang nangyari?"

Napahawak ako sa sentido ko nang bigla itong manakit. Hinilot-hilot ko ito para kahit papaano ay mawala ang sakit. 

"Anong nangyari?! Bigla ka lang namang nawala sa cafe kanina." 

"Cafe...?"

Hindi ko maalalang nagpunta ako roon. Sinong kasama ko? Here it is again. Pinipigilan na naman ba ako ng utak kong makaalala?!  

"Hindi... Hindi mo na naman maalala? Teka, tatawagan ko muna si Brimme. Nasaan ka ba?"

"Nasa... Nasa bahay lang..."

"Anong ginagawa mo riyan?"

Napakamot ako sa batok,

"Ano, natutulog...?"

"Huh!" Hindi nito makapaniwalang buga, "Nag-aalala kami kakahanap sa 'yo, tapos natutulog ka lang pala?! Hustisya, Sheiha! Nasaan ang hustisya!".

Napangiwi ako, "Nasa korte...?"

Natahimik ang kabilang linya. Tiningnan ko kung naputol na ba ang tawag.

"Huh...?"

Ayun, slow ang ugok.

"Wala... Sabi ko tawagan mo na si Brimme dahil hindi mo makikita ang hustisyang hinahanap mo kapag patay ka na. Gets mo?" Hindi ko na siya hinintay pang makasagot. Pinatay ko na ang tawag at humiga ulit.

Pilit kong iniisip ang nangyari kanina. Ano ba talaga ang nangyari?

Lumabas kami nang ospital. Tapos naglakad sa napakatirik na araw dahil walang sasakyang dala si Brimme. May nakita akong cafe at pumasok kami roon.

Napabalikwas ako nang bangon. Nagtanong ako roon sa babae kung nasaan ang banyo. Pumunta ako sa gilid ng playground kung nasaan ang banyo. Pagkatapos....

"Patawad, nak..."

"Patawad, nak..."

"Patawad, nak..."

Napahawak ako sa batok ko at hinilot ito. Pagkatapos ay sa sentido kong mas tumindi ang pagsakit. Panaginip lang ba 'yun? Pero paano ako napunta rito kung imahenasyon ko lang lahat? Nag-sleep walking ako galing sa cafe papunta rito sa bahay?

"Patawad, nak..." mahinang sambit ko.

Napakapamilyar ng boses ng lalaking 'yun. 

"Papa..."

Gulat akong napalingon sa pinto dahil sa biglaang pagbukas niyon. Humahangos na Brimme ang sumalubong sa 'kin at agad na yumakap. Nakasunod si Clinton at Damon dito na humahangos din. Humawak sila sa kani-kanilang tuhod dahil sa paghahabol ng hangin.

"Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba? Sinong nagdala sa 'yo rito?" Hinawakan ni Brimme ang magkabilang pisngi ko, "May naalala ka ba kahit kunti?"

"Si.... papa."

"H-Huh...?"

"Tingin ko, nakita–hindi, narinig ko ang boses niya, bago ako mawalan nang malay..."

"S-Si papa? Papa natin? Bakit ka nawalan nang malay? Paano ka napunta rito?"

Tumango ako, "Siya ang nagdala sa 'kin dito, sa palagay ko..."

"Sabi mo hindi mo naalala ang nangyari kanina?" takang tanong ni Clinton.

"Pinilit ko ang sariling makaalala." Tiningnan ko si Brimme, "Hindi ako pwedeng magkamali. Boses ni papa 'yun..."

Tumayo siya, "Gusto mong malaman kung saan ako nagtatrabaho 'di ba?" Tumango ako, "Tara... Kailangan natin siyang mahanap."

___

Kailangan daw na nakatakip ang mga mata ko papunta sa pinagtatrabahuan ni Brimme. Hindi ko maaaring malaman kung saan kami dumaan. 

"Ayos ka lang talaga? Hindi ba masakit ang ulo mo?"

Umiling ako.

"May sinabi ba si papa sa 'yo?" 

Tumango ako, "Humihingi siya ng tawad..."

"We're here," rinig kong sabi ni Clinton. Siya kasi ang nagsilbing driver namin. Sumama rin si Damon. Pareho pala silang tatlo nang pinagtatrabahuan.

Kinuha ko ang takip sa mga mata ko at sinundan si Brimme palabas ng van. Nagtaka ako dahil walang kahit na ano sa lugar na kinaroonan namin. Kung hindi mga lupa lang. Napakalawak na lupain.

"Hindi ba tayo mapapagalitan ni superior nito?" Nakapamulsang tanong ni Clinton habang nakatanaw sa malawak na lupain. 

"Nagpaalam ako," sagot ni Brimme.

Nakita kong nakapikit si Clinton habang sinasamoy ang sariwang hangin, "Namiss ko nang makapunta rito. Kailan ba no'ng huli kong tapak dito?"

"Tara..." 

Sumunod kaming lahat kay Brimme. May isang maliit na bundok ang inakyatan namin bago kami makarating sa isang kweba.

"Bakit ba rito nila naiisipang magtayo nang agency?" Naiinis na tanong ni Damon. Kung makapagreklamo ito ay para bang hindi ito nagtatrabaho rito.

"Puro ka reklamo riyan! Palabasin mo nga si Dane. Iyon, matino pa kausap. Hindi puro reklamo ang isang 'yun."

"Tumahik nga kayo! Pareho naman kayong reklamador, e!" Nababanas kong bulyaw sa dalawa. 

Kung maaari nga ay pagbuhulin ko silang dalawa. Naiinis na rin ako sa sarili ko dahil sa pabigla-biglang pagbabago nang mood ko. 

"Mag-flashlight kayo. Gamitin niyo mga phone niyo," sabi ni Brimme habang may kinakalikot sa cellphone niya. Hanggang sa isa-isang nagliwanag ang mga phone nila.

"Kaya naman nating maglakad dito nang walang ilaw." 

I put my phone's flashlight on Clinton's face. Naiinis ako sa sinabi niya. Pwede bang manakit? 

"Kasama natin si Sheiha. Hindi niya kayang makakita sa dilim," maikling ani ni Brimme. 

"Ang galing niyo, ano? Nakakakita kayo sa dilim? Ano 'yang mga mata niyo? May supernatural powers?" Sarkastikong ani ko. 

Hindi na umimik ang iba. Nagsimula nang maglakad si Brimme papasok ng kweba. Sumunod ako, si Clinton at nasa huli si Damon. Kanina ko pa napapansin na tahimik lang si Damon pagkadating namin dito sa kweba. Baka napapagod nang magsalita.

"Kaya hindi ako nagbubukas ng liwanag dito, e. Nakikita ko ang malalaking supot ng mga gagamba at napakalaking mata ng mga paniki. Jeez," kinikilabutan na ani ni Clinton. Imbes na daan ang dapat na iniilawan niya, iyong mga supot at paniki ang binibigyan niya nang liwanag. Nang-istorbo ang putek.

"Kung ito 'yung anu niyo, bakit hindi niyo inaana?" tanong ko habang pumapalibot ang paningin sa kweba. Lalo na sa itaas na bahagi.

"Ano?" 

Nilingon ko si Clinton, "Kung ano niyo 'to, bakit hindi niyo inaano?"

"Anong inaano ba?"

"Ano, iyong ano..."

"Anong ano nga?!"

"Kung ito 'yung nagsisilbing head quarters niyo, bakit hindi niyo nililinisan?!" Ramdam kong nakakunot-noo na ako, "Bakit hindi mo maintindihan? Simpleng tanong lang hindi mo masagot-sagot, puro ka ano nang ano!"

Nag-e-echo ang mga boses namin sa loob ng kweba. Pati nga paghinga ng bawat isa ay naririnig namin. Bawat pagtapak at paghakbang namin sa lupa ay naririnig namin. O' ako lang ang maingay maglakad?

Namewang si Clinton at hinarap ako,

"Paano kita sasagutin ng maayos, e puro ka ano nang ano? May sense ba 'yang tanong mo? Gague 'to, e."

"Ikaw!"

"Ikaw!" 

"Clinton!"

"Sheiha!"

He's mimicking everything I've said! Gosh! Nakakagigil!

"Brimme, o!" Ungot na sumbong ko kay Brimme.

"Tumahimik kayo kung ayaw niyong paguuntugin at pagbubuhulin ko kayo. Naririndi na ako sa mga ingay niyo, a."

Pareho kaming umingos ni Clinton sa isa't isa at sabay na nag-iwas nang paningin.

"Asungot..." bulong ko.

"Sheiha?" nagbabantang tawag ni Brimme.

Napanguso na lang ako, "Tatahimik na!"

Tahimik kaming naglalakad. Ang tanging maririnig lang ay ang paghinga at mga yabag namin. 

"Ahhh!" 

Bigla akong napayuko at napahawak sa magkabilang tainga.

P-Putok ng b-baril...? Saan n-nanggaling 'yun?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status