Share

Chapter 19

Sheiha Fajardo's POV

Kadiliman. Ito na naman ang bumungad sa 'kin. Kailan ba ito mawawala? Kailan ba ito matatapos? Kailan ko na naman kaya makikita ang liwanag? 

Minsan, napapagod na rin akong kamuhian ang dilim. Napapagod na akong punahin ito at hanapin ang liwanag. Minsan nga naiisip ko, ang kadilimang bumabalot sa 'kin ngayon ay siyang naging sandalan ko mula pa noon. Bakit ba palagi kong hinahanap ang liwanag? Kung nandito naman ang dilim na nagsisilbing tahanan ko mula pa noon. Siguro tama nga na hindi ko na hanapin pa ang liwanag kung ang kadiliman naman ang palaging yumayakap sa 'kin.

I want to feel at east, kahit ngayon lang.

Kumapa-kapa ako sa dilim. Ang disadvantages lang ng kadiliman ay wala kang makikitang kahit na ano. Para bang puno ito ng mga lihim. Na kahit anong hanap mo nito ay hindi mo malalaman kung nasaan dahil sa wala kang makita. Kapag sobra namang maliwanag, nakikita mo lahat. Mga kasinungalingan na ginawa nilang katotohanan. Mga paniniwalang hindi naman dapat pagkatiwalaan. Pero napapapikit ka, nabubulag ka sa katotohanang hindi lahat ng nakikita nang mga mata ay totoo. Maraming nakakubli ritong lihim. 

Kung iisipin, pareho lang silang mapaglihim. Pero ang tanong, ano nga ba ang hahabulin mo? Iyong kadiliman kung saan wala kang makikitang kahit na ano, O' sa liwanag kung saan pulos kasinungalingan at pagpapanggap ang nakakasalamuha mo?

Sa bawat pagkapa ko sa paligid. Isang bukol ang nahawakan ko. Hindi man natin sila nakikita, alam natin na nandiyan lang sila sa tabi-tabi, nagmamasid. Naghahanda sa kung ano ang susunod na gagawin. 

"Hoy, Sheiha! Gumising ka!"

Napakunot ang noo ko. Para kasing nag-e-echo ang boses ni Brimme sa buong kadiliman. Napakalawak pala nito kung tutuusin. Hindi mo alam kung hanggang saan, kung nasaan ang katapusan.

"Hoy!"

Bigla akong napabangon dahil may sumampal sa 'kin. Agad kong hinawakan ang nasaktang pisngi at hinarap ang taong lapastanganang nanakit sa 'kin. 

"O-Oy, Bryly... anong ginagawa mo rito? Teka..." Pinalibot ko ang paningin sa kinaroroonan ko. Isa itong kwarto na napaka-plain. Walang bintana pero napakaliwanag ng silid.

Inisa-isa ko ang taong kasama ko. Si Brimme na nakukunsumi sa hindi ko alam na dahilan. Ano na naman ba ang ginagawa ko? Si Dane–Damon pala, at Clinton na maya-maya lang ay bubunghalit na nang tawa. Anong nakakatawa ba? Lumingon ako sa may kaliwa ko. Nakita ko si Andrius na namumula. Para na nga siyang hindi humihinga. Anong nakita nang isang 'to? Kung multo 'yun, dapat namumutla siya at hindi namumula.

"Ano ba ang nangyari?"

"Hindi mo naalala ang nangyari kanina?" Humalukipkip si Brimme, "Nag-seizure ka lang naman."

"E...? Wala akong maalala..."

Ito na naman. My brain is doing it again. It blocks memories all of a sudden without my permission. Kaya ako nahihirapang maalala lahat ng childhood memories ko. Cause my brain is keeping it deep inside. Locking it so even I can't open. Alam kong nandiyan lang sila.

May tumikhim kaya nilingon namin siya. He raised his hands, "Ako na ang magpapaliwanag. Ganito kasi 'yun, nakita namin ni Andrius na parang nag-aaway si Sheiha at Damon. Kaya nilapitan namin. At ayun nga, dumating ang ambulansiya, at narinig iyon ni Sheiha, nahilo siya, muntik nang mahimatay, pero nahimatay talaga siya. Binitbit ni Damon si Sheiha papunta rito, tapos hindi namin alam ang gagawin, inihiga namin siya kahit na dumudugo ang ilong niya. Dumating si Brimme, pinagbabatukan kami dahil bakit ka daw namin inihiga imbes na paupuin lang dahil nagdudugo ang ilong mo. Dumating si Andrius pagkalipas nang dalawa o tatlong oras ba 'yun? Cheneck ka niya pero naglumikot ang kamay mo at nahawakan ang hindi dapat mahawakan. Ginigising ka ni Brimme pero ayaw mong magising kaya ka niya sinampal. And the rest was history."

Napangiwi ako sa pinagsasabi ni Clinton. Wala akong maintindihan,kahit isa. Ang tumatak lang sa isipan ko ay iyong may nahawakan daw akong bagay na hindi dapat hinahawakan. Ano ba 'yun?

"I-I... I need to go... m-may mga pasyente pa a-akong aasikasuhin." Nagtataka ako kung bakit nauutal ang doktor na 'to. 

Mas lalo siyang namula nang bumungisngis sina Damon at Clinton. Agad naman silang tumigil na dalawa dahil sa masamang tingin ni Andrius. 

"Thank you, doc. and I'm sorry. Ako na ang humihingi nang pasensya sa ginawa ng pinsan ko." Mas lalo akong nagtaka dahil sa paghingi nang tawad ni Brimme. Pinsan? Ako lang naman ang pinsan niya. Ano ba ang ginagawa ko at ganito sila kung umasta?

"Ano ba ang ginagawa ko? Bakit kayo nagkakaganiyan?" 

Napailing si Brimme, "Nakakahiya kang maging pinsan. Grabe, napakahalay niyang kamay mo."

E...? 

"Kaya nga ako nagtatanong kung ano ang ginagawa ko! Wala akong maalala!" Nagsimula na naman akong makaramdam ng inis. Hindi na ito normal. Jusmi, hindi na ito nakakatuwa.

"Sheiha, huminahon ka..." Lumapit si Brimme at pilit akong pinapakalma. Ang dibdib ko ay tumataas- baba na nang matindi. Something is wrong. Bakit ako nagkakaganito?!

"It's her brain conspiring with her emotions. She think too much, her mind, body and spiritual are being stress. Kaya hindi niya namamalayan ang pabago-bago ng mood niya. May parte ng utak niya ang nagtataka sa pagbabago niya, may parte rin ng utak niya ang natutuwa sa lahat ng nangyayari. Hindi dapat ito magtuloy-tuloy. She may encounter a nervous breakdown in the future."

Nagulat ako sa sinabi ni Andrius. I heard it for the first time, he talk more than one sentence. Pero, totoo ba ang sinabi niya? Malamang oo dahil doktor siya. Alam niya lahat when it comes to the human's health and illnesses.

"Did you always have a nightmare?" Lumapit siya sa 'kin habang nakalagay sa magkabilang bulsa ng gown ang mga kamay niya.

Tumango ako, "It started a week ago. But it isn't a nightmare, though. Well, not fully. Its my memories, from the past. All are tragic."

"Can you remember, what are the things that triggered your brain to reminisce this things?" Seryuso siya habang nakatingin sa 'kin.

Tiningnan ko si Brimme. Tumango ito kaya ibinalik ko ang tingin kay Andrius. 

"A-Ano... Dahil doon sa... nangyari."

"What exactly happened?"

"Iyon bang nangyari two weeks ago? Iyong may nagtangka sa buhay ni Mr. Cameron?" sunod-sunod na tanong ni Clinton. 

Dahan-dahan akong tumango. That scenario keeps on running in circle. Triggering all the unnecessary memories to comeback. It isn't a nightmare, those are the tragedies that happened to me ten years, and two years ago. 

"I won't say anything, yet. But I already had something in mind about her condition," sabi nito habang nakatingin kay Brimme. "Let's make a test after you recover," sa akin naman ito tumingin.

Tumango ako. 

"I need to go. Aasikasuhin ko pa ang mga pasyente sa am–, nevermind. Take some rest, I'll be back."

Hindi niya pinansin ang dalawang lalaki at magtuloy-tuloy lang sa paglalakad paalis. Nang maisarado niya ang pinto, agad akong tinulak ni Brimme pahiga.

"Magpahinga ka, at huwag ka nang magmatigas. Marami akong paraan para makatulog ka."

"Tulad nang...?" 

"Pagpukpok sa ulo mo," sagot niya habang inaayos ang kumot. 

Hindi na ako magtataka kung bakit iyon ang sagot niya. Napakabrutal nitong pinsan ko, mas brutal pa sa inaakala ng lahat sa kaniya. At ako lang ang nakakaalam kung gaano siya ka-brutal.

Nakaupo na si Clinto at Damon sa couch. Kahit ganito lang ang kwarto. Napaka-plain pero malawak naman. 

"Excuse me, there's a package for Brimme Shy Gozon. Do you know her?" Pumasok si Andrius sa kwarto dala ang isang maliit na box. 

"That's for me," inabot ni Andrius ang box. 

"If you're Brimme, who's Bryly?"

"'Yan ang tawag ko kay Brimme," ako na ang sumagot. Siguro narinig niya akong tinawag si Brimme na Bryly kanina. 

"Brimmy sana, combination of Brimme and Shy kaso ang sagwa pakinggan kaya Bryly na lang."

Tumango-tango ito.

"May gunting kayo? Hindi ko mabuksan." Nahihirapan si Brimme na pilit binubuksan ang box. Naiikot ko ang mga mata. For sure nagkukunwari lang ang isang 'to. Sa isang kumpas lang ata ng kamay niya ay kaya niya itong wasakin pero dahil may mga taong nakatingin sa kaniya, kailangan niyang magpanggap.

Pwera sa amin ni Clinton na alam kung gaano kalakas si Brimme, hindi ko alam dito sa dalawa. Si Damon, sa palagay ko ay may hinala. Sa dami ba naman nang alam ng lalaking 'to? Ewan ko na lang kapag hindi niya pa alam ang sekreto ng pangulo ng bansa.

May ibinigay si Clinton dito na isang maliit na kutsilyo. Umupo sa kinaroroonan kong kama si Brimme at binuksan ang box. Nang mabuksan niya ay may isang metal na bagay ang nasa loob. 

"Vault....?"

Agad akong sumilip. Isa nga iyong vault. 

"Ganito rin ba kalaki iyong nakuha ko noong una?" tanong ko kay Brimme habang tiningnan ang hawak niyang vault. Mabigat kaya 'to?

Para malaman ko ay kinuha ko ito sa kamay ni Brimme. May kabigatan dahil sa metal siya. I shake it to know if there's something inside. But to no avail, I can't hear anything. Kinuha ni Brimme ang vault.

Lumapit ako kay Brimme at bumulong,

"Pwede ba nila itong malaman?" 

Tumango lang siya at inilabas ang suot na kwintas. She used the key on her necklace to open the vault, and it opened. There is..., nothing on the inside but just air. 

Ano na naman ang ibig sabihin nito? Last time was the same. There's nothing on the vault. 

"Wala na namang laman. May pinapahiwatig ba ang nagpapadala nito?" 

"Maybe," sagot ni Brimme.

_____

"Hindi ka nagdala ng sasakyan?!" Ungot na tanong ko kay Brimme. Lumabas na kami sa ospital at napagdesisyunang sa bahay na lang ako magpapahinga. 

Tuluyan na rin akong nag-resign dahil sa nangyari kanina. 

"Paulit-ulit, Sheiha?" 

Umingos ako. Napakainit dito sa Pilipinas! Jusmi!

"Bakit kasi hindi mo na lang tinanggap iyong offer na paghahatid ni Clinton?! Alam ko naman na may past kayo pero iba ang sitwasyon na 'to?! Pwede tayong mamatay sa init! Tapos wala pang dumaraan na sasakyan. Jusmi... nanggigigil ako!"

"Gusto mo tapiyasin ko iyang pasmado kong bunganga?" Nakayuko itong naglalakad, na para bang napakalalim ng iniisip.

"Ito na, tatahimik na..." Napanguso ako at napapahid sa pawisan kong noo. 

Napabuntong-hininga si Brimme. Sa lalim nito ay hindi ko na masisid, charot. Huminga na rin ako nang malalim saka pinalibot ang paningin. 

"Silong muna tayo sa cafe na 'yun, ang init!" Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita. Agad akong tumakbo sa cafe na nakita ko. May puno sa gilid nito at playground sa likod ng puno. Makulimlim ang area na 'yun dahil sa malaking puno. Pagbukas ko ng pinto ay nag-ring ang maliit na bell sa itaas ng pinto, indikasyon na may pumasok. 

I am in awe after I look around. May nakikita akong mga quote sa dingding. May confession board din sa gilid. Napaka-friendly at mellow ng ambiance ng cafe. Napakaganda sa pakiramdam.

"Bryly, dito!" Kumaway ako kay Brimme nang makapasok siya. 

Agad akong tumango, "O-order muna ako ng makakain at maiinom, teka."

Pumunta ako sa counter at pumili, kaso natawa ako sa mga quote katabi ng mga pangalan ng pagkain at inumin.

"Apple pie; both so sweet, can melt your heart that will make you sing like a bird. Tweet, tweet," basa ko ko sa apple pie quote. Parang hindi na ito pinag-isipan pa ng matagal, "Dalawa po nito."

"Saka ito pong fruit shake niyo, mango at strawberry po."

"Iyon lang po ba lahat, ma'am?" Tumango ako, "Hintay lang po kayo sa table niyo. Ese-serve namin ang order niyo within ten minutes."

Nagpasalamat ako at nagngitian kami. Bumalik ako sa pwesto namin. Ganoon pa rin si Brimme, napakalalik nang iniisip. 

Pumitik ako sa harapan niya. Doon lang siya natauhan at paulit-ulit na kumurap.

Nginitian ko siya, "Huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Hindi pa naman tayo sigurado kung sino talaga ang nagpadala nung vault."

Napabuntong-hininga na lamang siya at tumango, "Wala pa akong ebidensiya na buhay pa si papa. Baka hindi siya ang nagpapadala nun."

Tinapik ko siya sa balikat,

"Walang masamang mag-asume minsan. Teka lang, hah? Naiihi ako, e."

Tumango siya at nagbalik na naman sa pag-iisip nang malalim. Napailing na lang ako at bumalik sa counter.

"Miss, saan ang cr niyo?" 

"Nasa gilid ng playground, po ate. Saka huwag na po, miss ang itawag niyo sa 'kin, Soelil na lang po." Nakangiting sagot ng babae. Ang cheerful niyang tingnan kapag nakangiti. Siguro napaka-friendly nito tulad ko.

"Okie, bakit napakalayo ng banyo niyo, Soelil?"

Natatawa itong sumenyas na lumapit ako, "Para hindi natin maamoy ang hindi kanais-nais."

"Sira," natawa na rin ako. 

Nagpaalam ako saka lumabas ng cafe. Tinungo ang sinasabi niyang banyo. Para itong public comfort room pero napakalinis at pangmayaman ang tiles na gamit. Sosyal... 

Binuksan ko ang isang pinto ng cubicle at akmang papasok na nang may maramdaman akong tumama sa batok ko na isang matigas na bagay. Nahihilo akong napaupo. Bago nawalan nang malay, narinig ko ang isang boses na napakapamilyar.

"Patawad, nak..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status