Share

Chapter 18

Sheiha Fajardo's POV

"Salamat ng marami," sabi ko at lumabas na ng kotse niya. Pero nagtaka ako nang lumabas din siya at sumabay sa paglalakad ko. 

"I also have an appointment here." Tumingin ito sa 'kin, "I didn't know that you work here."

Nagkibit-balikat ako, "Hindi ka naman nagtatanong."

"Do I have to? Wala bang magagalit?"

Ngumiti ako. Sometimes, life is good to us. Kung sino pa ang taong nagawan mo nang masama noon, siya pa ang umiintindi sa'yo ngayon. Things may be difficult for us in first, but through the process of letting go, moving on and forgiving both parties, you can achieve the peace you've been longed for.

Same old, Dane. Nothing change, huh? He doesn't want to interfere others businesses kung hindi naman siya kasali rito. He keep his mouth shut and pretend not to know. Saka lang siya kikilos kung may kinalaman sa kaniya ang bagay na 'yun.

"Wala naman, I prefer being alone for now."

"Same here, I don't feel like having a nuisance other than myself."

Natatawa ko siyang tiningnan habang naglalakad pa rin, "You call yourself a nuisance? Paano naman akong napakatigas ng ulo?"

"Sino ba ang taong hindi matigas ang ulo? Syempre may bungo sa loob."

Napailing na lang ako. At least ramdam ko na wala na siyang hinanakit sa 'kin. I hope he already move on. Ayos na 'iyong isa lang ang hindi. 

"Kumusta na si Brimme?" Kapag kuwan ay tanong niya nang nasa harap na kami ng ospital.

"Same old, malihim pa rin."

Tumango-tango siya, "Intindihin mo na lang siya nang intindihin. I hope she knew her limits, though."

"Ewan, hindi ko na lang pinapansin. Kung gusto niyang ipaalam ang nangyayari sa buhay niya, willing naman akong makinig. Pero kung hindi, wiling din akong tumahimik lang," Kahit pa minsan ay nagtatampo na ako dahil sa paglilihim niya. She always keep me in the dark. Kunti na lang at iisipin kong she would left me, hanging. Cause she want to do it herself, in her own way. 

Paano naman ako? Tatanga lang sa isang sulok habang siya ay ibinubuhis ang buhay? Hindi ko nga alam kung bakit niya pa kailangang gawin ang mga bagay na ikapapahamak niya nang husto kung pwede naman kaming humanap ng paraan para hindi masaktan ang mga sarili namin.

"Sometimes, you need take risk to know what you're capable of doing. She does the things she is doing now because she has reasons. And one more thing, hindi naman masama ang maglihim kung para naman ito sa kaligtasan niyong dalawa, hindi ba?" Same old, Dane. A neutral person who understands everyone. 

"Lahat naman may rason, it is either bad or good. Saka kung para ito sa kaligtasan namin, hindi ba tama lang na malaman ko ang mga bagay na 'yun para maging cautious ako?" Ewan pero naiinis na naman ako. Katulad nga nang sinabi ko, mataas ang pasensya ko. Pero dahil sa mga nangyayari, hindi ko kayang pakisamahan ang sarili. Kaya ako mas lalong napapahamak.

"It's better to leave some questions unanswered rather than know it that may cause us to ruin ourselves."

Napangisi ako at napayuko. Sa bawat hakbang ng mga paa ko, mas lalong bumibigat ang puso ko.

"Then, we're opposite, cause I don't think that way. Now I'm starting to think that you haven't move on. Feeling ko pinatatamaan mo 'ko." Tiningnan ko siya. Napahinto kami sa malawak na hallway. Nagtitigan, parehong walang mga emosyon ang makikita sa mukha pero ramdam ang pighating dumadaloy sa aming mga puso. 

"You're the one who haven't move on yet, Sheiha. Think about it, wala akong ibang sinabi bukod sa intindihin mo si Brimme at huwag nang makialam pa sa kung ano man ang tinatrabaho niya. Cause history may repeat itself if you keep on digging its grave."

Napayuko ako. He had a point but I just can't convince myself to stop. Ngayon pa na may nalaman ako? Alam kong ikapapahamak ko itong gagawin ko pero kailangan. I know that I promise Brimme not to get involve on this matter but after I knew something that may help me answer all my pending questions that keep on running in circle, bothering my mind for a long time? I just can't let it go. I can't let it slide my grip. I will hold unto it until I find all the hidden messages behind all the happenings.

"I can see determination in your eyes." 

"Bakit mo sinabi sa 'kin ang lahat ng 'yun kung ayaw mo akong makialam?"

Yumuko siya at inilapit ang bibig sa tainga ko, "Hindi mo ba gustong malaman ang katotohanang pilit nilang itinatago sa 'yo? They are giving to answers that made you step on the wrong thread. Unahin mong hanapan ng kasagutan iyong nasa malapit na tali. Malay mo, ang mahahanap mo ay siyang kasagutan sa lahat ng tanong mo."

Umayos siya nang tayo at humalukipkip. He smirked and stare at me like he knew something. A bomb that will explode and that may ruin everything.

"Malay mo rin, lahat ng paniniwala mo, pinagkakatiwalaan mo, ay hindi pala totoo..."

Naningkit ang mga mata ko, "What do you mean?"

Sa hallway kung saan palabay-labay ang mga tao. May nagmamadali, nagtatakbuhan at naglalakad. May naka-wheel chair, may naglalakad dala ang dextrose, may mga nurse at doktor na nagche-check sa lahat ng pasyente. May isang taong nagmamasid sa kilos ng bawat isa. Hindi man halata, marami siyang nalalaman na maaaring makasira ng iba, ng sarili mo, at ang masaklap, lahat ng katotohanang pinaniniwalaan mo. 

Ayaw ko mang maniwala pero ang mga pangyayari na ang nagsisilbi niyang ebidensiya sa lahat nang pinagsasabi niya. There's more for a naked eye can see. Minsan, kailangan nating takpan ang mga mata natin para marinig ang katotohanan. Dahil minsan, lahat ng nakikita natin, ay maaaring purong kasinungalingan lamang.

"Minsan, kailangan nating takpan ang mga mata natin para marinig ang katotohanan. Dahil minsan, lahat ng nakikita natin, ay maaaring purong kasinungalingan lamang... I think we have the same answer to that question. I am right or I am right?" Mas lalong lumapad ang pagkakangisi niya. This guy is cunning. He is not Dane.

"You're not Dane."

His mouth formed an 'O'. He seems happy with my statement. Natawa siya saka umiling.

"At last you've notice! Give me five!" He raised his right hand, asking for a high five. But I don't care. The fact that he decieve me, thinking that he is Dane, I felt my blood boil. Alam ng lahat na ang pinakaayaw ko ay iyong niloloko ako. 

"You motherf'cker Damon!" Gigil kong bulyaw ng pabulong. I don't want to cause a scene. 

Damon, the other personality of Dane. The cunning and most evil of all the people I knew. He can decieved a person with just his smile. He can ruin you, with just his words.

Natatawa nitong itinaas ang parehong kamay na para bang sumusuko. Ikinuyom ko naman naman ang parehong kamao ko. Gusto ko siyang suntukin. Gusto ko siyang saktan ng paulit-ulit. 

"Chill, Sheiha. Today's host is me. Para hindi kami nagtatalo ni Dane, we made a deal. Gumawa kami ng schedule kung sino ang lalabas sa araw na 'yan, ganiyan, ganito, " He sighed and smirked. "Pero dapat nga ay magpasalamat ka at nagkita tayo ngayon. Long time no see, Sheiha. Ops, we've meet just a week ago."

"You... Ikaw din ba iyong sa grocery store?!" 

He playfully move his head, side by side then up and down, "Kinda. Think about it, noong tumanggi ka when I offer you a ride home, agad kitang sinunod. You know me, I won't force someone to be with me if they don't want to. Kaya agad akong umu-o. Pero kung si Dane 'yun, lalo na pagdating sa 'yo? He would insist hanggang sa mapapayag ka niya. See the difference. Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin mahinuha ang pagkakaiba namin? Kung sino ako at kung sino siya? About sa talipapa, allergy talaga si Dane sa mga sea food."

"Pareho kayong allergy nun, tan'ina mo."

Natatawa itong umiling, "Now back to the main topic. Alam mo ba kung bakit nandito ako?"

"Malay ko sa 'yong, tang'na ka."

He tsked, "Hindi ko alam na palamura ka na pala ngayon?"

"Pake mo ba, e sa pagod na akong magmahal." 

Napailing ito at huminga nang malalim,

"May dadalawin ako."

"Pakihanap ang paki ko, salamat." Nagmartsya ako paalis, palayo sa tang'nang, hinatupak, ungas na taong 'yun. 

Pero agad akong tumigil dahil hinabol pala niya ako at hinawakan ang kamay ko.

"Ano ba! Bitaw!" Pumiksi ako pero hindi siya natinag. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko.

"Sandali lang! May sasabihin pa ako—"

"Sabi ko, pakihanap ang paki ko! Alis!"

"Anong nangyayari rito? Damon? Sheiha?" 

Napalingon kami sa taong 'yun. It was Clinton, kasama niya si Andrius na seryuso pa rin. Kailan kaya malalagyan ng emosyon ang mukha niya? Kahit mga mata niya ay blangko. 

Sa isang malakas na piksi ay naihiwalay ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak niya. Hinilot-hilot ko ito, namumula kasi. Sa higpit ba naman nang hawak niya? 

"Buti alam mong si Damon itong kasama ko." Gigil na gigil ako. Gusto ko talagang manakit pero hindi ko alam kung sino ang sasaktan ko.

Nagkibit-balikat si Clinton,

"Pumasok ka na sa nurse's quarter at huwag na huwag kang lalabas. Stay there hanggang tanghali. Or better leave this place immediately."

"E,? Anong nangyayari?"

"There's an ambu—"

Napalingon kami sa entrance nitong ospital nang marinig ang serina ng ambulansiya. Agad nagsimulang manginig ang mga kalamnan ko at umikot ang paningin ko. Napahawak ako sa ulo at naghanap ng makakapitan. 

"Shit!"

May isang tao na agad umalalay sa 'kin. Siya ang pinagkukunan ko ng lakas. Dahil sa bawat pagtunog ng ambulansiya at pagkakagulo ng mga nurse at doktor, mas lalong tumitindi ang nararamdaman kong panginginig. Muntik ko nang makalimutan ang tungkol dito. 

"Damn, Damon bilis. Ilabas mo si Sheiha rito ngayon na!" rinig kong nagpa-panic na sabi ni Clinton. 

"Gago ka ba?! Nagkakagulo sa labas at hindi tayo makalabas sa entrance dahil sa sunod-sunod na pagpasok ng mga pasyente! Iyong kotse ko malapit lang sa parkingan ng ambulansiya, mas lalala siya kapag lumabas pa kami!"

Napapalunok ako nang maigi dahil halos hindi makilala ng dila ko ang laway ko. Gusto ko itong ilabas, gusto ko itong isuka. Ramdam ko ang pag-angat ng mga paa ko sa ere.

"Hurry, on my office, third floor, room 185. I have a private room there, it's open."

"Shit! Brimme would kill me if something happens to Sheiha! Nagsimula nang dumugo ang ilong niya! Bilis sa pagkilos Damon! Para kang bakla, e!"

Alam kong nakasunod si Clinton sa 'min ni Damon. Ramdam ko ang pagtindi ng nararamdaman ko dahil sa tunog ng ambulansiya. Napakalinaw nito sa pandinig ko. Pakiramdam ko, bumabalik ako sa nakaraan. Ten years ago.

"Ikaw kaya ang magbuhat ng ganito ka bigat?! Ki-payat na tao pero daig pa ang baboy sa bigat! Kapag nabali ang mga braso ko, makakatikim kayo sa 'kin!"

"Ang OA mo! Bilis sa elevator!"

"E, kung tadyakan kaya kita?! Huwag mo akong utusan!"

"Bakit?! Maghahagdan ka?! Sige! Ibigay mo si Sheiha sa 'kin! Tan'na mo!"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mababanas sa pagbabangayan nila. Nakikita na nga nila ang sitwasyon ko, ganito pa sila umasta? Talaga? Mga isip bata ang mga ungas! Hintayin lang nilang maging maayos ako, pagkakaltukan ko sila isa-isa.

"Tang'na, bakit ayaw bumukas!"

"Maghagdan na lang tayo! Baka tuluyan na nga akong patayin ni Brimme!"

Kahit nahihilo ay malinaw pa rin sa pandinig ko ang sinabi niya. Papatayin ni Brimme si Damon? Maiintindihan ko pa kung si Clinton 'yun. Ano na naman ba 'to? 

Pero isa lang ang nahinuha ko ngayon. Kailangan ko na talagang mag-resign. Kung kanina ay nagdadalawang isip pa ako, ngayon ay hindi na. Ayoko nang maalala pa ang nakaraan. Kahit saan ako magpunta, kahit pa sinong tao ang kasama ko, palaging bumabalik ang isip ko sa nakaraan. Inaalala lahat ng masasakit na nangyari. Pilit inaalala ang mga masasayang alaala na nakalimutan ng isip ko. Dahil ang tanging natira lamang ay iyong mga trahedyang nagpabago sa mga pananaw ko.

"Hoy, Sheiha! Huwag kang matutulog!"

"Tawagan mo si Brimme! Kahit takot ako sa kaniya, kailangan niyang malaman ang nangyari sa pinsan niya."

"Bakit ako ang tatawag?! Kita mo ngang may bitbit akong baboy!"

Aba't ang Damon na 'to! Humanda talaga 'to sa 'kin!

"Tan'na, oo nga pala."

Isa pa 'to, e.

Ang daming sinasabi, pareho namang takot kay Brimme. Nag-imaginary iling na lang ako. Hindi ko na kaya, gusto ko munang matulog. Sana paggising ko, magiging maayos na ang lahat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status