Unti-unti nang naglalabasan ang mga kalaban. Hanggang saan ang kaya nilang dalawa para manalo? đ€§
Emerald's POVNapamulat ako ng mga mata ko nang maramdaman kong may humalik sa noo ko. Bumungad sa akin si Trevor na nakatingin sa akin. Ngumiti siya sa akin kaya bigla akong napabangon. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako."Kanina ka pa?" tanong ko sa kaniya."Kararating ko lang," maiksi niyang sagot sa akin."Sorry, nakatulog ako. Si Audrey?" tanong ko pa sa kaniya."Bumaba lang siya saglit."Napatingin ulit ako kay Trevor. Nakasuot pa rin siya ng polo niya pero wala na siyang necktie. Gulo gulo ang buhok niya at lukot na rin ang suot niya. Ang mga ngiti niya ay hindi umaabot sa mga mata niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko."May problema ba?" tanong ko sa kaniya."Teka, nagugutom ka na ba? Tara, kumain tayo," pag-iiba niya ng usapan.Maglalakad na sana siya palabas ng kwarto ngunit mabilis kong hinawakan ang kaniyang kamay. Napatigil siya ngunit hindi siya humarap sa akin."Trev, tell me," lakas loob kong sambit sa kaniya.Humarap siya sa akin at lumuhod para magkapant
Third POVNakalabas na ng ospital si Brenna at nakauwi na ito sa kanilang bahay ngunit hindi ito masyadong nagsasalita. Nag-aalala si Ricky sa inaakto ng anak ngunit wala pa siyang magawa sa ngayon. Kaya kahit ayaw niyang iwan ang anak ay umalis siya ng bahay upang pumunta sa kaniyang opisina. Tiwala naman siya sa kaniyang asawa na hindi iiwan mag-isa ang dalaga.Nang makasiguro naman si Brenna na umalis na ang kaniyang Papa ay mabilis niyang pinuntahan ang ina na nasa kusina at nagluluto."Mama, ano pong balita?" mabilis niyang tanong sa ina."Hindi maganda pero huwag kang mag-alala. Ginagawan ko na ng paraan at isa pa, ipagpatuloy mo lang ang pagiging tulala at tahimik kapag kaharap mo ang Papa mo. Kailangan niyang maramdaman na sobra kang naaapektuhan. Sa gayon ay hindi siya pumayag sa kasal," mahabang sabi ni Haidee sa kaniya.Napabuntong hininga naman siya at marahang napailing. Hindi niya akalain na mangyayari ang lahat ng ito. Ngunit nakakasiguro siya na si Marco na ang mahal ni
Emerald's POV Maaga akong nagising dahil ang totoo ay hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Tulog na tulog pa si Audrey na katabi ko sa kama, at si Trevor na sa sahig natulog. Mas gusto kasing makitulog ni Audrey dito sa condo dahil nag-aalala siya sa akin. Kaya sabay-sabay kaming umuwi kagabi. Dahan-dahan akong bumangon upang hindi ko magising ang magkapatid. Magluluto na muna ako ng almusal namin dahil pareho kaming papasok ni Trevor ngayon. Nagdesisyon na akong pumasok sa opisina dahil baka mabaliw lang ako dito sa condo. Si Audrey naman ay may lakad din ngayon kaya mas mabuting kumain na muna kaming tatlo bago pumunta sa kani-kaniyang dapat puntahan. Sanay na sanay na akong nagluluto ng almusal dahil ilang taon ko na itong ginagawa. Kapag kasi alam kong sa bahay mag-aalmusal si Papa ay ako ang nagpi-prisinta na magluto lagi ng almusal. Hindi niya alam iyon pero masaya ako sa tuwing nakikita kong na-eenjoy ni Papa ang pagkaing inihahanda ko para sa kaniya. Maraming stock na pagk
Emerald's POV "Salamat sa paghatid, Trevor," nakangiting sabi ko nang tumigil ang sasakyan ni Trevor sa harap ng building kung saan ako nagtatrabaho. Ngumiti rin naman siya sa akin. "Siguradong kaya mo nang magtrabaho?" tanong pa niya. "Oo naman. Hindi ako pwedeng tumigil sa pagtatrabaho dahil ayokong mawalan ng pera lalo na ngayon na hindi ko malalapitan si Papa," pabirong sabi ko naman. Totoo iyon. Ayokong tumigil sa pagtatrabaho dahil noon pa man ay ayokong umasa kay Papa pagdating sa pinansyal na pangangailangan ko. Lalo na ngayon na maraming problema sa bahay. "Kayang kaya naman kitang suportahan. Hindi mo na kailangang magtrabaho," nakangiting sabi pa niya sa akin. "Baliw. Hindi mo ako obligasyon. Sige na, kita na lang tayo mamaya. Bye." Akmang bababa na sana ako ng sasakyan ngunit bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napalingon naman ako sa kaniya na nakakunot ang noo ko. Sa pagkakaalala ko kasi ay wala naman akong nakakalimutan na kahit na ano. "I love you, Emerald," s
Third POVMabilis na nag-viral ang video ni Trevor habang nagpo-propose ito kay Emerald. Napanood din ito ni Brenna kaya naman napasigaw ito ng ubod ng lakas dahil sa sobrang galit na nararamdaman. Agad naman siyang pinuntahan ng kaniyang ina at nanginig din ito sa galit nang makita ang video."Hindi ko kaya, Mama. Gawan mo ito ng paraan!" galit na sambit ni Brenna sa kaniyang ina.Nangako ito sa kaniya na maghihiwalay ang dalawa ngunit dahil sa napanood niya, tila mahihirapan sila sa plano nila. Ipinagsigawan na ng binata sa buong bansa ang kagustuhan nitong pakasalan si Emerald. At iyon ang hindi kayang tanggapin ni Brenna. Siya dapat ang babaeng tinanong ng ganoon ni Trevor. Ang inaasam asam niyang proposal sa kaniya ni Trevor ay sa mortal pa niyang kaaway ginawa."Hindi ako pwedeng matalo ng ganito. Anak lang siya ni Papa sa labas. Hindi dapat niya tinatamasa ang mga ganyan. Ako dapat 'yon, Mama. Ako dapat!" naghihisterikal na sambit pa niya.Sinubukan naman siyang pakalmahin ng in
Emerald's POV"Are you home?"Napatingin ako sa harap ng bahay ni Papa habang nasa kanang tainga ko naman ang cellphone ko."May dadaanan lang ako, Trev," maiksi kong sagot kay Trevor na nasa kabilang linya."Okay sige. Mag-iingat ka."Hindi na ako nagsalita pa at ibinaba ko na lamang ang tawag. Malalim akong huminga habang nakatingin pa rin sa gate. Tinawagan ko si Nanay Linda kanina at ang sabi niya ay gagabihin ng uwi sina Papa at Tita Haidee. Si Brenna naman daw ay nagkukulong lamang sa kwarto kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na umuwi dito."Hija, bakit hindi ka pa pumasok. Halika sa loob," bungad sa akin ni Nanay Linda na kalalabas lang ng gate.Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. Na-miss ko si Nanay Linda siyang tumayo na bilang ina ko. Hindi ko napigilan ang mapaiyak dahil doon."Emerald, huwag mo naman akong paiyakin," mangiyak ngiyak na sabi niya.Napangiti naman ako. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at saka bumitaw sa kaniya. Kung may sariling bahay lama
Audrey's POVSa condo ako ni Kuya umuwi dahil gusto kong makita ulit si Ate Emerald. Ngunit pagdating ko doon ay wala akong naabutan na tao. Nasabi na sa akin ni Kuya na male-late siyang makauwi. Si Ate Emerald naman ay hindi ko ma-contact. Kaya si Kuya na lang ang tinawagan ko."Audrey, nasa condo ka na ba?" bungad niya sa akin."Yes, Kuya. Pero wala pa si Ate Emerald," sagot ko naman habang tumitingin sa relo ko.Alas siyete na ng gabi. Ayoko mang mag-isip ng kahit ano ngunit nag-aalala na ako kay Ate Emerald. Nabanggit kasi niya sa akin na halos pagtangkaan na ni Brenna ang buhay niya. Kaya hindi ko maiwasan ang mag-isip at mag-alala ngayon."Pauwi na ako."Iyon lang ang sinabi ni Kuya bago niya ibaba ang tawag. Napabuntong hininga naman ako at saka pabagsak na naupo sa sofa. Maraming pinagdadaanan ngayon sina Kuya lalo na si Ate Emerald. Kaya nga gusto kong maramdaman nila na kakampi nila ako sa ganitong sitwasyon. At gusto ko ring maramdaman ni Ate Emerald kung paano magkaroon ng
Emerald's POVMarahan kong iminulat ang mga mata ko. Puting kisame ang bumungad sa akin kaya inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko. Nakita ko pa si Audrey na nag-aayos ng mga pagkain sa table sa hindi kalayuan."Audrey," pagtawag ko sa kaniya."Ate Emerald, kumusta ang pakiramdam mo? May gusto ka ba? Tatawagan ko ba ang doctor?" sunod sunod niyang tanong sa akin.Marahan akong umiling. Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil bigla niya akong niyakap. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon."Ate, huwag mo na akong tatakutin ng ganoon. Sobra kaming nag-alala sa 'yo ni Kuya," malambing niyang sambit sa akin.Hindi ko na napigilan ang mapaiyak ulit. Naalala ko na naman ang mga pinagdaanan ko kanina at laking pasasalamat ko na nandoon ang magkapatid upang tulungan ako. Kung hindi sila dumating ay baka pinaglalamayan na ako ngayon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko.Buong buhay ko, pinaniwala nila ako na aksidente lang ang nangyari kay Mama. Tapos ngayon ay gi