Share

Chapter 03

“Let’s go?” Nakangiting tanong ni Rhed ng makalapit siya sa amin, imbes na ngiti ang ibigay ko sa kanya ay isang nakamamatay na irap ang natanggap niya mula sa akin. Sanay naman na sa ugali ko ang lalaking ito dahil kahit anong pagsusungit ang gawin ko ay hindi pa rin nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Isa sa kinaiinisan ko sa lalaking ito ay ang malagkit nitong mga titig kaya hindi ako kumportable sa presensya nito. Nagdadabog na sumakay ako sa passenger seat ng kotse ni Denice habang ang magnobyo ay sa driver seat naka pwesto.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagtaka ako kung bakit lumampas na ang minamanehong kotse ni Rhed sa aming tirahan kaya naalarma ako at naiinis na hinarap ang mga ito.

“Teka! Lumampas na ako.” Reklamo ko sa kanila at napatuwid na ako ng upo, ngunit ni hindi man lang inihinto ni Rhed ang sasakyan bagkus ay patuloy lang ito sa pagmamaneho. Nakangiti na humarap sa akin si Denice at pilit na pinapakalma ako nito. “May pupuntahan kaming party kaya sumama ka na muna sa amin, Louise, promise after twenty minutes ay ihahatid ka rin namin ni Rhed pauwi. Nakita ko ang kakaibang ngiti sa mga labi ni Rhed mula sa salamin, nainis ako ng kumindat pa ito sa akin.

“Denice, alam mo naman na ayaw kong sumama sa mga lakad n’yo, ihinto mo ang kotse at magta-taxi na lang ako!” Naiinis kong sabi ngunit hindi na ako pinansin pa ng dalawa dahil natuôn ang atensyon ni Denice sa cellphone ni Rhed na walang tigil sa pagri-ring. Mabilis na dinukot ito ni Denice mula sa bulsa ng pantalon ng kanyang nobyo saka mabilis na sinagot ang tawag.

“Ano ba Denice! Ibalik mo sa akin ‘yan!” Galit na turan ni Rhed hindi lang nito maagaw ang cellphone mula sa kamay ng kanyang nobya dahil nakatutok ang atensyon nito sa pagmamaneho ng sasakyan.

“Hey, babe, where are you? kanina pa ako naghihintay dito sa condo mo.” Anya ng tinig ng isang babae mula sa kabilang linya at halatang naiinip na ito. Nakadama ako ng matinding galit dahil batid ko na bukod pa sa kaibigan ko ay marami pang nobya ang lalaking ito. Napansin ko na natigilan si Denice at kita ko ang paglatay ng sakit mula sa maganda nitong mukha. Ilang sandali pa ay nagdilim ang mukha ni Denice at nanlilisik ang mga mata nito sa galit na lumingon sa kanyang nobyo. “F**k you!” Malakas na sigaw ni Denice sa cellphone kaya natigil sa pagsasalita ang babae mula sa kabilang linya. “H***p ka! Sino si Jenny? Ha?” Galit na sigaw ni Denice, sa tingin ko ng mga oras na ito ay wala na siya sa kanyang katinuan.

“Stop it! Denice, ano ba! Nag-da-drive ako!” Galit na bulyaw ni Rhed sa aking kaibigan, ngunit, hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa nito ng suntukin niya sa mukha ang kaibigan ko. Nanlaki ang aking mga mata at hindi makapaniwala na tumingin sa walang kwentang lalaki na ‘to.

“H***p ka! Bakit mo sinuntok si Denice! Walanghiya ka!” Nanggagalaiti kong sigaw, gusto kong hampasin ito sa ulo ngunit hindi ko magawa dahil inaalala ko ang sitwasyon namin. “D-Denice!” Nahintakutan kong tawag sa pangalan ng aking kaibigan ng tuluyan ng lamunin nang galit ang kaisipan nito. Sinugod niya si Rhed saka pinagkakalmot. Sanakikita ko sa kanya ay parang wala na siyang pakialam kahit na mabangga pa kami.

“Manloloko ka! Lahat binigay ko sayo! Hindi ka pa nakuntento! Napaka sama mo!” Naghihysterical na sigaw ni Denice habang umiiyak kaya naman parang hinahampas ng maso ang dibdib ko dahil sa matinding takot. Nag-aagawan na silang dalawa sa manibela habang kasalukuyang mabilis ang takbo ng sasakyan kaya ng mag simulang magpagewang-gewang ang takbo ng sasakyan ay halos takasan na ako ng kaluluwa. Nanginginig na ang katawan ko habang patuloy akong sumisigaw at pilit na inaawat sina Rhed at Denice.

“Denice! Huminahon ka! Rhed ihinto mo ang sasakyan! Ihinto mo ang sasakyan!” Namamaos ko ng sigaw ngunit parang hindi ako naririnig ng dalawa. Ang mas lalong ikina-gimbal ko ay ang biglang pagsulpot ng isa pang mamahaling kotse sa aming harapan. Mabilis ang takbo nito at sa isang iglap ay bigla akong nabingi sa tila tunog ng isang linya na sinabayan ng mga nabasag na bubog.

Halos maalog ang buong pagkatao ko sa lakas ng pagkakabangga namin sa isa pang sasakyan, kay bilis ng mga pangyayari. Pagkatapos ng isang nakabibinging banggaan ng dalawang sasakyan ay napaigik ako ng malakas na humampas ang ulo sa isang matigas na bagay. Sinubukan kong imulat ang aking mga mata ngunit isang duguang mukha ng lalaki ang nasilayan ko. Nakatingin din siya sa akin at kita ko na umangat pa ang duguan nitong kamay na wari mo ay gusto niya akong abutin, hanggang sa tuluyan ng lamunin ng dilim ang aking kamalayan.”

KASALUKUYANG SITWASYON…

“Mom! Si Denice? Nasaan ang kaibigan ko?” Natataranta kong tanong nang maalala ko ang nangyaring aksidente. Pinilit kong bumangon ngunit nakaramdam ako ng hilo kaya muli akong napahiga. Nag-aalala na dinaluhan ako ng aking ina. Imbes na sagutin ko ang tanong nito ay mas inaalala ko pa ang aking kaibigan. Sigurado ako na mas malala ang tama niya kaysa sa akin dahil sila ang nasa unahan ng sasakyan. Nagkatinginan ang aking mga magulang at hindi nakaligtas sa akin ang galit mula sa kanilang mga mata ng marinig nila ang pangalan ng kaibigan ko.

“Answer me Louise, ikaw ba ang nagmamaneho ng kotse bago mangyari ang aksidenteng iyon?” May pag-aatubili na tanong ng aking ina kaya natigilan ako at naguguluhan na tumingin sa mukha ni mommy.

“What are you talking about Mom? Hindi ako ang nagmamaneho ng kotse ni Denice dahil sa passenger seat ako nakaupo.” Naguguluhan kong paliwanag, napansin ko na tila nakahinga ng maluwag ang aking mga magulang dahil sa naging sagot ko.. Parang natuwa pa ang mga ito dahil naglaho ang takot at pangamba sa kanilang mga mukha. Mariin akong hinalikan ni Mommy sa noo habang ang aking ama ay ikinulong kaming mag-ina sa kanyang mga bisig. Dahil sa atensyon na natatanggap ko mula sa aking mga magulang ay saglit kong nakalimutan ang tungkol kay Denice. Nakangiti na gumanti ako ng yakap sa kanila.

“Mom, nakapasa ako sa exam, and my teacher told me na ako ang valedictorian sa aming klase.” Masaya kong pagbabalita ng maalala ko ang tungkol sa resulta ng aming final exam bago pa nangyari ang aksidente. Nagliwanag ang mukha ng aking mga magulang at parang sasabog ang dibdib ko sa matinding emosyon ng makita ko na lumuha ang kanilang mga mata dala ng labis na kasiyahan.

“We are so proud of you, Sweetheart, napakaswerte namin na nabiyayaan kami ng isang mabait, maganda at matalinong anak!” Naluluha na wika ni mommy, wari moy kinilig ang puso ko dahil sa mga sinabi nito kaya paulit-ulit kong hinalikan ang mukha ng aking ina at ganun din ang aking ama.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status