Share

Chapter 04

“Louise…” natigilan ako ng marinig ko na tinawag ako ng aking kaibigan kaya bigla kong naimulat ang aking mga mata. “Denice!” Natutuwa kong tawag at sinubukan kong bumangon. “ Hello po Tita, Kumusta ka? Okay na ang mga sugat mo?,” pagkatapos na bumati kay tita Cynthia ay nag-aalala na binalingan ko naman aking kaibigan. Ngunit nagtakâ ako dahil sa kakaibang awra nito ngyon lalo na ng malungkot siyang ngumiti sa akin.

“Mom, pakiiwan muna kami ni Louise, kailangan lang naming mag-usap.” Utos nito sa kanyang ina sa seryosong tinig kaya bigla akong natahimik. “Masaya ako at walang masamang nangyari sayo, Louise. Sa nakikita ko ay maayos na ang kalagayan mo.” Ani ni Tita Cynthia, nakangiti man ito ngunit para sa akin ay walang buhay ang mga ngiting iyon. “Thank you Tita.” Isang marahang pagtango ang naging tugon ni tita bago siya tuluyang lumabas ng aking silid kaya nakatuon na ang attension ko kay Denice.

“Ang sabi ng doctor ay maaari na raw akong lumabas ng hospital dahil konting pilay lang naman daw ang natamo ko. Sana sabay tayong lumabas sa hospital na ‘to. Hindi ko na kasi matagalan ang amoy ng mga gamot dito. Nasusuka na ako”- bigla akong natigil sa pagsasalita ng napansin ko na tahimik lang si Denice sa harap ko habang nanatiling nakaupo sa kanyang wheelchair. Kapansin-pansin ang namamasa nitong mga mata na tila anumang oras ay iiyak na ito.

“D-Denice, may problema ba? Nag-aalala kong tanong. Nagbago ako ng posisyon, ibinaba ko ang aking mga paa sa sahig ngunit nanatili akong nakaupo sa gilid ng kama kaya ngayon ay may kalahating dipâ ang layo namin sa isa’t-isa. Ngunit, hindi ko inaasahan ng hawiin ni Denice ang apakan ng wheelchair bago ito lumuhod sa aking harapan.

“T-Teka, Denice, ano bang ginagawa mo? Tumayo ka d’yan! Bakit ka lumuluhod sa aking harapan?” Naguguluhan kong tanong, ano ba ang nangyayari sa kaibigan kong ito? Mas lalo akong naalarma ng humagulgol na siya ng iyak kaya kahit mahirap para sa akin ang lumuhod ay ginawa ko pa rin. Lumuhod ako na halos may dalawang dangkal lang ang layo mula sa kanya. Niyakap ko siya bago hinagod ito sa likod upang pakalmahin.

“Tahan na Denice, huwag ka ng umiyak, magpasalamat na lang tayo at buhay tayong nakaligtas mula sa aksidenteng nangyari.” Malumanay kong saad habang patuloy na hinihimas ito sa likod.

“H-Hindi mo naiintindihan, makinig ka, Louise, ngayon ko higit na kailangan ang isang kaibigan. Pakiusap, tulungan mo ako…” ani nito habang patuloy na umiiyak. Kumalas siya mula sa pagkakayakap ko at diretsong tumitig ang luhaan nitong mga mata sa aking mga mata. Ang paraan ng tingin niya sa akin ay puno ng pagsusumamo na kahit sino yatang makakita sa hitsura ng kaibigan ko ay siguradong maaawa dito. Naguguluhan ako sa mga sinasabi nito dahil sa nakikita ko ay maayos naman ang kalagayan niya. Maliban kasi sa bendang nakabalot sa kanyang ulo at ilang sugat at pasâ sa mukha ay wala na itong iba pang pinsala.

“Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhan kong tanong habang palipat-lipat ang tingin ko sa mga mata nito. “Kritikal ang lagay ng lalaking sakay ng kotseng nakabanggaan natin. Mayaman ang pamilya ng pasyente at gusto nila na mabulok ako sa bilangguan. L-Louise, pakiusap, tulungan mo ako, hindi ko kayang tumira sa loob ng kulungan.” Pagmamakaawa pa nito sa akin. Binalot ng matinding awa ang puso ko at maging ako ay tutol na mangyari iyon sa kaibigan ko.

“You don’t need to worry about that, Denice, you know kayang-kaya ni tita na kumuha ng magaling na abogado para sayo.” Nakangiti kong sagot na ang tinig ko ay kababakasan mo ng pag-asa upang maging panatag ang loob nito. Lumalim ang gatla sa noo ko ng paulit-ulit na umiling si Denice. “Hindi ganun kadali ang lahat Loui, sigurado na makukulong kaming dalawa ni Rhed, pero ako, hindi ko kayang makulong kasama ang anak ko! Parang awa mo na Loui, buntis ako at ngayon ko lang nalaman na dalawang buwan na pala akong buntis. Hindi ko masikmura na isisilang ko ang aking anak sa loob ng kulungan!” Anya na sinundan pa ng malakas na hagulgol.

Ang kaalamang buntis ito ay parang dinurog ang puso ko, maging ako ay hindi ko kayang makita na lumaki ang isang inosenteng anghel sa loob ng kulungan.

“Tell me, anong maitutulong ko sayo?” Alanganin kong tanong dahil iniisip ko na hindi naman kami kasing yaman ng mga ito at isa pa akong estudyante kaya batid ko na wala akong kakayahan na tumulong financially. Lumunok muna siya upang alisin ang barâ sa kanyang lalamunan bago ito nagsalita….”

“Louise, tell me, ano ang sinabi sayo ng mag-inang iyon?” Seryosong tanong ng aking ina, kaaalis lang nina Denice at tita Cynthia ng dumating naman si Mommy. Nagtataka ako kung bakit tila galit ang aking ina kina Denice dahil very close si Tita at ang Mommy ko. “Wala Mommy, kinamusta lang nila ako at nagsabi sa akin si Denice na aabutin pa nga daw siya ng isang linggo dito sa hospital.” Pagsisinungaling ko sa aking ina bago matamis na ngumiti dito. Ngunit, may pag-aalinlangan sa mga mata nito na halatang hindi siya naniniwala sa akin.

“Mom, gusto ko ng umuwi, ayoko na dito.” Naglalambing kong wika na binalewala ang pagdududa nito sa akin. Isang mabigat na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago lumapit sa akin at masuyo akong niyakap. “Bukas ay uuwi na tayo, anak, makinig ka, huwag na huwag kang maniniwala sa kahit na anong sasabihin ng pamilya ni Denice. Makinig ka sana sa akin, Louise, dahil sa pagkakataong ito ay kami lang ng daddy mo ang masasandigan mo. Hm? Maliwanag ba?” Madamdaming pahayag ng aking ina, nauunawaan ko kung ano ang mga sinasabi niya sa akin ngunit ang hindi ko lubos na maunawaan ay kung bakit? Dahil ramdam ko na ang bawat isa sa kanila ay may itinatago sa akin.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status