Share

Chapter 26

Pagdating ko sa bahay ay parang normal na naman ang lahat. Hindi na umiiyak si mama at Ana. Pagkatapos kuhanin ni mama ang coke sa aking mga kamay ay pinaalala niya na naman sa akin ang menudo na lulutuin ko. 

Hindi ko pa nakikita si Shano, wala rin si Shawie,baka magkasama ang dalawa. Nag-pokus na lang ako sa pagluluto ng menudo at pinilit na iwasan ang pag-iisip ng mga bagay na lungkot lang din ang dulot sa akin. Muli ang pagkawala ko ng isang malalim na buntong hininga. 

"Ang lalim a, may problema ka ba?" wika ni Ana mula sa likod ko. Nakasunod na pala siya dito, kanina ay nasa sala lang siya at kasama ni mama kahit hindi naman sila nagkikibuan. 

"Wala, may naisip lang," mahinahong wika ko. 

Kahit sa kalooban ko ay may giyera talagang nagaganap. Hindi ko mawari kung paano ko ba palilipasin ang mga araw na hindi nag-iisip sa mga bagay bagay. Kung anong nagaganap sa kanila ni mama, nababahala ako sa nakitang luha sa mga mata ni mama k

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status