Share

Chapter 33

Makalipas ang ilang araw na pamamalagi ko sa condo ni Saemont ay naisipan ko na rin sa wakas na labhan ang bag ko. Nilabas ko ang mga gamit roon at siniguradong wala ng nakalagay pa ngunit may nahila akong isang sobre sa bulsa ng bag ko. 

Tila pamilyar sa akin ang sobreng ito, parang nakita ko na ito noon. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan pero parang— isang mapait na ngiti ang kumawala sa aking mga labi nang malinaw na maalala ko ang pinagmulan ng sobreng ito. Ito ang bigay ni tita na galing daw kay mama. 

Makapal ang sobre, halatang pera ang laman. Kahit di ko na buksan ay sigurado na ako. Huminga ako ng malalim, gagastusin ko ba ito? Habang nag-iisip ay tuluyan ko ng binuksan ang sobre at halos manlaki lang ang mata ko sa gulat nang tumambad sa akin ang lilibuhing pera. Saan galing ni mama 'to? Paano niya ako nabigyan ng ganitong halaga?

Napansin ko rin ang isang liham na maayos na nakatupi sa tabi ng mga pera. Hinila ko iyon at tiniti

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status