01-12-15
Maingay man ang mundo at magulo ay mayroong kapayapaan. May liwanag sa gitna ng dilim. Kung may mga mapanghusga ay mayroon namang mapang-unawa, maaaring hindi mo man nababatid ngunit mayroong nakakaunawa sa iyo. Cheer up, Sierra!
-Quirou
Pagdating ko kanina dito ay hindi ko napansin ang sulat na 'yon, nakapaskil ito sa punong sinasandalan ko, kung hindi ako sumandal doon marahil ay hindi ko rin iyon mapapansin. Nakasulat ito sa isang malinis na dahon ng papel.
Maaga akong nagising kaya nagdesisyon akong magpahinga muna sa aking tambayan. Hindi pa masakit ang pagtama ng araw sa aking balat ngunit pakiramdaman ko ay nag-iinit ang aking ulo, saan nanggaling ang sulat na ito? Alam pa pati ang pangngalan ko. Stalker ko ba ito?
Kinalma ko ang aking sarili. Binasa kong muli ang sulat at paulit-ulit na inintindi ang nilalaman. Napalitan ng ngiti ang kanina'y pagdikit ng aking mga labi. Pinalalakas niya ang loob ko, nauunawaan niya ako, at naiintindihan niya ang aking pinagdadaanan. Nakakagaan ng loob ang kaniyang sulat. Napangiti ako.
01-17-15
Payapa ang karagatan ngayon, maging ang aking kalooban ay tahimik. Nais kong ipaalam sa'yo na napasaya ako ng iyong sulat, masaya akong naunawaan mo ako. Ngunit paano mo nalaman ang aking nararamdaman? Saang planeta ka nagmula? Binulong ba ng hangin sa iyo ang aking kalungkutan?
Magkagayunman ay nais kong maging kaibigan ka, Quirou!
-Sierra
Nilagay ko sa ibabaw ng upuan at inipit sa bato ang aking sulat. Bahagya na naman akong napangiti habang nakatitig sa sulat, ihahatid kaya ito ng hangin kay Quirou? Hangin nga ba ang naghatid sa kaniya sa akin? Sa mga nababasa kong libro ay nangyayari iyon, pero sa realidad ay malabo.
Ito ang unang pagkakataon mula ng umuwi ako kay mama, na nakaramdam ako ng pang-unawa, ngunit di ako lubusang umaasang may katugon ang aking sulat, lalo na't di ko alam ang pinagmulan ng sulat na iyon. Gayunpaman ay umaasa pa rin ako ng konti, ayokong masaktan.
Matuling lumipas ang mga araw, Sobrang naging abala ako sa mga nakalipas na araw. Abala sa eskwela at sa bahay, nawalan ako ng oras sa Sabado. Ngunit pagsapit ng gabi ay naiisip ko ang sulat, at ang misteryosong nag-iwan niyon. Panandaliang kapayapaan ang hatid niyon sa akin, masarap pala ang pakiramdam ng may nakaka-unawa.
"Sierra, ibili mo nga ako ng patis doon," wika ni mama habang nanonood siya sa telebisyon.
Boses ng aking ina ang pumukaw sa naglalakbay kong isipan, nagmamadali akong kumilos. Anong oras na ngunit di pa rin naliligo si mama, magulo ang buhok niya, at namamaga pa rin ang mga mata. Tuwina'y nanonood lang ng telebisyon, minsan ay tulalang hawak ang telepono. Pang-ilang araw na bang ganito?
Pagbalik ko naman ay ang umiiyak na tinig ng kapatid ko ang naabutan ko. Nagkakagulo ang pangatlo at pangalawa kong kapatid, nagtatalo na naman. Si mama ay tulala lamang na nakatingin sa kanila, maya-maya'y tumulo na naman ang luha ni mama.
"Ate, ikaw na lang ang sumama sa akin sa bayan. Walang gustong sumama sa akin," naiinis na sabi ni Shawie habang nakatingin ng matalim kay Ana.
Pangatlong kapatid ko si Shawie, at pangalawa naman si Ana. Labing isang taong gulang pa lang si Shawie, hanggang balikat ko ang tangkad ngunit matalim ng magsalita. Tinaasan naman ito ng kilay ni Ana. Siguro ay kay Ana nito gustong magpasama ngunit ayaw ng huli.
"Teka, ate sagutan mo muna ang homework ko. Mamaya mo na samahan 'yan," agaw naman ni Ana sa atensyon ko na nakatuon kay Shawie.
Napatitig ako sa dalawa, palipat-lipat ang tingin. Di ko alam kung sino ang una kung dadaluhan sa kanila, lalo pa't parehas na silang nagpapataasan ng kilay ngayon. Nawala ang atensyon ko sa kanila nang may maliit na kamay na humawak sa akin. Nang yukuin ko ay ang malungkot na mukha ni Shano ang nakita ko.
"Ate, gutom na po ato," mahinang sabi nito.
Lumambot ang aking ekspresyon at kinarga ang kapatid ko. Tatlong taong gulang na si Shano ngunit 't' pa rin ang bigkas niya sa 'k'. Iniwan ko na ang dalawa na patuloy na nagtatalo, hinalikan ko naman ang pisngi ng makulit na batang kalong ko ngayon, napahagikgik naman ito.
Akala ko ay ngayon lang iyon pero nagpatuloy pa iyon nang ilan pang mga araw. Nawawala na sa pokus si mama sa pag-aalaga sa mga kapatid ko. Ilang araw na rin kasing hindi umuuwi si Tito Fred- ang asawa ni mama.
Naging aligaga ako sa mga gawaing bahay at pag-aasikaso sa mga kapatid ko tapos ay sumabay pa ang maraming gawain sa eskwela. Si mama naman ay halos araw-araw nagpapabili ng alak at naglalasing. Hindi nagtatapos ang isang araw na di namin naririnig ang hikbi ng aming ina.
Matulin ang pag-ikot ng mga oras, hindi ko namalayang Marso na. Sa wakas ay bumalik na rin si Tito Fred, mayroon lamang daw itong mahalagang inasikaso kaya nawala na tinanggap naman ni mama nang nakabukas pa ang dalawang kamay. Kahit papaano ay nabawasan na rin ang aking alalahanin dahil bumalik na sa normal ang lahat.
Saka na lamang ulit ako nagkaroon ng pagkakataon na makabalik sa norte. Kumunot ang noo ko nang makita kong malinis ang aking tambayan, parang mas malinis pa ito ngayon kaysa noong nasa pangangalaga ko. Did the fairies protected and cleaned this place while I was away?
But what caught my attention was the plain yellow notebook on the chair. Simple ngunit malinis ang kwadernong iyon, maayos na nakabalot din iyon sa plastic cover. Dali dali kong kinuha iyon at binuklat, unang pahina pa lamang ay may nakasulat na.
01-19-15
Maaari mo akong maging tagapakinig, Sierra. Ikagagalak kong maging kaibigan mo, kung iyong mamarapatin. Ang makita ang iyong mga ngiti ay labis kong inaasam, ngumiti ka sana ng madalas.
-Quirou
Bumilis ang tibok ng puso ko sa galak matapos kong basahin ang sulat, napakasarap basahin ng paulit-ulit. Pakiramdam ko ay kilalang kilala niya ako, at napakahusay niya sa pagpapagaan ng aking kalooban.
Napakalinis ng kaniyang penmanship na kahit ako ay nahihiya dahil hindi naman kagandahan ang sulat kamay ko. I can figure a fine man with a pure heart just base on this hand writing.
Ngunit di niya sinagot ang aking tanong, di ko pa rin alam kung saan at paano niya nalaman na malungkot ako, baka nga hangin talaga. Dahan-dahan ko pang nilipat sa sumunod na pahina.
01-26-15
Hindi mo ba ako nais na maging kaibigan kaya hindi ka sumagot? Ayos lang sa akin iyon, 'wag mong alalahanin, ipagdarasal ko ang kapayapaan ng iyong kalooban, Sierra.
-Quirou
Sino ba ang ayaw ng kaibigan? Kung alam niya lang... pangarap ko lang dati ang magkaroon ng kaibigan. Ngayon ay mukhang magkakaroon na nga ako ng kaibigan sa unang pagkakataon. Sa pagkakataong ito ay mas mabuti ang kaibigan ko kaysa sa iba, isang uri ng kaibigang halatang di ako nanaising saktan.
Pinihit ko pa sa sunod na pahina, at may nakasulat pa rin.
02-02-15
Sierra, tatagan mo ang iyong kalooban, normal ang mga unos at bagyo sa ating buhay. Kung wala ang mga iyon ay hindi ka mahuhubog bilang isang matatag na tao. Manatili ka at magtiwala sa plano ng Diyos sa buhay mo.
-Quirou
Binuklat ko pang muli ang kwaderno at napagtanto kong marami pa palang mga nakasulat.
It is like an answer to my cries. Sa nanlalabo kong mga mata ay niyakap ko ang kwaderno at tumawa ako ng malakas. Tila may piyestang nagaganap sa aking kalooban, ang sarap sa pakiramdam na may nais makipagkaibigan sa akin, na may nais maging tagapakinig ko, at na mayroong may pakialam sa akin.
03-07-15
I very much appreciated your effort. Who am I to not accept your proposal? Let's be friends, Quirou. Hear me out when I am down, and tell me your worries too. Labis mo akong napasaya ngayong araw na ito! Sana ay masaya ka rin.
-Sierra
Isinulat ko ito sa blangkong pahina ng kuwaderno. Nanatili pa ako sa loob ng tatlumpung minuto at pagkatapos ay dahan dahan akong napahinga ng malalim.
"Para kang tanga, ate. Hindi ka ba nangangalay sa kakangiti mo? Mas lalo kang pagagalitan ni mama niyan na todo ang ngiti mo baka isipin noon na may kinatagpo ka na naman."
Napangiti ako sa mahinang komento ni Ana, siya ang sumunod sa akin. Labing tatlong taong gulang siya ngayon, mas bata sa akin ng dalawang taon. Siya ang panganay na anak ni mama kay Tito Fred.
"At mas lalo ka pa talagang ngumiti. Magtapat ka nga, ate. May boyfriend ka na ba?"
Ngayon lang din ako kinausap ng maayos ng kapatid ko, madalas kasi ay pautos o pagalit ang laman ng aming usapan. Minsan pa nga ay parang sa hindi magkakilala ang turingan namin dito sa bahay.
"Isipin mo na ang lahat ng gusto mong isipin. Magluluto na muna ako."
Nagmamadali akong pumunta sa kusina, ngunit di ko inasahan ang aabutan ko doon. Naabutan ko sina Mama at Tito Fred na nagtatalo sa kusina. Biglang napawi ang ngiti ko, lalo na ng makita ko ang paglapat ng palad ni Tito sa pisngi ni Mama.
Mabigat sa kalooban ang masasakit na salita ni Mama ngunit mas mabigat sa kalooban ang makita ang ganitong senaryo. Unti unting humakbang ang mga paa ko papalapit kay mama ngunit napahinto ako.
Ano ang gagawin ko? Hindi tamang manghimasok sa away mag-asawa. Pero sinaktan ni Tito si mama. Paano kung mas saktan niya pa si mama? Pero paano kung pati ako ay saktan din ni Tito? Baka lumala lang lahat.
Naramdaman ko ang maliit na kamay na humihila sa aking hinliliit.
"Ate, antok ato. Gut-to to duyan," mahinang tinig ni Shano ang nagpalingon sa akin.
Tatlong taong gulang at tahimik ang bunso kong kapatid. Sanay siyang nakukuha ang gusto, at umiiyak pag tinatanggihan. Hinawakan ko ang mga kamay niya at kinarga siya, sa mahinang mga yabag ay inalis ko siya sa lugar na iyon.
Alam ba ng kapatid ko ang nangyayari o nagkataon lamang iyon? Pinilit kong alisin sa isipan ko ang tunog na likha ng paglapat ng palad ni Tito sa pisngi ni mama, at inabala ko ang sarili ko sa pagpapatulog kay Shano.
03-01-15 Nasanay ako sa bangis ng tigre sa kagubatan, sanay akong masaktan ng tigreng iyon ngunit isang araw nakita ko ang baboy ramo na sinasaktan ang parehong tigre na nanakit sa akin. Nasasaktan ako at nag-aalala para sa tigre. Mahal ko ang tigreng iyon. -Sierra 03-02-15 Punong puno ka ng metapora, mahilig ka sa tayutay, ngunit nais kong malaman mo na hindi lahat ng problema at kaisipan ay nararapat mong ipagdamdam at alalahanin. Masyado ng mabigat ang palayok na hawak mo, 'wag mo ng dagdagan pa, sa halip ay kumalma ka. Kalma, Sierra. -Quirou 03-11-15 Salamat, Quirou! Ikaw? Wala ka bang nais na ibahagi? Mainit ngayon at nakakapagod umakyat dito sa bundok? Maiintindihan ko kung di ka makakasagot sa mga sulat ko minsan. Kumusta ka naman pala? Ibahagi mo sa akin ang ilang parte ng iyong buhay. -Sierra 03-12-15 Walang anuman, Sierra. Masaya ako sa kung anong meron sa buhay ko at mas naging masaya
"Quirou?" hindi makapaniwala kong tanong."Ikinagagalak kong makilala ka, Sierra." Naglalaro pa rin ang pilyong ngiti sa mga labi niya.Hindi ko kailan man inasahan na may makakatagpo akong ganito kakisig na nilalang, sanay akong makakita ng makisig sa telebisyon ngunit sa ganito kalapit ay nakakatulala.Nakakahiyang titigan ang mahahaba niyang pilikmata na mas mahaba pa nga siguro sa akin. Umangkop naman iyon sa makapal niyang kilay at sa matangos niyang ilong na parang bibihira sa mga purong Pilipino. At sa labi niya ay may di maalis na ngiti, dumagdag sa kakisigan niya ang mga ngiting iyon at ang biloy niya sa kaliwang pisngi.Paano pa kaya pag nagseryoso siya? Baka katulad ng kadalasang sabihin ng mga kasing edad ko, baka maihi na ako sa kilig."Sa ganyang paraan ka ba bumati sa isang kaibigan? Tititigan mo na lang ba ako, Sierra?" wika niya na k
Maingay ang silid aralan namin kaya nagdesisyon akong lumabas na lang muna, bakante kasi ang skedyul namin ngayon. Alas diyes pa lang ngunit parang alas dose na dahil sa init ng araw. Bahagya ko munang ipinusod ang hanggang tuhod kong buhok. Saka ako naghanap ng pwesto na pwede kong upuan, magsusulat na lang ako.Isang upuan sa lilim ng puno sa likod ng silid aralan namin ang nakita ko, maingay pa rin pero hindi na gaano. Malakas ang himig ng mga dahon dito, at maingay din ang mga kulisap. Magandang pwesto nga."Hi! Pwede ba akong tumabi sa'yo?" Isang babaing nakangiti ang lumapit sa akin, naka-pony tail ito at medyo weird ang fashion sense, malaking bilog na hikaw, pulseras na parang sa manghuhula, at kwintas na patong patong. Hindi siguro ako kilala ng babaing ito, hindi kasi natakot sa akin."Pangako! Di ako mag-iingay! Magbabasa lang ako, tahimik ka kaya ikaw ang nilapitan ko. Ako nga pala si Razee! Gawin mo lang ang
Umaawit ang mga ibon sa puno ng kaymito sa aming bakuran. May mga maya roon, at mayroon ding naliligaw na mga itim na kalapati, ngunit umaalis agad pag nakikita nilang teritoryo na iyon ng mga maya. Tipid akong napangiti, sa totoo lang ay hindi naman sila ang tinitingnan ko kanina pero nawili na rin akong tingnan sila. Nabaling lang sa kanila ang aking paningin, pero mas napangiti pa nila ako kaysa sa tinitingnan ko.Mataman akong nakatitig sa labas, nagmamasid sa kung ano ang nasa baba. Mula sa ikalawang palapag ng aming bahay ay inoobserbahan ko ang mga dumaraan at paparating na sasakyan. Ilang sandali na lang ay magdidilim na.Magga-gabi na ngunit wala pa rin sina mama. Sabado na, at Huwebes pa ng gabi sila umalis. Saan kaya sila nagpunta? Sana kahit ang konting impormasyon man lang na 'yon ay nalaman ko para di ako gaanong nag-aalala ngayon.Kinuha ko muli ang aking kwaderno at nagbasa ng nagbasa. Pinipilit kong ituon ang konsentrasyon ko r
Halos tatlong oras kaming nag-ikot-ikot kagabi. Tumambay lang kami saglit sa mga pasyalan, at kumain. Gayunpaman ay sobrang naging masaya ako, unang pagkakataon ko 'yon na mahawakan ang oras at kalayaan ko. Masaya pala talagang maging malaya.Mas napangiti ako nang maalala ko ang kakulitan at pagiging malambing ni Quirou, hindi niya talaga binitawan ang kamay ko sa buong oras na magkasama kami, maliban na lang pag nagdadrive siya. Hiyang hiya ako sa namamawis kong kamay, pwede palang maging masaya sa nakakailang na pangyayari.Hanggang ngayon ay naiwan ang ngiting hatid ng ala-ala ng nangyari kagabi. Kung may pagkakataon, sana ay maulit iyon. Mas lalo akong napangiti sa mga ideya na pumasok sa isip ko, ngunit isang siko ang naramdaman ko sa aking tagiliran, siniko ako ng kapatid ko."Nakangiti ka na naman, nakatingin na sa'yo si mama. Yari ka," mapang-asar na bulong sa akin ni Ana.Sa edad nito ay pantay lang ang tangka
Masarap na dumadampi sa aking ilong ang amoy ng aking kwaderno, nakayuko ako at nag-iisip. Alas dose na ngunit di pa rin ako nakakapag-isip. Wala kaming pasok ngayong hapon ngunit gusto kong makita si Quirou, kung mananatili ako sa bahay ay hindi kami magtatagpo. Nag-isip ako ng mga posible kong gawin para makaalis sa bahay habang nakahiga ako at nakapatong sa aking mukha ang aking bukas na kwaderno.Paano ako lalabas ng walang tanong mula sa aking ina? Ayokong magsinungaling, paano ba? Pinadyak ko ang aking paa sa ere, ginalaw ko ang aking mga kamay, baka makapag-isip ako sa paraang ganito. Makalipas ang ilang segundo ay bigla na lang akong bumangon, nalaglag ang aking kwaderno sa aking kandungan na ikinatawa ko.May ideyang pumasok sa isip ko.Di ko yata matatagalan na di makita si Quirou ngayong araw na ito. Gusto ko siyang makita. Nangingiti ako sa ideya na magtatagpo ang mga mata namin, tapos ay hahawakan niya ang mga kamay ko. Di ak
Tahimik ang bahay pag-uwi ko, walang nagtatalong Shawie at Ana, wala rin akong narinig na pag-iinarte mula kay Shano. Nakakapagtaka ito at medyo nakakagulat. Nang tuluyan akong makapasok ay saka ko napansing wala palang tao sa bahay."Nasaan na naman kaya sila?" mahinang bulong ko.Pinulot ko ang mga nagkalat na laruan sa lapag, mga transformer na laruan at power rangers. Paniguradong kay Shano ito. Nasaan na ba sila? Gusto kong makatanggap ng maraming halik kay Shano ngayon.Naglinis na lang muna ako ng bahay at nagluto na rin habang naghihintay sa kanila, ngunit anong oras na ay wala pa ring bakas nila. Saan ba sila pumunta?Sa pagod marahil sa byahe at paglilinis ay di ko namalayang bumagsak na pala ang talukap ng mga mata ko habang nakahiga ako sa mahabang upuan sa sala.Hindi ko alam kung gaano kahaba ang tulog ko pero nagising ako nang maramdaman ko ang marahang pagdausdos ng isang kamay sa aking braso paakyat sa
Maingay na ang kapaligiran habang nakatitig ako sa kawalan. Taliwas dito ay walang giyerang nagaganap sa aking kalooban, mula ng makilala ko si Quirou ay nabawasan ang pag-ikot ng mga negatibong bagay sa aking isipan.Nabawasan lang ngunit hindi naubos, patong-patong na kalituhan at mga katanungan pa rin ang dumadalaw sa akin sa gabi? Tuwina ay naghahari sa akin ang takot at kaba, ngunit hindi katulad noon ay mayroon ng taong handang makinig sa kin, nandiyan na si Quirou. Kahit papaano ay nababawasan na ang bigat.Para siyang malamyos na musikang pilit na dumadampi sa aking pandinig habang may mga taong sumisigaw sa akin. Isa siyang pagtanggap sa aking nakalakhang pagtanggi mula sa mga tao sa paligid ko.Nang sumapit na ang Linggo ay maaga akong gumising at nagluto. Maaga rin akong naglaba. Alas tres pa lamang ay kumikilos na ako sa loob ng bahay, kaya alas syete pa lang ay tapos na ako.Nakapaghanda na ako