Share

Chapter 6

Umaawit ang mga ibon sa puno ng kaymito sa aming bakuran. May mga maya roon, at mayroon ding naliligaw na mga itim na kalapati, ngunit umaalis agad pag nakikita nilang teritoryo na iyon ng mga maya. Tipid akong napangiti, sa totoo lang ay hindi naman sila ang tinitingnan ko kanina pero nawili na rin akong tingnan sila. Nabaling lang sa kanila ang aking paningin, pero mas napangiti pa nila ako kaysa sa tinitingnan ko.

Mataman akong nakatitig sa labas, nagmamasid sa kung ano ang nasa baba. Mula sa ikalawang palapag ng aming bahay ay inoobserbahan ko ang mga dumaraan at paparating na sasakyan. Ilang sandali na lang ay magdidilim na.

Magga-gabi na ngunit wala pa rin sina mama. Sabado na, at Huwebes pa ng gabi sila umalis. Saan kaya sila nagpunta? Sana kahit ang konting impormasyon man lang na 'yon ay nalaman ko para di ako gaanong nag-aalala ngayon.

Kinuha ko muli ang aking kwaderno at nagbasa ng nagbasa. Pinipilit kong ituon ang konsentrasyon ko r
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status