Share

Chapter 9

Tahimik ang bahay pag-uwi ko, walang nagtatalong Shawie at Ana, wala rin akong narinig na pag-iinarte mula kay Shano. Nakakapagtaka ito at medyo nakakagulat. Nang tuluyan akong makapasok ay saka ko napansing wala palang tao sa bahay. 

"Nasaan na naman kaya sila?" mahinang bulong ko. 

Pinulot ko ang mga nagkalat na laruan sa lapag, mga transformer na laruan at power rangers. Paniguradong kay Shano ito. Nasaan na ba sila? Gusto kong makatanggap ng maraming halik kay Shano ngayon. 

Naglinis na lang muna ako ng bahay at nagluto na rin habang naghihintay sa kanila, ngunit anong oras na ay wala pa ring bakas nila. Saan ba sila pumunta? 

Sa pagod marahil sa byahe at paglilinis ay di ko namalayang bumagsak na pala ang talukap ng mga mata ko habang nakahiga ako sa mahabang upuan sa sala. 

Hindi ko alam kung gaano kahaba ang tulog ko pero nagising ako nang maramdaman ko ang marahang pagdausdos ng isang kamay sa aking braso paakyat sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status