Share

Chapter 34

Unti-unti ng kumakalat ang dilim sa paligid ngunit ang aking isipan ay naglalakbay pa rin. Kayganda ng pagkalat ng kulay kahel na liwanag sa nagdidilim na kalangitan, nagliliparan na rin ang mga ibon sa himpapawid at maingay ang pagaspas ng tubig sa batis. Tinapik ko ng mahina ang aking pisngi, dinadala na naman kasi ako ng aking imahinasyon sa nakalakihan kong kapaligiran. Ang nakikita ng aking mga mata sa ngayon ay ang madalang na pagdaan ng mga sasakyan sa subdibisyon namin, ang mga sasakyang iyon ay pag-aari ng mga taong naninirahan sa subdibisyon na ito. Nawala ang aking atensyon sa labas ng bahay dahil sa masuyong pagkausap sa akin ng isang nilalang. 

"Hija, nag-enroll ka na ba sa unibersidad na gusto mo?" tanong sa akin ni mama Ingrid. 

Dalawang taon na ang nakakalipas at magko-kolehiyo na ako. Sa edad na labing siyam ay tutungtong na ako sa unang taon ko sa unibersidad, ngunit hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin kay papa at mama Ingrid na hin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status