Share

Chapter 31

Posible ka pa rin palang mabasag kahit pinaghandaan mo na ang isang pangyayari. Hindi man inaasahan ang pagkikita namin ngunit ang aming pagtatapos ay tila nakatakda ng mangyari. Nanlamig siya, nawalan ng gana, at nawalan ng oras sa akin. Hindi niya natupad ang mga sinabi niya, hindi siya nanatili. Ang dating liwanag na hatid niya sa madilim kong mundo ay unti-unting lumabnaw, nawalan ng liwanag, naging normal na kulay, at tila isa na lamang palamuti sa ulap kagaya ng karamihan. Nagbago siya. 

Napayuko ako. Mabigat ang aking dibdib, at may impit na hikbing nagtago sa likod ng ingay ng mga kulisap. Tapos na kami ni Quirou. 'Yon na ang maaaring maging huli naming pagtatagpo. Mahigpit kong hinawakan ang aking saya, nilukot ang laylayan at tila doon humugot ng lakas sa patuloy na pagluha. 

Nang iwan ko siya ay hindi na ako lumingon pa, kinumbinsi ko ang sarili kong huwag na siyang lingunin kahit ang totoo ay gusto kong bumalik at makiusap sa kaniya na ayusin na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status