Share

Chapter 36

"Cheers to me!" tumatawang wika ni Raz. 

Nakarating kami sa rest house namin sa Tagaytay at dito na lang din nagpalipas ng gabi. Alas onse pa lamang ng gabi ay tila lasing na si Raz. Ang mga mata niya ay namumungay na at bahagya pang kumukumpas ang kamay na animo'y isang guro sa musika na nagtuturo ng tamang taas at baba ng nota. Napailing na lang ako. 

"Matulog na tayo, may tama ka na yata," nangingiti pa rin na wika ko. Kanina pagkarating namin dito ay nag-ikot-ikot lang kami saglit sa paligid. Maingay si Raz kanina at maraming kwento kaya medyo nawala din ang mga iniisip ko kanina.

"Hindi ako lasing! Walang matutulog! Dadamayan kita, alam kong nababalisa ka." Humagikgik siya ng mahina. "Syimpre nakita mo kanina ang ex mo." 

Nailing muli ako nang muli na namang napasok sa usapan ang hindi na dapat pang pag-usapan. Ngumiti lalo si Raz, halata talaga na lasing na siya. Paano ba naman kasi, ginawa niya ng tubig ang wine habang nagkukwento ka

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status