Share

Chapter 37

Hindi ko maintindihan kung bakit tila ang aligaga masyado nila mama ngayon at talagang sumama pa siya sa pagsundo sa akin. Pinikit ko na lang ang aking mga mata, ginusto ko na lamang na kalimutan saglit ang mga tanong ko. 

Nagsimula ng kainin nang dilim ang aking isipan nang maramdaman ko ang malakas ngunit pinong kurot sa aking tagiliran. Agad kong sinamaan ng tingin ang pasaway na binibining nasa aking tabi. 

May binubulong siya ngunit hindi ko pinapansin. Narinig ko naman ngunit andito sila mama at ang kaniyang binulong ay panibagong pagsuway na naman sa aking mga magulang. 

Napangiti ako nang irapan niya ako. 

I mouthed mamaya na, ngunit mas lalo lang akong natawa dahil sa muli niyang pag-irap. Napalingon sa akin si mama nang magkaroon ng boses ang aking tawa, agad naman akong umiling para sagutin ang nagtatanong na tingin ni mama. 

"Wala ho, may naalala lang po akong biro," wika ko pa muli nang tila wala pa ring nainti

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status