Share

Chapter 7

Halos tatlong oras kaming nag-ikot-ikot kagabi. Tumambay lang kami saglit sa mga pasyalan, at kumain. Gayunpaman ay sobrang naging masaya ako, unang pagkakataon ko 'yon na mahawakan ang oras at kalayaan ko. Masaya pala talagang maging malaya. 

Mas napangiti ako nang maalala ko ang kakulitan at pagiging malambing ni Quirou, hindi niya talaga binitawan ang kamay ko sa buong oras na magkasama kami, maliban na lang pag nagdadrive siya. Hiyang hiya ako sa namamawis kong kamay, pwede palang maging masaya sa nakakailang na pangyayari.

Hanggang ngayon ay naiwan ang ngiting hatid ng ala-ala ng nangyari kagabi. Kung may pagkakataon, sana ay maulit iyon. Mas lalo akong napangiti sa mga ideya na pumasok sa isip ko, ngunit isang siko ang naramdaman ko sa aking tagiliran, siniko ako ng kapatid ko.

"Nakangiti ka na naman, nakatingin na sa'yo si mama. Yari ka," mapang-asar na bulong sa akin ni Ana. 

Sa edad nito ay pantay lang ang tangka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status