Share

Chapter 30

Makulimlim ang kalangitan nang magising ako. Agad akong kumilos ngunit medyo nagulat ako dahil wala na si Jai sa aking tabi. Nauna na pala siyang bumangon. Agad kong niligpit ang mga dapat ligpitin at iniwan ng malinis ang kaniyang silid. 

Paglabas ko pa lang ay si mama na agad ang nabungaran ko. Nagkakape siya habang nakatingin sa kawalan, malalim ang iniisip. Sabagay, sa mga nangyari sa amin ay sino nga ba ang hindi mapapahinga ng malalim. Mahirap pakalmahin ang mga salita kapag nagsimula na ito sa pagsayaw sa ating isipan. 

Matapos sumimsim si mama sa kaniyang kape ay lumapit na ako sa kaniya at hinila ang isa pang silya para makatabi umupo sa tabi niya. Naagaw ko ang atensyon niya kaya napalingon siya sa akin. 

"Bakit po?" tanong ko nang mapansing hindi pa rin siya tumigil sa pagtitig sa akin ng mariin. 

Huminga siya ng malalim bago nag-iwas ng mga mata. Ngumiti siya, iyong uri ng ngiti na hindi ko pa nakita sa kaniya sa buong

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status