After 3 years... "SIGURADO ka bang okay lang na iwan na kita rito?" tanong ni Raf kay Helaena. Ito ang naghatid sa kanya sa airport. There was a strain in her voice. Si Raf ay isa sa mga personnel officer ng hotel at kaibigang matalik ni Harley, ang kanyang ex. Naging classmate niya ito nang nasa huling taon siya sa kolehiyo at doon nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa. After graduation, Raf applied at Monica Hotel. Natanggap naman ito bilang personnel officer. Nagulat pa ito nang makita si Raf sa hotel. Hindi nito inakalang magkakilala sila ni David. lyon ang isa sa bahagi ng buhay niya na inilihim niya sa kaibigan. Hindi niya nagawang ipagtapat dito kung sino ang ama ni Vince. Hindi rin naman nagpilit si Raf. Katunayan ay lumalim ang pagkakaibigan ng dalawa. Kaya naman gayon na lang ang pagkamangha ni Raf nang malamang ikakasal siya sa big boss ng hotel. Si Yvonne naman ang maid of honor niya nang ikasal sila ni David. "No problem." She forced a smile. Niyuko niya ang relo sa
GUSTO niyang magbigay ng pasasalamat pero tila tuyong-tuyo ang lalamunan niya. Ni hindi niya napuna nang lingunin ni Asunta ang lalaking nakabunggo sa kanya. Mula sa mesa nito ay agad itong tumayo at lumapit sa kanila.Ang tatlong service crew at ang kahera ay abala sa kani-kanilang normal na gawain. Sa mga mata ng iilang customer sa maliit na coffee shop na iyon ay wala namang kakaibang nangyayari. lyon ay kung may nakapuna man lang sa kanilang tatlo. Nakatayo pa rin nang tuwid si Helaena at marahang humahakbang patungo sa exit habang nakaalalay si Asunta.Kung sakali mang nakahawak nang mahigpit sa kanya si Asunta ay hindi naman ito kapuna-puna. Tila magkaibigang magkaabrisete ang dalawa. Nakikipagusap sa kanya ang babae. Sa wari ay may itinatanong subalit hindi niya ito naiintindihan.Sa nanlalabo niyang paningin ay alam niyang nagsasalita ito at nakangiti pa. Pero tila kay layo ng pinanggagalingan ng tinig nito.Hindi rin makuhang tumanggi ni Helaena nang kunin ng babae ang bag ni
NAKAABOT pa sa pandinig niya ang mga yabag ng tatlo pababa ng hagdan. llang sandali ang hinintay niya bago siya tumayo. Subalit muli rin siyang napaupo dahil hindi pa halos nagbalik ang huwisyo niya. Tila siya may hangover. Napakasakit ng ulo niya at tuyongtuyo ang lalamunan.Pero alam niyang hindi siya dapat mag-aksaya ng panahon. Babalik ang lalaki at natitiyak na niya kung ano ang sasapitin niya mula sa mga kamay nito bago siya patayin.Agad niyang tinakpan ang bibig upang hindi mapahagulhol ng iyak. Pagkatapos ay hinawakan ang tiyan. Lalo na niyang gustong bumulalas ng iyak. Kung mamamatay siya ay mawawalan ng pagkakataong mabuhay ang anak niya.Hindi na niya maisisilang ito. Ni hindi malalaman ni David na nasundan nila si Vince pagkatapos nang halos pitong taon nilang pagsasama. Kapagkuwa'y kinalma niya ang sarili at inilibot ang tingin sa buong silid. Maliit lamang iyon. Tipikal sa mga kubo sa probinsiya.Ang silid na iyon ay yari sa hinabing kawayan. Mula sa kinaroroonan niya a
NAKAPITONG ring ang telepono bago may sumagot doon. Nagpupuyos ang dibdib niya pero kailangan niyang magpakahinahon. Kailangan niya ng diplomasya sa sasabihin niya sa uncle niya. Hindi niya kailangang ipahalata ang matinding katuwaang nararamdaman.Kanina pa siya nagtatatalon sa tuwa. Subalitkailangan niyang magkunwari."H-hello," wika ng nasa kabilang linya sa nanginginig na tinig."Tito asunta..." aniya at sinadyang tumikhim nang ilang beses bago muling nagsalita sa pinalungkot na tinig. "May... masamang balita—""A-anong masamang balita?" agad nitong sabi, nasa tinig ang panic at takot. "May... may mga pulis bang nakatunton dito? Sabihin mo kung kailangan na naming umalis ngayon din! Pancho, ihanda mo ang sasakyan!"Sa ibang pagkakataon at kung ibang tao ang kausap niya ay baka sumigaw siya sa matinding galak sa ibabalita niya. Pero kailangan niyang pigilin ang sarili at iparamdam kay Asuncion na nalulungkot siya nang labis."Tiya, huwag kayong magpa-panic. Walang mga pulis na naka
PRESENT"KINUKULAYAN na ba ng araw ang dagat, Kris?"Kris's smile was poignant. Pinisil niya ang kamay ni Philip na nakahawak sa kamay niya. Nitong nakalipas na tatlong buwan ay walangdapit-hapong hindi sila naroroon sa baybayin kahit napakalayo ng dagat mula sa bahay nila. Kahit sampung minutong biyahe iyon mula sa kanila.Nais ni Philip na naririnig ang mga along humahalik sa baybayin. Nais nitong sabihin niya ang kulay ng dagat tuwing dapit-hapon." Kahel, pula, ginto..." sagot niya sa nagsisikip na dibdib. Hindi niya mapigil ang pagkawala ng mga luha."Umiiyak ka..." anito na narinig ang paghikbi niya. Itinaas ang kabilang kamay at pinahid ang mga luhang naglandas sa mga pisngi niya. "Dapat ko bang isiping mahal mo na rin ako sa dulong bahagi ng aking buhay?""Mahal kita, Philip," aniya. "Alam kong alam mo iyan. At sana'y hindi mo laging binabanggit sa akin ang tungkol sa—""Sa buhay kong malapit nang magwakas?" dugtong nito. Wala sa tinig nito ang pait. O takot sa kamatayan. Ang
BINASAG ni Philip ang katahimikan sa pagitan nila."Sa loob ng mahigit na labing-apat na taon ay hindi ka umaalis sa bayang ito, Kris. Ikinulong mo ang sarili mo sa niyugan. Sa sulok na bahagi ng puso ko ay kinasasaya ko iyon dahil natatakot akong makaalala ka. Na baka makakita ka ng mga bagay na magpapaalala sa iyo. Na baka isang araw paggising ko ay wala ka na sa tabi ko.""Subalit ang kabilang bahagi ng puso ko ay nag-uudyok na hanapin mo ang iyong nakaraan. Dahil alam kong hindi ka maligaya sa kalagayan mo. Lalo na nang maramdaman kong unti-unti na akong iginugupo ng aking sakit..."Kris bit her lip to keep from crying."Kapag wala na ako ay nais kong bumiyahe ka. Baka sakaling may makakilala sa iyo... baka sakaling may mga bagay na magpapaalala sa iyo ng nakaraan mo..."Hindi siya sumagot. Hindi niya gustong tanggaping mawawala sa kanila si Philip. Noong hindi pa ito iginugupo ng sakit ay hindi miminsang sinabi nito sa kanya na mamasyal naman sila. Magtungo sa kalapitbayan at siy
'HAVE we met?"This time Zion chuckled. "Don't you think that is an old line? And since I am young, gasgas na ang linyang iyan. Anyway, my name's Zion."' Itinaas niya ang kanang kamay rito."Don't be silly," anito, ignoring his hand. "You know, there's something familiar about you. "Hindi ko rin alam kung ano, baka mga ngiti mo?"And before Zion could utter another smart retort, umangat ang isang kamay ng babae patungo sa kanya. Sa wari ay hahawakan nito ang ulo niya. Subalit bago pa man makalapat ang kamay nito sa buhok niya ay nasa likuran na niya Sina Gillian at Caleb."Hey, Zion." Possessively, ikinapit nito ang braso sa kanya at bahagyang hinila paatras. Ang kamay ng babae ay bumagsak sa tagiliran nito. "Tara sa likod nitong ferry. Mas maganda ang view roon.""Magandang hapon, Vince," bati ni Caleb.The man blinked. Mula kay Zion ay ibinaling nito ang tingin sa binatilyong tinawag ito sa pangalan. "I'm sorry but I don't think we've met, young woman.""Apo po ako ni Mang Hilarion
DAVID cleared his throat. "Don't you think it is high time to talk of remarrying?""At si Nicole ang naisip mong pakakasalan?"David shrugged. "She comes to mind. ""She's older than Mommy!" he snapped. "I have respect for Mrs. Bartolome's loyalty and efficiency, Daddy. Pero iyon lang iyon. She will never take my mother's place in your heart andyou will not give your name to another woman!" There were tears in Vince's voice but he refused to shed them."What do you have against Nicole, hija?""Nothing, Daddy. " Kumalma nang bahagya ang anyo nito at nagbaba ng tinig. "She's perfect. Politically or otherwise. Statuesque and handsome. Very efficient. Efficient enough para matukso kang i-maintain siya, " he said with obvious sarcasm that David almost laugh rather than be angry at his son. "And she has always been very loyal to her Dad, to you, and to the company... ""l can hear the 'but,' sweetheart. "Muling tumigas ang mukha ni Vince. "Give her an award, Daddy! A plaque as huge as Texa