Share

Chapter 32

NAKAPITONG ring ang telepono bago may sumagot doon. Nagpupuyos ang dibdib niya pero kailangan niyang magpakahinahon. Kailangan niya ng diplomasya sa sasabihin niya sa uncle niya. Hindi niya kailangang ipahalata ang matinding katuwaang nararamdaman.

Kanina pa siya nagtatatalon sa tuwa. Subalitkailangan niyang magkunwari.

"H-hello," wika ng nasa kabilang linya sa nanginginig na tinig.

"Tito asunta..." aniya at sinadyang tumikhim nang ilang beses bago muling nagsalita sa pinalungkot na tinig. "May... masamang balita—"

"A-anong masamang balita?" agad nitong sabi, nasa tinig ang panic at takot. "May... may mga pulis bang nakatunton dito? Sabihin mo kung kailangan na naming umalis ngayon din! Pancho, ihanda mo ang sasakyan!"

Sa ibang pagkakataon at kung ibang tao ang kausap niya ay baka sumigaw siya sa matinding galak sa ibabalita niya. Pero kailangan niyang pigilin ang sarili at iparamdam kay Asuncion na nalulungkot siya nang labis.

"Tiya, huwag kayong magpa-panic. Walang mga pulis na naka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status