DAHAN-DAHANG itinulak pabukas ni Kris ang pinto ng study ni Philip pagkatapos ng isang mahinang warning knock. Naroon ang anak sa tabi ng bintana at nakatanaw sa kadiliman sa labas. Nakaakbay ito kay Leoncia na sa wari ay inaalo ang abuela.Binawian ng buhay si Philip nang araw ding iyon na ipinasok nila ito sa ospital. Kahapon ng hapon ay inihatid nila ito sa huling hantungan. Sa pagkakatitig niya kay Leoncia, tila ito kumukuha ng lakas mula kay Zion. Sa memorial park kahapon ay hinayaan niya si Leoncia na halos ayaw bumitiw kay Zion."Mama..."Parehong lumingon sa kanya ang dalawa. Her eyes met Leoncia's. "Nais kitang makausap, Zion," she told her daughter.Nakikiusap ang tingin ni Leoncia sa kanya.Natitiyak ni Kris na kung mapipigilan siya nito ay gagawin ni Leoncia. Subalit hindi niya gustong ipagpaliban ang nais na gawin."Dapat bang ngayon mo gawin ang binabalak mo?"Leoncia was seventy-five years old. Wala itong sakit, kahit rayuma na karaniwan sa mga matatanda.Malakas pa ito
NAPASINGHAP nang malakas si Kris. Hindi umabot sa puntong iyon ang mga haka-haka niya sa nakalipas na mga taon. Kahit si Philip ay hindi naman nagpahiwatig ng ganoon. Napatitig siya kay Leoncia."Ang... posibilidad na iyan ay hindi man lang sumagi sa isip ko, Mama!""Sa una ko pa lang pagkakita sa iyo ay alam kong hindi ka pangkaraniwang pasahero lang ng bus, Kris. Kahit duguan ang damit mo ay alam kong mamahalin dahil naroon pa rin ang designer labels. Kahit ang suot mong sapatos ay alam kong hindi yaong imitasyong nabibili lang sa bangketa."At hindi minsan man sumagi sa isip ko na isa ka lang pangkaraniwang pasahero ng bus. You are cultured, kahit sa paraan mo ng pagsasalita at kilos. Lalo na nang makita ko ang hilig mo sa photography." l knew deep in my heart, you were not among the passengers. Pero ayokong pakinggan ang isip ko.Ipinanalangin kong huwag nang magbalik pa ang memorya mo. Kung kasalanan ko man iyon, patawarin mo ako..." Leoncia heaved a sigh."At doon sa sinabi kon
"MAY PILAT ako sa tiyan, Anak. That was even before I gave birth to you. Tinanong ko si Philip tungkol doon at kung ano ang sanhi, sa pag-aakalang siya ang aking asawa. Sinabi niyang naoperahan ako sa appendicitis...""But?""At first I believed him. Pero nang ipanganak kitaat ang mismong Pilat na iyon ang binuksan ng doktor ay natanto kong isa iyong lumang Pilat sanhi ng caesarean na pagpanganak...'Napahugot ng hininga si Zion. "Ibig sabihin, Mommy, ay may naipanganak ka na bago ako!""It seemed so—Napaungol ito. "Mom! I have a brother! Or a sister! At hindi ko man lang sila makikilala!"Napuno ng simpatya para sa anak ang damdamin ni Kris. Lalo at posibleng dalawa ang naging anak niya bago si Zion. Hindi niya alam. Hindi niya gustong isatinig. Muli niyang iniyakap ang mga braso sa tiyan niya at muting tinanaw ang labas ng bintana.Nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa mga mata niya.Kung mayroon siyang ibang anak, ilang taon iyon mula nang mawala siya? llang beses niyang tinuos s
IBINALIK ni David ang isip dito. Grant had always been polite and friendly and very efficient. Hindi nito tinawid ang linya sa pagitan ng isang empleyado at kaibigan.Kaibigan, sa diwang si Grant ay kaibigan ni Helaena noong ito ata nabubuhay pa bago pa man ito naging empleyado ng FNC. Si Grant din ang tumayong maid of honor sa kasal nila ni Helaena dahil hindi sumipot ang kaibigan ni Helaena na si Yvonne.Si Grant din ang huling nakakita kay Helaena nang ihatid nito ang huli sa airport. Dapat ay kasama ni Helaena si Grant patungong Rome nang araw na iyon. Isa o dalawa sa mga biyahe nina Helaena at Vibce sa ibang bansa—for shopping—ay kasama si Grant.Katunayan, nagpahiwatig si Helaena na nais nitong isama sa Rome si Grant. Tutal naman daw ay birthday ni Grant ang susunod na buwan at regalo na ng asawa ang biyaheng iyon sa Rome. Bagaman sa Rome lang makakasama ni Helaena ang kaibigan dahil si Helaena ay tutuloy sa America habang babalik naman sa Pilipinas si Grant. But Grant had decli
FRANZ frowned. May ilang beses na inayos ng don ang salamin sa mga mata. Hindi pa nasiyahan ay itinaas ang album at sinipat nang husto. Napahugot ito ng hininga. Humigpit ang pagkakahawak niya sa album. Hindi pa nasiyahan, tinuklap nito ang plastic at inalis ang larawan mula roon."Careful," babala ni Beatriz. "Baka mapunit mo, luma na iyang larawang iyan."Mula sa pagkakatitig sa larawan ay niyuko siya ng asawa. "Bea..." Franco stared at his wife with disbelief in his eyes. "Sinadya mo bang ipakita sa akin ito? May nais ka bang ipahiwatig?"Nagkibit siya ng mga balikat. "Hindi ko alam, Franz. Hindi ko rin alam kung ano ang iisipin. Pero kaninang nanananghalian tayo kasama ang dalawang bata ay nagtumining sa isip kong pamilyar sa akin ang bata. Kahit noong una ko siyang makita. Lamang ay hindi ko gaanong binigyan ng pansin. Kanina, sa kaiisip ko ay kumislap sa balintataw ko ang album mo."Franz was incredulous. "Ano ang maaari kong isipin dito, Bea?"Nakita niyang sunod-sunod ang pagt
"IKAW!" bulalas niya at mabilis na binitiwan ang T-shirt at agad inayos upang matakpan ang humantad na tiyan. Umaasang dahil nakatalikod naman siya ay hindi nito nakita ang tiyan at ang ginawa niya.Zion waved and smiled. "Hi, there.""Bakit ka narito? Ano angginagawa mo rito? Nagpapansin ka ba sa akin?" Singhal niya, simbilis ng kidlat ang ginawang pagtayo. " Paano ka nakarating dito?""Isa-isa lang ang tanong. Tinalo mo pa ang armalite, ah."Sinulyapan ni Leo ang kabayong nakatali sa isang puno sa di-kalayuan. Masyado ba siyang nag-emote sa kalagayan niya sa buhay at hindi man lang niya narinig ang pagdating nito?Nakita ba nito ang pag-iyak niya na parang loka? At nakita ba nito nang suminga siya sa T-shirt niya na tila batang munti? Napaungol siya sa pagkapahiya."Kanina pa ako rito," ani Zion, puno ng kaaliwan ang mga mata. "Hindi ko sinasadyang manubok pero ayoko namang abalahin ang pag-e-emote mo. Nang makita kitang niyuko ang bangin, as if contemplating on jumping to your deat
"THIS is very, very good," ani Zion, devouring her pie. "Hindi ganito ang natitikman kong apple pie, which by the way, ay pangatlong beses ko pa lang nakakain sa buong buhay ko," pag-amin nito, then smiled sheepishly."Sinabi mo pa," susog ni Caleb. "Katunayan, ngayon lang ako nakatikim ng apple pie satanang buhay ko." Sinabayan nito iyon ng nahihiyang tawa.Beatriz was beaming. "My children and grand children love my apple pie, boys. Kahit saang bahagi sila ng mundo, sinasabi ng aking mga apo na walang katulad ang aking apple pie.""Sana ay kaya ni Mommy na mag-bake ng ganito. May nabibili namang apple sa groserya sa bayan.""l might tell your mother my secret recipe."May panghihinayang sa ngiti ni Zion. "But she's not into cooking, ma'am. Mas nasa photography ang talino ni Mommy.""And I know nothing about photography except admiring them.""Lumalakas ang ulan," ani Franz sa mga bata. "Alas singko pa lang pero madilim na sa labas. Nais ba ninyong dito na magpalipas ng gabi?"Sabay
"GRANT?" he muttered the name with venom."Paano nalaman ni Grant ang numerong iyan at ako ay hindi?""l must have given Grant this number inadvertently. I don't know, for heaven's sake! Telepono lang ay issue na sa iyo."He took a calming breath. "Yes, Grant...""It's off office hour, David. So hindi nasasagot ni Sebastian ang private line mo. Walang sumasagot sa bahay mo at sa penthouse. You've changed cp number again at hindi iyon alam ni Don Franz. Tinawagan niya ako.""May emergency ba sa Alta Tierra?" he asked, a little bit worried. Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niya ang ginagawang pagpaparoo't parito ni Nicole. Lumakad ito patungo sa tray at muling nagsalin ng alak at muli ring inisang-lagok iyon."Walang sinabi si Don Franz, just to return his call.""All right, I will call my father," aniya. Pinutol ang paguusap nila ni Grant at hinanap ang incoming call kanina sa cell phone niya at tinawagan ang numerong nakarehistro doon.Kaninong telepono ang gamit ng papa niya? Kail