Share

Chapter 41

NAPASINGHAP nang malakas si Kris. Hindi umabot sa puntong iyon ang mga haka-haka niya sa nakalipas na mga taon. Kahit si Philip ay hindi naman nagpahiwatig ng ganoon. Napatitig siya kay Leoncia.

"Ang... posibilidad na iyan ay hindi man lang sumagi sa isip ko, Mama!"

"Sa una ko pa lang pagkakita sa iyo ay alam kong hindi ka pangkaraniwang pasahero lang ng bus, Kris. Kahit duguan ang damit mo ay alam kong mamahalin dahil naroon pa rin ang designer labels. Kahit ang suot mong sapatos ay alam kong hindi yaong imitasyong nabibili lang sa bangketa.

"At hindi minsan man sumagi sa isip ko na isa ka lang pangkaraniwang pasahero ng bus. You are cultured, kahit sa paraan mo ng pagsasalita at kilos. Lalo na nang makita ko ang hilig mo sa photography.

" l knew deep in my heart, you were not among the passengers. Pero ayokong pakinggan ang isip ko.

Ipinanalangin kong huwag nang magbalik pa ang memorya mo. Kung kasalanan ko man iyon, patawarin mo ako..." Leoncia heaved a sigh.

"At doon sa sinabi kon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status