Share

Chapter 40

DAHAN-DAHANG itinulak pabukas ni Kris ang pinto ng study ni Philip pagkatapos ng isang mahinang warning knock. Naroon ang anak sa tabi ng bintana at nakatanaw sa kadiliman sa labas. Nakaakbay ito kay Leoncia na sa wari ay inaalo ang abuela.

Binawian ng buhay si Philip nang araw ding iyon na ipinasok nila ito sa ospital. Kahapon ng hapon ay inihatid nila ito sa huling hantungan. Sa pagkakatitig niya kay Leoncia, tila ito kumukuha ng lakas mula kay Zion. Sa memorial park kahapon ay hinayaan niya si Leoncia na halos ayaw bumitiw kay Zion.

"Mama..."

Parehong lumingon sa kanya ang dalawa. Her eyes met Leoncia's. "Nais kitang makausap, Zion," she told her daughter.

Nakikiusap ang tingin ni Leoncia sa kanya.

Natitiyak ni Kris na kung mapipigilan siya nito ay gagawin ni Leoncia. Subalit hindi niya gustong ipagpaliban ang nais na gawin.

"Dapat bang ngayon mo gawin ang binabalak mo?"

Leoncia was seventy-five years old. Wala itong sakit, kahit rayuma na karaniwan sa mga matatanda.

Malakas pa ito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status