Share

Chapter 38

"MAY NAKAHARANG sa daan. May nasiraan yata ng karomata," ani Davis na nagmenor. Inihinto nito ang Hummer may tatlong metro mula sa karomata.

Sumilip sa bintana ng four-wheel drive si Doña Bea. "Nabalaho yata, hijo. Babain mo nga at iyong dalawang bata ay nakatalungko saputikan."

"Tingnan mo kung ano ang maitutulong natin, David, at malamang na hindi tayo makaraan kapag hindi naalis sa pagkabalaho iyan," susog ni Don Franz.

Huminto ang Hummer ilang dipa mula sa nalubak na karomata at bumaba si David. Lumingon ang isa sa dalawang binatilyo nang makita siyang palapit.

Nakilala niya agad ang apo ni Manong Hilarion. Napuna niyang nagsikuhan ang dalawang binatilyo at inginunguso ng kasama ni Caleb ang Hummer. He almost smiled.

"Magandang umaga po, sir David," bati ni Caleb na iniunat ang katawan mula sa pagkakatalungko. Ang mga mata nito ay nakatuon sa Hummer at agad na natanaw ang mga pasahero niya. "Pasensiya na po at nalubak kami."

"lkaw pala, Caleb." Tumango si David at sandaling sinuly
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status