Share

Kabanata 28

"Mamayang alas-dose ang susunod na rasyon ng pagkain," sabi niya. Nilagay niya ang tray sa mesa na nasa gilid ng kama. "May kailangan ka pa ba?" dagdag niyang tanong.

Umiling ako at bumuntong-hinga. Mahapdi ang mga sugat na natamo ko sa gabing 'yon kahit pa uminom na ako ng painkiller. Lumapit sa kama ang nurse at nilagyan ng unan ang headboard para doon ako sumandal.

Umikhim ako at nagtanong. "Nakontak na ba 'yong parents ko?"

"Hindi pa. Pero sinusubukan ng department na i-retrieve ang data ng cellphone mo." Sumulyap siya saglit sa akin. "Hindi mo talaga kabisado ang numero ng mga magulang mo?"

Umiling ako. Pero natigilan ako nang may maalala. "Yong kaibigan ko. Kabisado ko ang number niya."

"Mabuti." Kinuha niya ang ballpen at papel na nakasabit sa paanan ng kama. "Isulat mo dito ang number niya. Kapag na-contact ng department, sasabihin naming nandito ka."

"Sige, salamat."

Tinanggap ko ang papel at ballpen. Sinulat ko ang numero ni Tiden. Number lang niya ang kabisado ko. Natulala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status