Share

XVIII. The Dark Side

December 7, 2:30 PM

Nilapag ko sa table ang envelope na kakapadala pa lang kahapon ng killer. Nandito kami ngayon sa Belle's Cafe para muling mag-usap tungkol sa killer.

Si Brix naman ay naglabas ng mga dyaryo. Luma na ang mga iyon at ang iba ay punit-punit na. Nakuha niya ito sa office ng daddy niya. Mga natirang dyaryo na naglalaman ng mga nangyari five years ago.

"Shocks! Ibig sabihin, pakalat-kalat lang 'yong killer doon sa party noong isang gabi?!" gulat na tanong ni Macey. Nanlalaki ang mata niya habang tinitignan ang mga litrato.

Bigla namang inagaw ni Sofia 'yong isang litrato, "A-anong ibig sabihin nito? Bakit may kuha ako rito?"

Uminom muna ako sa kape ko bago mag salita. "Hindi ko rin alam---"

"Malamang ay may masama siyang balak sayo," sabat ni Jayson.

"Jayson, ano ba!" sita sa kaniya ni Macey.

"Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng posibleng mangyari," giit niya.

"Well, may point si Jayson," pag sang-ayon ko. Pwede ngang may binabalak na masama ang killer kay Sofia.

Napalunok ako nang maalala ang nangyari sa bahay nila Akira. Kinuha ko ang litrato kung saan kuha ang pinto ng CR nila Akira.

"Ito, sa bahay 'to nila Akira." Ipinakita ko sa kanila ang pinto. "Nasa loob ako ng CR ng mga oras na 'yan. Biglang tumawag 'yong killer pero wala siyang sinabi. Nalaman kong nandoon din siya dahil sa background music na narinig ko noong tinawagan niya ako. Ilang beses din siyang kumatok no'n sa CR."

"Teka, bakit hindi mo sinabi sa 'kin 'to noong gabing 'yon?" Tanong ni Brix ngunit hindi ako naka sagot.

Litong-lito na rin kasi ako no'n paglabas ko sa CR. Ang tanging naiisip ko na lang ay ang killer dahil alam kong isa sa mga kasama namin noong gabing 'yon ay ang killer.

"So, it is possible that one of the students that night is the...killer. Gosh!" Napabuga na lamang ng hangin si Macey at sumandal sa upuan niya.

Tinignan ko si Sofia na panay ang pagkutkot sa kuko niya. Tahimik lamang siya at tulala. Malamang ay iniisip nito ang sinabi ni Jayson kanina.

"Shit! Ang tindi. Estudyante pa lang pero ang galing mag tago. Matalino!" sabi ni Jayson, parang bilib na bilib pa ito.

Kumuha ako ng isang dyaryo. Medyo malabo na ang ilang letra kaya naman ang hirap basahin. Malabo man ang ilan, basang-basa ko pa rin ang headline ng dyaryo.

'The Dark Side of Greenville'

***

Third Person's POV

Five years ago...

Gabi na at ang ibang tao ay nasa loob na ng kani-kanilang bahay. Ang iba naman ay pauwi pa lamang mula sa kanilang mga trabaho.

"Demi, kumain na tayo," sabi ng isang babae habang nilalapag ang mga pinggan sa mesa. Siya si Felicidad San Diego, isa sa mga magagaling na doktor sa Greenville. Lumapit naman ang anak nito na si Demi.

"Mommy, hindi pa po ba uuwi si Daddy?" tanong ng batanga babae sa kaniyang ina.

"Anak, pulis ang daddy mo at narinig mo naman na siguro ang tungkol doon sa killer. Hindi pa makakauwi ang daddy mo dahil pinaghahanap pa nila 'yon," paliwanag ni Dra. Felicidad.

Sumimangot naman ang batang si Demi. "Nakakatakot, mommy. Baka mapahamak si daddy."

"Demi, don't say that. Magiging safe ang daddy mo." Nilagyan niya na lamang ng pagkain sa pinggan ang bata para makapagsimula na itong kumain.

Sa labas naman ay may ilang naglalakad pauwi ng bahay, nagmamadali ang mga ito na para bang may iniiwasan.

At nangyari na nga ang kanilang iniiwasan at kinatatakutan.

Ang tahimik na gabi ng Greenville ay bigla nalang binalot ng malalakas na putok ng baril.

"Mommy, ano po 'yon?" takot na tanong ni Demi. Lumapit sa kaniya si Dra. Felicidad at niyakap siya.

"Wag mong pakinggan 'yon, anak. Halika, ihahatid na kita sa kwarto mo," sabi nito at hinawakan ang kamay ni Demi papuntang kwarto.

Sa kabilang banda, may lalaking naglalakad, may hawak itong baril sa kanang kamay at kaliwang kamay naman ay may itak.

"Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw ng isang babae na naka upo na sa kalsada at umiiyak.

"Tulong---" hindi na natuloy pa ang pag sigaw ng babae. Bigla na lamang siya binaril n'ong lalaki. Limang putok. Limang putok ng baril ang bumawi sa buhay ng babae.

Nagpatuloy sa paglalakad ang lalaki. Sa ilalim ng maskara nito ay ang isang malaking ngisi. Ang suot niyang damit ay puno na rin ng mga tilamsik ng dugo.

"Greenville...this town will never be the same again. Hindi ko hahayaan na mapuno na naman ng kasiyahan ang lugar na 'to. Ang lahat ng tao dito ay makasalanan at wala silang karapatan na sumaya," bulong ng lalaki sa kaniyang sarili.

Nagtago ang lalaki sa isang poste habang pinagmamasdan ang susunod niyang target. Sa 'di kalayuan, nakatayo ang isang lalaking may kausap pa sa cellphone nito.

"Hindi pwedeng malaman ni Andrea ang relasyon natin! Tumigil ka na. Hindi naman talaga kita mahal eh."

Napangisi na lamang ulit ang killer. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit doon sa lalaki.

Hawak-hawak ang itak, tumayo sa likuran n'ong lalaki. Walang pag-aalinlangan niyang inangat ang itak at tinapat ito sa ulo ng lalaki.

Hindi na nakasigaw pa ang lalaki. Walang ginawa ang killer kundi tagain ang lalaki. Basag na ang ulo nito. Ang dalawang kamay naman ay halos matanggal na. Ang ibang dugo nito ay tumatalsik sa damit at maskara n'ong killer.

Wala ng makakatumbas pa sa tuwang nararamdaman ngayon ng killer habang tinitignan ang lalaking pinagtataga niya.

"Ayan ang napapala ng mga taong katulad mo."

Nagpatuloy sa paglalakad ang killer. Tulad ng mga ginawa niya sa mga nauna niyang biktima, pinagbabaril niya ito at pinagtataga.

Ilang buhay ang nasawi noong gabing 'yon. Tuluyang nawala ang dating sigla ng mga tao sa Greenville. Ang simpleng paglabas ng bahay ay kinatatakutan nila. Takot na baka isang gabi ay makasalubong nalang nila ang killer sa daan.

"Sabihin mo sa amin kung ano ang nakita mo noong gabing 'yon," sabi ni Alfred San Diego, isang police detective ng Greenville at ang tatay ni Demi.

Katapat nito ang isang matanda. Nanginginig ang kamay nito na nakapatong sa mesa.

"Mang Isko, 'wag kang matakot. Sabihin mo lang ang nakita mo noong gabing 'yon."

Huminga nang malalim ang matanda bago nag salita.

"Galing ako sa town hall n'on. Naglalakad na ako pauwi pero nag tago ako sa isang bakanteng bahay nang masaksihan ko ang pagpatay ng isang lalaki sa mga nakakasalubong niya," panimula ng matanda. Seryoso namang nakatingin at nakikinig ang pulis sa sinasabi ng matanda. "Naka itim siyang jacket, may puting maskara na nababalot na ng dugo. Tapos may hawak pa siyang itak at baril na ginagamit niya sa pagpatay."

Yumuko ang matanda. "Hindi na ako nakahingi pa ng tulong dahil inunahan na ako ng takot at kaba ko."

Ilang buwan ang lumipas, sinubukan nilang hanapin ang killer pero bigo silang magawa ito. Hindi na muli nagpakita ito.

Ang paniniwala ng iba ay namatay na ito.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status