Share

XXIV: New Year, More Corpses

December 28, 9:00 AM

Lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa pintuan ng mini office ni daddy. Kumatok muna ako sa pinto bago buksan iyon.

"Dad," tawag ko at lumapit sa kaniya. Nahagip ng mata ko si mommy na nakaupo sa couch, tulala at tila malalim ang iniisip.

"Bakit, Demi?" tanong niya sa 'kin habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa dyaryo na hawak niya.

Huminga muna ako nang malalim bago mag salita. "Narinig ko na iba pala ang pumatay kay Mang Isko. Ibig sabihin ay posibleng buhay pa ang pumatay sa pamilya ni Mayor Javier?" tanong ko. Alam ko naman ang totoo, pero gusto ko pa rin makakuha ng sagot mula kay daddy.

Sa puntong iyon ay tumingin na siya sa akin. Inayos niya muna ang salamin niya bago mag salita. "Yes. There's a possibility. At baka nga nandito pa rin siya sa Greenville." Nandito pa talaga.

"How about the cases these past two days? Tatlo ang namatay, dad. Paano kung iisa lang ang pumapatay," sabi ko. Noong isang araw, may dalawang natagpuang patay, kahapon naman ay isa. Ang tatlong biktima ay natagpuang tadtad ng saksak.

"Na-imbestigahan na namin 'yan. Iba't-ibang fingerprints, iba't-ibang motibo ng pagpatay," sagot ni daddy.

I still have one question. "Dad, five years ago diba---"

"Demi, let's not talk about these things. Go to your room, magpahinga ka. At hangga't maaari, iwas-iwasan niyo muna ang paglabas ngayon," seryosong sabi ni dad. Okay, wala akong makukuhang sagot niya.

Tumayo na lang ako at ngumiti. "Sige, dad."

Nilingon ko muna si mommy. "Mom, ayos ka lang?" tanong ko. Bahagya naman siyang nagulat pero ngumiti rin agad.

"Y-yes...I'm fine, honey." Tumango na lang ako at lumabas na.

Malamang ay iniisip na naman ni mommy ang tungkol sa kutsilyong natanggap namin, at mayroon din si Macey n'on. And speaking of Macey, hindi pa rin namin siya nakakausap hanggang ngayon, maging si Sofia. Si Jayson naman ay nakausap namin kahapon. He confessed everything. Pati na rin ang dahilan kung bakit gusto niya ng itigil ang relasyon nila ni Sofia. May natanggap daw siyang...

Teka!

Nakatanggap si mommy ng kutsilyo mula sa killer, meron din si Macey, pati si Jayson. Pati ako na unang nakatanggap.

Hindi ko alam kung posible ba 'tong naiisip ko. Dalawang araw nang may namamatay dito sa Greenville. Lahat ay dahil sa saksak ng kutsilyo. Hindi kaya hindi lang kami ang nakatanggap ng regalong 'yon mula sa killer?

At sa naaalala ko...nakasulat sa letter na kailangan daw patayin ang mga makasalanan. It's either na ikaw ang papatay o ikaw ang papatayin.

Shit!

Agad kong tinawagan si Brix.

***

"Balikan muna natin 'yong homecoming. Nagsimulang tumawag sa 'yo 'yong killer ilang araw bago ang homecoming, diba?" tanong ni Brix habang nagsusulat sa isang papel.

Tinawagan ko siya kanina pati na rin si Jayson. At ngayon ay nandito ulit kami sa Belle's Cafe, sa pwesto namin lagi kung saan tago at malayo sa mga tao para makapag-usap kami nang maayos.

Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Brix. "Sabi niya pa n'on ay pabalik na siya," sabi ko.

Napahawak si Brix sa baba niya na tila may iniisip. "Pabalik? Possible reason 'yon para isipin natin na siya rin ang killer 5 years ago at nagbabalik ngayon. Ang tanong, sino ba ang mga umalis dati at bumalik ngayon?"

Napa-isip din tuloy ako sa sinabi ni Brix. Madaming bumalik dito sa Greenville. Halos sabay-sabay sila at nagkataon pa sa mismong araw ng homecoming ng pamilya ni Mayor Javier.

"Sina Tita Serenity, Ate Sandy, at si Sander. Si Kuya Derrick bumalik din pati na rin si Tito Aries," sabi ko. Nilista naman iyon ni Brix sa papel.

"Let's remove Tita Serenity and Ate Sandy on the list. So, these are the possible---"

"Isali mo na rin si Troy," putol ni Jayson sa pagsasalita ni Brix. Kunot ang noo niya habang nilalaro ang basong nasa harapan niya. Mukhang bad trip pa rin ang isang 'to hanggang ngayon.

Binalik ko naman ang tingin ko kay Brix. "Pero hindi lang naman sila ang bumalik. Pwedeng meron din sa ibang---"

"Yes, pero diba ang sabi mo nga ay malapit lang sa atin ang killer. 'Yong kuya mo, si Sander..." tumingin siya kay Jayson. "and Tito Aries, sila ang pinakamalapit sa atin," sabi ni Brix.

"I don't think my father could do that, he's too busy with his work," wika naman ni Jayson.

Hindi ko rin kayang isipin na magagawa ng kapatid ko 'yon. Last time, I found him suspicious pero parang hindi naman sapat na rason 'yon para paghinalaan namin siya.

Si Sander naman...

"Sa bahay nila Akira, nandoon si Sander. Kasama natin siya at nalaman natin na nandoon din ang killer noong gabing 'yon," dagdag ni Brix.

Ang gulo. Napakagulo. Naghahalo-halo na sa utak ko ang lahat ng impormasyon at posibilidad na nakalap namin.

"Teka!"

Napatingin kami kay Jayson nang mag salita ito.

"Sa dinami-rami ng tao dito sa Greenville, bakit si Demi ang napili ng killer? Bakit si Demi ang kinakausap niya?" naningkit ang mata ko sa sinabi niya. "Ibig sabihin mas malapit kay Demi 'yong killer."

Nalipat ang tingin ni Brix sa akin. Silang dalawa ni Jayson ay seryoso nang nakatingin sa akin.

Biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang tawag...si Kuya Derrick.

Kuya Derrick

Kapatid ko siya, ayaw ko mang isipin na posibleng siya ang killer, pero sa tingin ko kailangan ko ng pagmasdan nang mabuti ang bawat kilos niya.

***

December 31, 11:30 AM

Nangingibabaw sa buong paligid ang ingay mula sa mga paputok, torotot, at fireworks. Tumingala ako para makita ang nagkalat na makukulay at kumikislap na fireworks. 30 minutes na lang ay bagong taon na. Panibagong taon na naman para sa bawat isang nandito sa Greenville.

"Barbecue?" napalingon ako at nakita ko si Kuya Derrick, may hawak siyang dalawang stick ng barbecue, inaabot niya sa akin ang isa pero umiling ako.

"Mamaya na lang, kuya. Busog pa ako," sabi ko sa kaniya.

"Okay," aniya at tumingala na lang din habang nginunguya ang hawak niyang barbecue.

"Nakakamiss 'to. Buti na lang talaga at nakauwi ako at makakasama ko kayo sa pagpasok ng bagong taon," sabi ni kuya. Abot-tainga pa ang ngiti niya kaya masasabi talagang masaya siya.

Mas lalong umingay ang paligid. Medyo mausok dahil sa mga paputok pero kitang-kita pa rin ang makukulay na fireworks.

10 minutes

Sa bawat minuto, mas lumalakas ang mga paputok. Mas dumadami ang tao sa labas ng mga kaniya-kaniyang bahay, at mas nagliliwanag ang paligid at ang kalangitan.

10 seconds

Sa bawat segundong nababalot ang paligid ng ingay at kasiyahan, hindi namin namamalayan, may iba pa palang nangyayari sa mga oras na 'to.

"Happy New Year!"

Niyakap kami nila mommy at daddy at binati ang isa't-isa. Maging ang mga taong nasa paligid namin ay ganoon ang ginawa, bati dito, bati doon.

Sa kabila ng masasayang batian, hindi namin alam, may ilang tao na pala ang umiiyak, sumisigaw, at nagmamakaawa ng mga oras na 'yon.

"Ilang oras pa lang ang lumilipas matapos ng maingay na selebrasyon ng pagpasok ng bagong taon, ngunit masamang balita agad ang bumalot sa buong Greenville."

Nakaupo ako sa sofa habang diretsong nakatutok ang aking atensyon sa TV kung saan ipinapakita ang mga katawan na duguan at walang malay.

"Limang bangkay ang natagpuan ngayon lang sa iba't-ibang parte ng Greenville. Duguan ang mga ito at ayon sa mga pulis ay ilang oras ng walang buhay ang mga ito. Sinasabing kasabay ng selebrasyon ay maaaring naganap ang mga pagpatay na ito."

Bagong taon, ngunit karumal-dumal na balita ang gumising sa mga tao dito sa Greenville.

Bagong taon at marami na naman nabiktima ang killer. At alam kong hindi pa siya rito nagtatapos...malamang ay madadagdagan pa ito.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status