Share

XXIII. Macey Johnson

Demi's POV

Sabay-sabay na nag-alisan sina Macey, Jayson, at Sofia kaya kaming dalawa na lang ni Brix ang naiwan dito sa poolside.

"Ang bilis ng araw 'no? Ilang araw na lang, papasok na naman ang bagong taon," sabi ni Brix. Tumango ako bilang pag sang-ayon sa sinabi niya.

"Oo, ang bilis nga. Sobrang bilis at ang daming nangyari. Sa mga nakalipas na linggo, sunod-sunod ang namatay---" May sasabihin pa sana ako pinutol ni Brix ang pagsasalita ko.

"Shh...Demi. Kahit pasko 'yan pa rin iniisip mo?"

Huminga ako nang malalim at tumingin sa kaniya. "Sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan."

Simula nang mangyari 'yong homecoming, pare-parehas na lang ang naiisip ko – 'yong mga patayan at pati na rin ang pakikipag-usap sa 'kin n'ong killer.

"Bakit hindi na lang natin pag-usapan 'yong sa 'tin? You know, I'm excited to enter the new year lalo na't kasama kita," aniya.

Natawa naman ako. "Lagi naman tayong magkasama, simula pa noong mga bata pa tayo," sabi ko sa kaniya.

"Pero iba na ngayon. Hindi lang tayo basta magkaibigan na lang."

Magsasalita pa sana ako pero bigla naming narinig ang boses ni Ate Bianca. Nilingon namin siya at kasama niya rin pala sina Kuya Derrick at Sander.

May dala-dala silang mga pagkain at nilapag nila iyon sa table na nasa harapan namin.

"Oh, nasaan 'yong iba?" tanong ni Ate Bianca, naupo siya sa tabi ni Brix. Si Kuya Derrick naman ay nasa tabi niya kaya naman nakaramdam ulit ako ng ilang nang sa tabi ko na lang may natitirang pwesto, at doon naupo si Sander.

Ramdam ko ang tingin ni Brix sa akin pati na rin sa katabi ko. Napapagitnaan na naman nila akong dalawa.

"Ah, nasa loob sina Jayson at Sofia, kumuha ng pagkain. Si Macey naman kinuha 'yong mga pang regalo doon sa sasakyan nila," sagot ko sa tanong ni Ate Bianca.

Kumunot ang noo ni Ate Bianca. "Kagagaling lang namin sa kusina, wala naman doon sina Jayson at Macey," sabi niya.

Wala? Eh, kapapasok lang din nila ah.

"Let's drink," sabi ni Kuya Derrick at inabutan ng beer sina Brix at Sander.

Kukuha rin sana si Ate Bianca pero mahinang tinapik ni Kuya Derrick ang kamay nito.

Ate Bianca pouted. "Bakit?"

"Hindi ka naman sanay uminom," sabi ni kuya.

Napanganga si Ate Bianca at biglang tumawa. "Before. Pero ngayon, sanay na ako. Hard pa nga iniinom ko minsan."

Nanlaki ang mata ni kuya at tumingin kay Brix. "Ikaw, hindi mo manlang pinagbawalan ang ate mo?"

Patuloy lang sila sa pag-uusap. Dahil hindi rin naman ako sanay na makipagsabayan sa mga pag-uusap na ganiyan, hinayaan ko na lang sila at nakinig na lamang sa kanila.

"Demi." Nagulat ako nang biglang magsalita si Sander na nasa tabi ko, gaya ko ay kanina pa rin siya tahimik. Nakikinig lang din siya sa usapan at pinagmamasdan ang galaw ng bawat isa.

"Bakit, Kuya Sander?" Tanong ko. Nilagyan ko talaga ng kuya para iparamdam sa kaniya na gan'on lang ang tingin ko sa kaniya.

May kinuha siya mula sa bulsa niya – isang maliit na box. Nilapag niya 'yon sa table, sa mismong harapan ko. "Merry Christmas, Demi."

Napalunok ako at pilit na lang na ngumiti. "Thank you. Merry Christmas din."

Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o ano. Wala naman akong regalo sa kaniya. Bigla siyang tumayo kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Pasok lang ako saglit sa loob," paalam niya sa amin at naglakad na palayo sa amin.

Tumingin ako kay Brix na nakatingin ngayon sa box na nasa harapan ko. Inilipat niya naman ang tingin sa 'kin at tumango na para bang sinasabi na pwede kong buksan ang regalo ni Sander.

Binuksan ko na lang iyon at tumambad sa akin ang isang puting rastaclat. Hinawakan ko iyon, unti-unti ay nanumbalik ang ilang alaala.

Sander used to give us rastaclats before. Bata pa lang kami ay mahilig na siya doon, sa tuwing bumibili siya ay mayroon din para sa amin.

"Ang tagal naman nila," sabi ni Ate Bianca sabay kain ng chips na dala nila kanina.

Oo nga, parang 30 minutes na silang wala.

"Brix, puntahan kaya muna natin si Macey. Baka maraming dala 'yon," sabi ko sa katabi ko.

"Sige, tara," aniya at tumayo. Iniwan muna namin sina Ate Bianca at Kuya Derrick doon.

Bago makarating sa garahe ay madadaanan namin ang garden nila Sofia. Habang papalapit ay kumunot ang noo ko nang may marinig na parang nagsisigawan.

"Parang boses 'yon ni Macey," sabi ko.

"Oo nga 'no," pag sang-ayon ni Brix kaya naman nagmadali kaming maglakad patungo doon.

Nanlaki ang mata ko nang makita sina Macey, Jayson, at Sofia. Umiiyak si Sofia habang kaharap ang nagpupuyos sa galit na si Macey. Habang si Jayson naman ay nasa tabi at napapasabunot na lang sa buhok.

"Walang hiya kayong dalawa! Mga manloloko! Tangina, Sofia! Ano bait-baitan ka lang? Ayan ba ang tunay mong ugali? O baka naman may mas lalala pa d'yan!" Napabuka ang bibig ko nang marinig 'yon.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Brix.

Humarap sa amin si Macey, hinila niya ang buhok ni Sofia at iniharap sa amin.

"Macey, anong ginagawa mo?" gulat na tanong ko sa kaniya. Ano bang nangyari dito?

"Itong mabait na kaibigan natin ay nilalandi lang naman ang boyfriend ko. Itong mukhang 'to na akala mo anghel, ahas pala! Ang galing magpanggap!" Nanggigigil si Macey habang sinasabi 'yon.

Litong-lito akong tumingin kay Sofia at kay Jayson. May relasyon sila? Kung iisipin, napakaimposibleng mangyari lalo na't si Sofia pa ang pinag-uusapan dito – si Sofia na halos 'di makabasag pinggan. Pero base sa mga reaksyon nila, mukhang totoo.

Agad kaming lumapit kina Macey nang sabunutan niya pa lalo si Sofia. Pilit naming hiniwalay si Macey sa kaniya.

Biglang nahagip ng paningin ko si Sander, hindi kalayuan sa amin. Tinignan ko siya at sinenyasan na tulungan kami ngunit wala manlang karea-reaksyon na mababakas sa mukha niya. Imbis na tulungan kami sa pag-awat ay naglakad na siya paalis.

Anong problema niya? Kapatid niya ang damay dito pero wala siyang ginawa. Ang masaklap ay dito pa talaga 'to nangyari sa bahay nila. Sa bahay mismo ng mayor.

Nagulat ako nang may biglang dinampot si Macey. Isang pamilyar na bagay. Isang parahibang kahon, mula roon ay may kinuha siyang maliit na kutsilyo.

Bakit mayroon din siya n'on?!

"Babe, no!" takot na takot na sabi ni Jayson, sinubukan niyang hawakan si Macey pero napaatras din ng tutukan siya ng kutsilyo nito.

"M-macey, ibaba mo 'yan please," nanginginig ang boses ko. Maging ako ay natatakot sa maaaring magawa ni Macey.

"What the hell is happening here?!" umalingawngaw ang boses ni Kuya Derrick. "Bianca, pakitawag sila," utos niya kaya naman nagmadaling umalis si Ate Bianca.

Sinubukan lumapit ni kuya pero tinutukan lang din siya ni Macey ng kutsilyo.

"I wanna thank whoever gave this knife to me," sabi niya, umiiyak pa rin at tinutok ang kutsilyo kay Macey. "This bitch is a sinner. She deserves to die. And I can be a killer tonight...because of you. Because of you, Sofia!" sigaw niya. Rinig na rinig ko ang paghikbi ni Sofia.

Nakahinga ako nang malalim nang dumating ang parents namin. Dali-daling lumapit si Tito Aries kay Macey at niyakap ito.

"Anak, stop this. You don't have to do this, okay?" Parang biglang nanghina si Macey, nabitawan niya ang kutsilyo at umiyak na lang nang umiyak sa braso ng tatay niya.

Kusa na lang tumulo ang luha ko habang pinapanood si Macey. Ibang-iba ang nakita naming Macey ngayon. Napatingin din ako kay Jayson na halatang problemado at kay Sofia na yakap-yakap na rin ni Mayor Javier.

I never imagined that this would happen to us.

---

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status