Share

XXII. Sofia Javier

Macey's POV

December 25, 6PM

I was applying my red lipstick when my brother knocked on my door.

"Just a minute!" sigaw ko.

"Ate, kanina mo pa sinasabi 'yan. Dad is waiting downstairs," aniya gamit ang iritadong boses.

Alam kong inis na inis na siya sa 'kin dahil kanina pa siya pabalik-balik dito sa kwarto ko. Pero this time, tapos na talaga ako mag-ayos.

For the last time, I looked at my mirror to see my whole outfit. I'm wearing a red plaid tweed dress together with a black high heeled boots. Kinuha ko na ang pouch ko sa side table ko at lumabas ng kwarto.

Pagkababa ko ay nag-aantay na si daddy sa sala. Ang kapatid ko namang si Arkin ay nakapangalumbaba habang nakasimangot.

"Sorry, bro," I smiled at him and made a peace sign.

"Psh! Stop it, ate," aniya at naglakad na palabas ng bahay. What's wrong with him? I'm just trying to kiss his cheek.

Narinig ko ang tawa ni daddy kaya napalingon ako sa kaniya. "Don't mind him. Nagbibinata na kasi 'yon."

Ngumiti na lang din ako. "I know, dad. He's 15 years old but he's still a baby brother to me."

We're now on the way to Javier residence. Mayor Javier invited us for a Christmas dinner. Kasama rin ang pamilya nila Demi, Brix, at Jayson.

Speaking of Jayson, nag text ako sa kaniya na papunta na kami kila Sofia. I didn't receive a reply from him. Maybe he's driving right now.

Hinanap ko na lang sa contacts ko ang number ng isa pang importanteng tao para sa 'kin. Pinindot ko agad ng mahanap ko 'yon.

It was my mother's old number. Binasa ko ang mga texts at halos lahat ay galing sa 'kin. Puro "Happy Birthday" at "Merry Christmas" ang nandoon. My mom passed away three years ago because of a car accident. Pero kahit alam kong wala naman akong makukuhang reply sa kaniya, nag te-text pa rin ako sa kaniya.

"Merry Christmas, mom. I love you!" After typing those words, I immediately sent it to her number.

***

"Babe! Merry Christmas!" Jayson wrapped his arms around me. Pagkadating namin dito sa bahay nila Sofia, siya agad ang sumalubong sa 'kin.

Ginantihan ko ang yakap niya at bumati rin, "Merry Christmas, babe!"

Humiwalay ako sa yakap at inaya na siyang pumasok sa loob. Pagkapasok namin ay nakita na namin si Demi at Sofia na magkausap. Sabay silang napalingon sa 'min kaya agad kaming lumapit sa kanila.

"Merry Christmas, girls!" I greeted them with a big smile.

"Merry Christmas, Macey!" bati ni Demi sa 'kin.

Napaatras ako nang biglang sunggaban ng yakap ni Sofia si Jayson. Akala ko ako ang yayakapin niya.

"Merry Christmas, Jayson!" bati ni Sofia sa boyfriend ko habang nakayakap. Abot tainga pa ang ngiti niya kaya napangiti na lang din ako. It's good to see Sofia smiling like that again.

Ako naman ang sunod niyang niyakao at binati. Ilang saglit lang ay dumating naman si Brix kasama ang parents niya at si Ate Bianca. Dahil kumpleto na kami dito, nag-aya na ang parents namin na simulan ang dinner.

Dalawa ang dining are dito sa bahay nila Sofia, ang isa ay may long table kung saan kami naka pwesto ngayon. Ang isa naman ay sakto lang ang laki para sa pamilya nila.

Puro kwentuhan ang nangyari sa buong dinner. Pinangunahan ito ng parents namin kaya hindi na rin kami masyadong sumingit dahil time naman nila ito para mag enjoy at kalimutan pansamantala ang mga trabaho nila.

"Naaalala niyo pa ba noong ilang beses na basted ni Agnes si Martin?" natatawang tanong ni Tito Julius, ang tatay ni Brix.

"Oo naman! Sa 'kin pa nagpapatulong 'yang si Martin, eh," sagot naman ni daddy.

"Buti na lang ay hindi ako nagaya kay daddy," bulong ni Jayson sa 'kin.

"Gusto mong maranasan? Pwede naman kitang hiwalayan ngayon tapos manligaw ka---"

"No!" putol niya sa sinasabi ko. "Wag namang ganyan, babe."

Natawa ako. "I'm just kidding. You know naman na hindi ko kayang gawin 'yon," sabi ko sa kaniya.

"I won't do that either," sambit niya.

***

Nandito kami sa poolside habang ang parents namin ay naiwan sa loob. Dito namin napiling tumambay dahil malamig ang simoy ng hangin at magandang pagmasdan ang paligid.

"Guys, I wanna say thank you again. This may not be the happiest Christmas for me, but I'm still happy that you are all here," sabi ni Macey. Bigla akong napayakap sa kaniya.

"We also want to thank you, Sofia. Thank you dahil hindi ka nagpalamon sa lungkot. Thank you dahil hinayaan mo kaming tulungan ka," sabi ko sa kaniya. Ilang saglit lang ay naramdaman na namin ang pagyakap nila Demi.

"I love you, guys." Sofia is such a sweet person. She is the sweetest person that I know. Siya 'yong tipo na hindi makabasag pinggan. At sa aming lahat, siya rin ang pinaka iniingatan namin.

"Okay, enough with this drama," sabi ko at pinunasan ang luha ko. "Magbigayan na tayo ng regalo."

"Ayon! This is my favorite part. Maayos sana ang regalo niyo sa 'kin dahil matino ang regalo ko sa inyo. Ayokong makatanggap ng mug or frame," sabi ni Jayson.

"Sayo pa talaga nanggaling 'yan. Buhay na buhay pa nga 'yong mug na binigay mi sa 'min 2 years ago," pang-aasar sa kaniya ni Brix.

"Ginamit 'yon ni Kuya Derrick at halos masuka daw siya habang umiinom doon," pang-aasar din ni Demi.

Dinuro ni Jayson ang dalawa. "Kayong mag jowa, tigilan niyo ako!"

Natawa na lang kami. Ang binigay ba naman niya kasing mug sa 'min ay mukha niya kaya tuwing gagamitin 'yong mug, siya ang nakikita namin.

"Ay, wait!" sigaw ko.

"Bakit?" tanong ni Sofia.

"Nasa sasakyan pa pala 'yong gifts ko para sa inyo," sabi ko sa kanila. Hindi ko pala naibaba ang mga 'yon kanina.

"Samahan na kita," sabi ni Jayson.

"Kaya ko na ang mga 'yon," sabi ko sa kaniya.

"Jayson, patulong nalang kumuha ng pagkain sa loob." Tumingin ako kay Sofia na nakahawak sa braso ni Jayson.

Napalunok na lang ako. "Tama, samahan mo na lang si Sofia."

Naglakad na ako palayo sa kanila at dire-diretsong nagtungo sa garahe nila Sofia kung saan naka park ang sasakyan namin.

Binuksan ko iyon at kinuha ang mga regalo.

I creased my forehead when I saw small rectangular box. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong biniling regalo na ganito.

Kinuha ko iyon at saka ko lang nakita ang maliit na papel na nakadikit sa likod ng box.

In a place where everything is a lie,

Sinners must die.

All you have to do is to stab and kill that sinner.

But, be careful,

It's either you're the one who will kill or you're the one who will be killed.

"What is this? Bakit ganito ang message?" tanong ko sa sarili ko. Dahan-dahan kong binuksan ang box ngunit nabitawan ko rin 'yon ng makita ang laman.

Kanino galing 'yon? Bakit kutsilyo ang laman?

Tumingin-tingin ako sa paligid. Wala namang tao. Hindi ko napansin ang box kanina pero imposible naman na isa sa mga tao dito ang naglagay n'on.

Dinampot ko na lang ulit ang box pati na rin 'yong letter. Pagkakuha ko ng mga regalo ay nagmadali akong isara ang sasakyan.

Sa totoo lang ay kinikilabutan ako. Wala akong maisip kung sino ang posibleng nagbigay ng kutsilyo na 'to. Kung prank man 'to, pwes hindi nakakatuwa.

Natigil ako sa paglalakad nang mapadaan ako sa garden. Parang may naririnig akong nag-uusap at pamilyar ang boses.

"Sofia, sa tingin ko may nakakaalam ng sikreto natin. I received a box last night. Kutsilyo ang laman n'on at may letter na kasama."

I know that voice! At sure akong si Sofia ang kausap niya.

"What?! Kutsilyo talaga? At ano naman ang nakasulat d'on sa letter?"

Hindi ko alam kung bakit biglang nag pantig ang tainga ko sa boses ni Sofia. Malayong-malayo iyon sa mahinhin niyang boses.

"It says that sinners must die. And using the knife, I must stab the sinner. Pwedeng ang tinutukoy niya roon ay ako, tayo, o kung sino man ang kilala ko na makasalanan."

Napatingin tuloy ako sa hawak kong box. Ibig sabihin ay hindi lang ako ang nakatanggap nito.

"So, gusto mo ng itigil 'to?" Boses ulit ni Sofia ang narinig ko.

"Yes, hindi ko na rin kayang lokohin si Macey. You know how much I love her."

Nang marinig ko 'yon ay tuluyan na akong lumabas sa pinagtataguan ko. Nanginginig ako sa galit at parang sandali na lang ay bubuhos na ang luha ko.

Nabitawan ko ang mga regalo nang makita ko ang sunod na ginawa ni Sofia. He kissed Jayson. He fucking kissed my boyfriend!

"What the hell?!" sigaw ko na nagpahiwalay sa kanila. Agad akong lumapit sa kanila at walang pagdadalawang-isip na sinampal si Sofia.

"Babe---"

"Fuck you, Jayson! Nakakadiri kayong dalawa!" sigaw ko.

Tinignan ko silang dalawa pero napako ang tingin ko kay Sofia.

"Ang landi mo! Ang landi landi mo!" sigaw ko sa kaniya. Hindi ko alam na may tinatago palang kalandian ang babaeng 'to.

"So, kailan pa 'to? Kailan mo pa nilalandi ang boyfriend ko?" tanong ko sa kaniya. Tumingin naman ako kay Jayson. "Ikaw, kailan ka pa nagpapalandi sa babaeng 'to?"

Wala sa kanila ang sumagot sa tanong ko.

Hindi ako nakapagpigil at nasampal ko ulit si Sofia nang ilang beses. Naramdaman ko na lang ang pag awat sa 'kin ni Jayson.

"Mahal namin ang isa't-isa," seryosong sambit ni Sofia. Lalo akong nanggigil dahil sa sinabi niya.

Anong nangyari sa Sofia na kilala ko? Nasaan 'yong Sofia na mahinhin?

"Walang hiya kayong dalawa! Mga manloloko! Tangina, Sofia! Ano bait-baitan ka lang? Ayan ba ang tunay mong ugali? O baka naman may mas lalala pa d'yan!"

"Anong nangyayari dito?" Agad akong lumingon sa kararating lang na sina Demi at Brix.

Tumingin ulit ako kay Sofia. Buong lakas kong hinila ang buhok niya at iniharap kila Demi.

"Macey, anong ginagawa mo?" gulat na tanong ni Demi.

"Itong mabait na kaibigan natin ay nilalandi lang naman ang boyfriend ko. Itong mukhang 'to na akala mo anghel, ahas pala! Ang galing magpanggap!" diniinan ko pa lalo ang pag sabunot sa kaniya.

Naiyak na lamang ako nang naiyak habang inilalayo nila ako kay Sofia at Jayson.

---

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status