Share

XXI. A Gift From The Devil

December 24, 6PM

"Hello, Brix?" sagot ko sa tawag. Naglalagay ako ng mga regalo ngayon dito sa ilalim ng Christmas tree nang biglang tumawag si Brix.

"Demi, pwede ba tayo magkita mamaya? I'll just give you something," aniya. Napatingin ako sa wall clock namin at ala-sais pa lang. Madami pang oras bago mag Noche Buena.

"Sure. Anong oras?" nakangiting tanong ko.

"8PM. Ako na lang ang pupunta d'yan."

"Sige," sabi ko. Pagkatapos namin mag-usap ay hinanap ko ang regalo ko kay Brix. Kinuha ko 'yon at umakyat muna ako sa kwarto ko.

I took a half bath. Naligo na rin naman ako kanina kaso pinagpawisan na rin ako dahil sa paghahanda para sa Noche Buena.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ulit ako. It is already 7PM. Nagluluto pa rin si mommy ngayon.

Naririnig ko naman si Kuya Derrick na may kausap sa phone habang nakaupo sa sofa. Malamang ay si Ate Bianca ang kausap nito. Abot tainga pa ang ngiti, eh.

Naupo na lang din muna ako sa sofa. I logged in to my Facebook account at halos sumabog ang notif at messenger ko dahil sa mga Christmas greetings. Those were from my classmates, friends, and relatives.

Isa-isa ko silang ni-replyan hanggang sa may nag pop ulit sa messenger ko. It was a message from Brix.

Brix:

Can I call you?

Napangiti na lang ako. Para namang hindi kami magkikita mamaya. Pati nga bukas ay magkikita kami para mag celebrate ng pasko kasama ang mga pamilya namin. Ang alam ko ay sa bahay nila Sofia gagawin ang party dahil si Mayor Javier ang nag-aya.

You:

Magkikita naman tayo mamaya.

Nag scroll ulit ako sa Facebook habang inaantay ang reply niya.

Brix:

Okay. I'm just excited to see you. I love you, Demi.

Mag re-reply na sana ako kaso biglang nag ring ang cellphone ko. Napa-iling na lang ako. Ang kulit talaga.

Sinagot ko na lang ang tawag ni Brix. Tumagal din ang pag-uusap namin ng 45 minutes. Binaba niya lang ang tawag dahil pupunta na raw siya dito sa 'min.

At exactly 8PM, our doorbell rang. Si Brix na siguro 'yon. Sabay pa kaming tumayo ni Kuya Derrick kaya hinawakan ko siya sa braso.

"Kuya, ako na lalabas. Baka si Brix na 'yon," sabi ko sa kaniya.

"Huh?" kunot-noong tanong niya. "Lalabas ako hindi para pagbuksan si Brix. Pupuntahan ko si Bianca sa bahay nila," aniya at nauna ng lumabas.

Oh, okay. May usapan din pala sila ni Ate Bianca.

I followed him outside. I mentally rolled my eyes when I saw how my brother smiled at Brix and he also tapped my boyfriend's shoulders.

"Merry Christmas, bro." Psh! Napaka plastic ni kuya. Palibhasa kapatid ni Brix si Ate Bianca. At dahil nanliligaw pa lang si kuya, panigurado ay nagpapa good shot lang siya.

Umalis na si kuya kaya ako naman ang lumapit kay Brix.

"Hi. Merry Christmas!" nakangiting bati niya.

Natawa ako. "Maaga pa pero sige, Merry Christmas!"

Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti. "Pasok muna tayo sa loob. Nandoon sila mommy."

Sabay kaming pumasok sa loob at sinalubong kami ng kabababa lang na si daddy.

"Oh, nand'yan ka na pala. Merry Christmas, Brix!" bati ni daddy sa kaniya.

Ngumiti si Brix at sumaludo pa kay daddy. "Merry Christmas, tito!"

Naupo kami sa sofa at saka ko lang napansin ang isang maliit na paper bag na hawak niya.

"Ay, wait! May kukunin lang ako," paalam ko sa kaniya. Lumapit ako sa Christmas tree namin at kinuha ang isang regalo na para kay Brix.

"Woah! Bumili ka pa talaga ng regalo para sa 'kin?" gulat na tanong niya. "Sabi ko naman sayo diba best Christmas gift mo na sa 'kin 'yong pagsagot mo sa 'kin ng oo."

Tumabi ulit ako sa kaniya at tinignan ko ang hawak kong regalo. "Ayaw mo ba? Sayang naman. Alam ko paborito mo 'to." Nakasimangot akong tumingin sa kaniya.

"H-hindi naman sa gan'on---" pinutol ko na ang sasabihin niya at agad na ngumiti.

"Ayos lang. Paborito ko rin 'to, eh. Kung ayaw mo, sa 'kin na lang."

Napansin ko ang pagkunot ng noo niya. "Wait, wait. What do you mean? Paborito na 'ting dalawa? D-don't tell me..." nanlalaki ang mata niya kaya napangisi na lang ako.

Natawa ako nang kunin niya sa 'kin ang hawak kong regalo na para sa kaniya. Mabilis niyang binuksan iyon. Bakas na bakas ang gulat at saya sa mukha niya.

"Kakalabas lang nito, ah," aniya. "Kailan mo 'to binili?"

Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa album na hawak niya. Album iyon ng paborito naming banda at gaya ng sabi niya, bagong labas ang album na iyon.

"Three days ago. Ang bilis nga, eh. Ayan na lang ang natitira kaya binili ko na agad," sabi ko sa kaniya.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. "Thank you, Demi," pagkasabi niya n'on ay humiwalay siya sa yakap at tinignan ako. "Let's listen to this together."

Tumango naman ako.

Nilapag niya ang hawak na album at inabot naman ang hawak niya kanina na paper bag.

"This is my gift for you," aniya at inabot sa 'kin ang regalo niya para sa 'kin. "Open it," utos niya.

"Ang aga pala nating magbukas ng regalo," natatawang sambit ko habang binubuksan ang bigay niya sa 'kin.

Nang mabuksan ko ang paper bag, nakita ko roon ang isang maliit na box. Kinuha ko iyon at binuksan.

"Wow!" namangha ako sa ganda ng laman n'on. Isang gold bracelet na may charm na infinity.

"You like it?" tanong ni Brix. I love it!

Abot tainga ang ngiti ko nang tinignan ko si Brix. "Ang ganda. Thank you, Brix."

He slowly grabbed my wrist and he took out the gold bracelet from its small box.

Lalong lumapad ang ngiti ko nang isinuot niya na sa 'kin iyon. It really looks beautiful.

Muli akong niyakap ni Brix para sa isang mahigpit na yakap. "Thank you ulit, Demi. I love your gift but I love you the most. You're still the best gift ever for me."

Napapikit na lang ako habang dinadama ang yakap niya. "Thank you rin, Brix."

"I love you, Demi."

***

"Merry Christmas, honey!" nakangiting lumapit sa 'kin si mommy at hinalikan ako sa pisngi. Gan'on din ang ginawa ni dad.

Alas-dose na ng gabi at sumapit na nga ang araw na pinaka inaabangan ng lahat – ang Pasko.

Inakbayan ako ni kuya at ginulo pa ang buhok ko. "Merry Christmas!"

"Merry Christmas, Kuya Derrick," bati ko rin sa kaniya.

Binati namin ang isa't-isa at sabay-sabay na nag tungo sa dining area namin para pagsaluhan ang mga niluto ni mommy kanina.

We just enjoyed our foods while sharing some good and funny stories. It's been a while since this kind of scene happened. And I just love watching it. Ang sarap lang panoorin na magkakasama at masaya ang pamilya namin sa espesyal na gabing ito.

"The last gift is for Demi," sabi ni mommy habang hawak-hawak ang natitirang regalo. "It's from your Kuya Derrick," tinanggap ko ang regalo at tumingin kay kuya.

"Open it. Hirap na hirap ako sa paghahanap niyan," sabi niya kaya naman mas lalo akong na-excite buksan ang regalo niya.

My smile suddenly vanished when I saw his gift for me. Napaka galing talaga ng kuya ko. Mahal na mahal niya talaga ako.

Tinignan ko siya, ngiting-ngiti pa siya at tila nag-aantay sa sasabihin ko.

"I want to cry," ayon na lang ang nasabi ko.

"Oh! Tamang-tama magagamit mo 'yan," natatawang sabi niya habang itinuturo ang regalo niya sa 'king panyo. Oo, panyo! Limang panyo na magkakaiba ang kulay.

"Thank you, Kuya! Thank you!"

***

Busy sa pagkanta si daddy at si kuya. Samantalang kami naman ni mommy ay nandito sa kusina para kumuha ng dessert.

I was about to open our refrigerator when our doorbell rang. Sino naman kaya 'yon?

Sinilip ko sina daddy at kuya na kumakanta pa rin, animo'y walang narinig.

"Busy pa ang mag-ama, ako na lang ang lalabas," sabi ni mommy at umalis sa kusina. Ako na lang ang naghatid ng dessert sa sala namin.

Nang hindi pa nakabalik si mommy ay lumabas na rin ako.

"Mom, sino 'yong---" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mapansin na tulala si mommy sa pintuan. Siya lang mag-isa roon.

Lumapit ako sa kinatatayuan niya at doon ay mas nakita ko ang hawak niya. Isa iyong itim na box at pahaba. Sa kabilang kamay naman niya ay may card.

"Kanino galing 'yan, mom?" tanong ko ngunit wala akong nakuhang sagot.

Anong nangyari sa kaniya?

Nagulat na lang ako nang mahulog ang hawak na card ni mommy kaya agad ko 'yong dinampot.

Nang mabasa ko ang nakasulat ag bigla akong kinilabutan.

In a place where everything is a lie,

Sinners must die.

All you have to do is to stab and kill that sinner.

But, be careful,

It's either you're the one who will kill or you're the one who will be killed.

PS. I know your dirty little secret.

Inagaw ko ang box na hawak ni mommy at binuksan iyon. Tama nga ang naisip ko – isang kutsilyo.

Kutsilyo na katulad mismo n'ong binigay sa akin ng killer. Malinis naman ito kumpara sa kutsilyong natanggap ko. Ngunit, sigurado akong sa killer din galing ito dahil sa simbolong naka ukit doon sa kahon.

Sungay ng demonyo.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status