Share

XX. Leader

December 11, 9AM

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko nang maramdaman kong may nanonood sa 'kin.

Napaupo ako bigla sa kama ko at gulat na tumingin sa taong nasa harapan ko ngayon. Sapo-sapo niya ang kaniyang noo at bulong nang bulong.

"Kuya Derrick?" tanong ko. Napahimas din ako sa noo ko nang makaramdam ng sakit. Tumama lang naman ang noo namin sa isa't-isa.

Kumunot ang noo ko at tumingin ulit sa kaniya. "Bakit may suot kang mask?" tanong ko sa kaniya. He's wearing a white mask, dahilan para bigla akong mapaupo kanina. Kinabahan ako, akala ko nakapasok na rito sa kwarto ko ang killer. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang pagpapakita niya sa 'kin kagabi.

Tumayo siya kaya napa atras na lamang ako. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.

Hindi maalis ang tingin ko sa mga mata niya at pilit inaalala kung sino ang may matang katulad ng sa kaniya.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad. Nabalot kami ng katahimikan. Hindi siya nagsasalita. At hindi rin ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung sisigaw ba ako para manghingi ng tulong.

Nabasag lamang ang katahimikan nang mag ring ang cellphone ko.

"Hello, kuya?"

"Nasan ka, Demi?" tanong niya.

Magsasalita na sana ako kaso biglang tumalikod 'yong killer at naglakad palayo.

"Demi, answer me. Nasaan ka?"

Napalunok ako. "P-pauwi na ako..."

Binaba ko ang tawag at tinignan ang madilim na parte ng park na tinahak n'ong killer.

Hinubad ni kuya ang mask at naupo sa dulo ng kama ko. "Nagmamadali si dad kanina at nahulog 'to. Ibabalik ko sana sa kwarto nila kaso bigla kang pinatawag ni mom," sagot niya. Nakatutok naman ang tingin ko sa mga mata niya.

"Kuya, isuot mo nga ulit 'yong mask," utos ko sa kaniya.

"Bakit? Ayaw mo na ba sa gwapong mukha ng kuya mo?" Napa ismid ako sa tanong niya.

"Basta isuot mo na lang ulit." Sinunod naman niya ang sinabi ko. Nang suotin niya 'yon ay tinignan ko ulit ang mga mata niya.

Napa iling na lang ako. Hindi siya 'yon. Saka bakit ko naman pag-iisipan ang sarili kong kapatid ng gan'on?

"May good news nga pala ako," sabi ni kuya, tinanggal niya ang mask at ngumiti nang pagkalaki-laki. "Hindi lang ikaw ang may love life, magkakaroon na rin ako!"

"Talaga? Sino naman?" tanong ko.

"Si Bianca." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Si Ate Bianca?!" tanong ko. Tumango-tango naman siya.

"Pumayag siya na ligawan ko ulit siya." Napangiti ako. I'm happy for the both of them. Sabi na nga ba't may pag-asa pa sa kanilang dalawa.

"Nice. Pagbutihin mo ang panliligaw," sabi ko sa kaniya.

Tumayo siya at hinarap ako. "I will. Hindi ko na pakakawalan si Bianca. Sige, tumayo ka na d'yan at kanina ka pa pinapatawag ni mom. Bye, lil sis!" Ngingiti-ngiti pa siya habang palabas ng kwarto ko.

Napa iling na lang ako. Bumalik na naman ang makulit kong kuya.

***

Inaya ako ni mommy ngayon sa mall para mag grocery. Kaya heto ako ngayon at nagsusuklay ng buhok ko. Kakatapos ko lang din maligo kaya medyo basa pa ito.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Nakita ko si mommy sa sala na nag-aantay na sa 'kin.

"Let's go, honey. Ihahatid daw tayo ng kuya mo," sabi ni mommy at kinuha ang bag niya na nakapatong sa sofa. Naglakad na siya papunta sa pintuan kaya sumunod na rin ako.

"Mom, just text me if tapos na kayo mag grocery. Susunduin ko lang si Bianca," sabi ni kuya nang makarating kami sa mall.

"Sige, anak. Mag-ingat ka!" Bumaba na kami ng sasakyan at inantay lang namin na makaalis si kuya bago pumasok sa mall.

"Sino kayang unang ikakasal sa inyo ng kuya mo?" nakangiting tanong ni mommy.

"Mommy naman!" tumawa ako. "Syempre si Kuya Derrick. Gurang na 'yon, eh. Magtatapos muna ako ng college," sabi ko sa kaniya.

"Good. Kaso 'yong kuya mo nanliligaw pa lang ngayon," natatawang sabi niya kaya natawa na rin ako.

Humiwalay muna ako kay mommy para mag hanap ng pwede kong bilhin dito. Habang nag-iikot dito sa grocery ay may nakita akong pamilyar na mukha.

Naka upo siya sa may food court at nag ce-cellphone. Naglakad ako papalapit sa kaniya.

"Troy," tawag ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

Nag-angat siya ng tingin at medyo nagulat pa nang makita ako. Pero ngumiti rin naman siya agad.

"Oh, Macey's bestfriend is here. What can I do for you, Demi?" nilapag niya ang cellphone niya sa mesa at diretsong tumingin sa 'kin.

Hinila ko ang upuan na nasa tabi ko at umupo doon.

"I just want to ask you something." Tinignan ko ang braso niya. He's wearing a sleeveless shirt that's why I can see all his tattoos.

"Ano namang kapalit 'pag sinagot ko ang tanong mo?" ngumisi siya sakin.

"Uhm..." hindi ko alam ang sasabihin ko.

Tumawa naman siya. "Okay. Since, we're friends before and you're my girl's bestfriend, you can ask me anything. Kahit walang kapalit."

I mentally rolled my eyes. Pinagpipilitan niya pa rin na sa kaniya si Macey kahit hindi naman na.

"What's the meaning of your tattoo?" diretsong tanong ko sa kaniya. Tinuro ko ang braso niya.

"Alin dito?" tanong niya.

"'Yong sungay. Anong meaning niyan?"

Hinawakan niya ang tattoo niya. "Bakit naman gusto mong malaman?"

Napalunok ako.

"Nagandahan lang ako."

Psh! Demi, anong klaseng dahilan 'yan?

"If you want to have one, you can join us," aniya na ikinakunot ng noo ko.

"Us?" tanong ko.

Tumango-tango siya. "The gang..."

Nanlaki ang mata ko. Kung gan'on ang sungay na 'yon ay simbolo ng gang nila.

"I-ikaw ba ang leader nila?" tanong ko ulit.

Naningkit ang mata niya. "Are you interested to join the gang?"

Gang? Hinding-hindi ako sasali sa mga ganiyan. Pero...

"I'll think about it," nakangiting sagot ko.

"I'm just the acting leader of the gang hangga't hindi pa nagpapakita 'yong totoong leader namin."

Hindi pa nagpapakita?

What if...ang leader nila ay 'yong killer?

"Never niyo pa siyang nakita?"

Umiling si Troy.

"Hindi pa, pero malapit na."

Pinatay ko ang cellphone ko matapos pakinggan ang ni-record kong pag-uusap namin ni Troy kanina sa mall.

"Medyo tanga rin 'tong si Troy, eh. Hindi manlang siya nagtaka sa mga tanong mo," natatawang sambit ni Jayson.

Nandito ulit kami ngayon sa Belle's Cafe.

"Kung gan'on ay hindi na lang siya nag-iisa ngayon. Kung ang killer nga talaga ang leader ng gang nila Troy, mas malakas siya ngayon at mas matindi pa ang pwede niyang gawin."

Tama si Macey. Maraming hawak ngayon ang killer.

"Sasali ako sa gang nila," sabi ni Brix.

Kumunot ang noo ko at tumingin kay Brix. "No! Walang sasali sa gang nila. Delikado masyado 'yon, Brix," sabi ko sa kaniya.

"Pero makakatulong 'yon para makita natin ang killer," aniya pero umiling-iling ako.

"Makikita natin ang killer nang hindi sumasali sa gang na 'yon...baka nga nakita na natin 'yon at malapit lang sa 'tin," binulong ko na lang ang huling sinabi ko. Ayoko munang sabihin sa kanila ang pagkikita namin n'ong killer.

But one thing's for sure, malapit lang sa 'min ang killer at baka kilalang-kilala pa namin 'yon. Sigurado akong nakita ko na ang mga matang 'yon dati pa.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status