Salamat sa pagbabasa ❤️
[Letlet]PATAKBO siyang lumapit kay Birang ng makita ito. "Birang!""Letlet!" Malakas na boses ni Birang. Para silang bata na tumatalon habang magkahawak pa ang mga kamay. Narito sila ngayon sa bahay ni Vicencio. Katulad ng bahay ni Lance ay napakalaki nito. Nabanggit niya kay Lance na gusto n'yang makita si Birang, at ito nga ay pinagbigyan agad siya nito.Habang abala si Lance at Vicencio sa pag-uusap ay narito naman sila ni Birang kwarto kung saan ito tumutuloy ngayon."Letlet, lalo kang gumanda." Puri ni Birang sa kanya na ikinangiti niya. "Pero syempre mas maganda ako sa'yo." Inirapan niya ito. "Nasaan na ang listahan natin?" Nilahad niya ang palad. "Gagawin pa ba natin, o hindi na?" Halos magkandarapa si Birang na kunin ang listahan nila. Listahan ng mga bibilhin at gagawin rito sa Maynila."Syempre gagawin, no! Kaya nga tayo nandito, di'ba!" Napahawak siya sa baba habang nakadapa sa higaan na ang tawag pala ay 'kama. "Ano ang uunahin natin pagkatapos bumili ng makukulay na s
[Letlet]AGAD na inginiwi niya ang mukha ng makita si Lance na kalalabas lang ng banyo at bagong ligo."Sweetheart." Nag-aalalang lumapit agad ito sa kanya. "Ano ang masakit sa'yo? Tell me para mapa-check up agad kita kay Vicencio."Todo iling siya— eh, wala naman kasing masakit sa katawan niya. Kailangan lang niyang gawin ito para maiwan siya rito at ng makaalis sila ni Birang.Para sa panregalong salawal ay gagawin niya ang lahat!"H-Hindi na kailangan, Lance. Natural lang ito sa aming mga babae. Ganito talaga kapag dinudugo kami, masakit sa puson." Hinaplos ni Lance ang kanyang likod. Nakokonsensya tuloy siya. Tumango-tango si Lance. "Alright, I understand. Hintayin mo ako rito at kukuha lang ako ng gamot kay Vicencio." Hinalikan siya ni Lance sa noo bago umalis.Hindi nagtagal ay bumalik si Lance at may inabot sa kanya. "Here, inumin mo 'to." "Inumin? Hindi ba kakagatin?" Bilog ang bagay na inaabot ni Lance sa kanya. Paano maiinom ito?Nilagay ni Lance sa kamay niya ang gamot at
[Letlet]MADILIM ang mukha ni Lance habang nakaupo sa upuan na nasa harapan niya habang siya ay nakatayo sa harap nito. Ganito siya noon sa harap ng Lola Asun niya kapag handa ng tumanggap ng parusa kapag may mali siyang nagawa."Why did you lied to me, huh? Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa'yo?" Kagat-labi na tumango siya. "Pasensya ka na, Lance—""Pasensya? Letlet naman! Ginagawa ko ang lahat para protektahan ka sa lugar na 'to! Ayaw ko lang naman na mapahamak o masaktan ka! Mahirap bang intindihin 'yon?" Lalo lang siyang nakaramdam ng konsensya sa ginawa n'yang pagsisinungaling. "Pasensya ka na talaga, Lance. Gusto ko lang naman na bilhan ka ng breyp. W-Wala kasi akong alam na pwedeng ibigay sa'yo bukod do'n." Pigil niya ang pag-iyak. "Ang dami mo ng binigay sa akin... palaging ikaw nalang..."Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Lance. "Wala akong ibang hinihingi sa'yo, sweetheart. Ikaw at ang pag-ibig mo lang ay sapat na sa akin." Tumayo ito at lumapit sa kanya. Hinawakan ni
[Lance]"MR. KERFORD, dumating na ang siya. Narito siya ngayon sa kanyang opisina.""Alright, I'm on my way." Mabilis na tumayo siya para magbihis matapos marinig ang sinabi ng tauhan n'yang inutusan na hanapin at bantayan ang Lolo Lauro niya.It's been one week, at ngayon lamang nakita at nalaman ng isa sa informant niya ang kinaroroonan ng kanyang Lolo Lauro. Walang makuhang impormasyon tungkol sa Lolo Lauro niya kung saan ito nagpupunta o kung sino ang kasama- na nakapagtataka.Pinilig niya ang ulo. Anumang speculation ang nasa utak niya ngayon ay hindi na mahalaga. Kailangan n'yang sabihin sa Lolo niya ang tungkol sa ginawa ng kanyang Uncle Ben. Balak niya rin na ungkatin kung bakit binalik nitong i-merge ang company niya sa Mardones. At higit sa lahat ay nais n'yang ipakilala si Letlet rito. Gusto n'yang ipaalam rito ang balak n'yang pagpapakasal.Matapos n'yang ipakilala si Letlet sa Lolo niya ay saka niya pag-iisipan ang gagawin sa Uncle niya. Gusto rin niya malaman ang totoong
[Letlet]NAKAKAPAGOD. Parang bibigay ang katawan niya sa sobrang pagod at sakit ng ulo. Paano ay kumuha si Lance ng magtuturo sa kanya, o tutor kung tawagin. Bukod sa salitang 'English' ay itinuturo din sa kanya ang tungkol sa lahat ng bagay tungkol dito sa Maynila. Ayon pa kay Lance ay kapag natutunan niya ang tungkol sa mga bagay dito ay marami pang ibang ituturo sa kanya-Hindi pa nagsisimulang ituro sa kanya ang ibang bagay na 'yon pero ngayon palang ay sumasakit na ang ulo niya!'Sweetheart, ginagawa ko 'to hindi para sa akin, kundi para sa'yo. Kailangan mong matuto para sa sarili mo' Litanya ni Lance sa kanya.Mahigit isang buwan na siya rito sa Maynila. May mga bagay na siyang natutunan pero kulang na kulang parin 'yon, alam niya. Simula ng alukin siya ng kasal ni Lance ay pinakilala na rin siya sa lahat ng empleyado nito at maging sa buong mundo- sa pamamagitan ng isang video. Ayaw ni Lance na lumabas siya ng bahay at pagkaguluhan ng mga tinatawag na reporters, dahil baka map
[Letlet]PANAY ang tingin niya kay Lance. Nagtataka siya sa ikinikilos nito. Paano ay simula ng manggaling sila sa restaurant ay napansin niya ang pananahimik nito. Hindi siya nito masyadong kinakausap at tila ba malalim palagi ang iniisip nito."Lance, may problema ka ba?" Hinawakan niya ang kamay ni Lance na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Umiling si Lance, ito naman ang humawak sa kanyang kamay. "Sweetheart, babalik tayo sa Isla after 5 days para tingnan kung naroon na si Lola Asun, right?" Seryosong tumingin sa kanya si Lance. "Hindi mo ba talaga alam kung nasaan si Lola Asun rito sa Maynila?""Eh, wala naman kasing sinabi sa akin si Lola Asun kung saan siyang eksaktong naroon. Basta ang alam ko ay pinuntahan niya si Lolo Roro—" Natigilan siya.Naalala niya bigla ang bilin ni Lolo Roro sa kanya."Sweetheart?" Untag ni Lance sa kanya. "A-Ah, hehe... sorry, Lance, may naalala lang kasi ako." Aniya.Ngayon lang niya naisip na nasa kapatagan pala si Lolo Roro nakatira— at ilang beses
[Lance]KUNG gano'n ay nagkita na ang mga ito? Sabagay mabuti na rin na narito ang Lola ni Letlet dahil kailangan n'yang humingi ng tawad sa ginawa n'yang pagpapanggap."Sa tingin mo ay sapat na ang sinabi mo kay Lizeth para itanggi n'yang hindi ka niya kilala?" Boses iyon ng kanyang Uncle.His fist clenched. Pagkatapos n'yang sabihin sa kanyang abuelo ang ginawa ng Uncle niya ay tila balewala lang iyon dito? Damn! Wait... Lizeth? Bukod kay Letlet ay may sinabihan pa ang Lolo niya na itanggi na kilala ito? But why?"Masunuring bata si Lizeth, Ben. I'm pretty sure susunod siya kay Roro." May katiyakan sa boses na wika ng Lola ni Letlet."Maniwala ka, Ben, hindi masasayang ang ginawa nating plano." "Dapat lang, dad! Hindi niyo lang alam kung ilang gabi akong parang baklang umiiyak dahil sa sobrang takot at konsenya na baka malubha ang sugat na naibigay ko kay Lance." Malakas na tumawa ang Uncle Ben niya. "Pang best actor ang acting ko ng araw na 'yon. Fvck, kahit si Lance paniwalang-pa
[Letlet]"LETLET, kumain ka na. Magkakasakit ka na sa ginagawa mo." Mangiyak-ngiyak si Birang habang pinipilit siyang kumain.Nanatili siyang nakahiga ng nakatalikod rito. Dalawang linggo na siyang narito sa bahay ni Vicencio, sa kwarto kung nasaan ang kaibigan niya. Nang gabing iwan siya ni Lance ay hindi na rin ito nagpakita pa sa kanya. Nang magpahatid siya kay Vicencio sa townhouse ni Lance ay wala ito roon. Sinubukan siyang isama ng Lola Asun niya pero hindi siya sumama rito.Mahina siyang napahikbi at nagsimula na naman na rumagasa ang luha niya. Dalawang linggo na siyang umaasa na lilitaw si Lance sa kanyang harapan at aalamin ang katotohanan mula sa kanya. Umaasa siya na papakinggan nito ang paliwanag niya."L-Letlet..." Awang-awa si Birang sa kanya."W-Wala akong kasalanan." Umaalog ang balikat niya dahil sa labis na pag-iyak. "W-Wala akong kasalanan..." Yumakap sa kanya si Birang na umiiyak na rin. "A-Alam ko 'yon, Letlet. Wag kang mag-alala dahil tiyak na matatauhan si Lanc