Share

47. Divisoria

[Letlet]

AGAD na inginiwi niya ang mukha ng makita si Lance na kalalabas lang ng banyo at bagong ligo.

"Sweetheart." Nag-aalalang lumapit agad ito sa kanya. "Ano ang masakit sa'yo? Tell me para mapa-check up agad kita kay Vicencio."

Todo iling siya— eh, wala naman kasing masakit sa katawan niya. Kailangan lang niyang gawin ito para maiwan siya rito at ng makaalis sila ni Birang.

Para sa panregalong salawal ay gagawin niya ang lahat!

"H-Hindi na kailangan, Lance. Natural lang ito sa aming mga babae. Ganito talaga kapag dinudugo kami, masakit sa puson." Hinaplos ni Lance ang kanyang likod. Nakokonsensya tuloy siya.

Tumango-tango si Lance. "Alright, I understand. Hintayin mo ako rito at kukuha lang ako ng gamot kay Vicencio." Hinalikan siya ni Lance sa noo bago umalis.

Hindi nagtagal ay bumalik si Lance at may inabot sa kanya. "Here, inumin mo 'to."

"Inumin? Hindi ba kakagatin?" Bilog ang bagay na inaabot ni Lance sa kanya. Paano maiinom ito?

Nilagay ni Lance sa kamay niya ang gamot at
SEENMORE

Thank you for reading 📚

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status