"Bakit, dok,?!" puno ng kabang tanong. Biglang bumilis ang kabog ng aking dibdib dahil sa naging reaksiyon niya. Rinig na rinig ko ang pintig ng aking puso. Sobrang masama ang pakiramdam ko dahil sa takot, kaba, at hindi makapaghintay na sagot mula sa doktor. Ramdam ko rin ang kaba ng dalawang bakla. Hindi rin maipinta ang kanilang mukha habang hinihintay ang respond ng doktor sa tanong ko. "Nako, I'm sorry nadala lang ako ng emotions ko," saad naman ni dok. "I'm just overwhelmed, Hija, and congratulations you're having a twins!" Hindi ko maipaliwanag ang emosyong bumalot sa akin nang marinig ang sinabi ni dok. Halo-halo ang saya at takot sa akin saya kdahil hindi lang isa ang magiging anak ko takot dahil hindi ko alam kunng kaya ko ba silang palakihin at tustusan ang pinansiyal nilang pangangailangan nang ako lang mag-isa. "Is it lsafe to reveal the gender?" tuwang-tuwang tanong ni dok. "Oo, Dok!" sabik na sagot nina Jp at Hans. Tiningnan ako ng doktorr na para bang humihin
"Talaga po?!" hiyaw ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw na patili dahil sa sobrang saya nang marinig ang ibinalita niya. "Pasensya na po sobrang saya ko lang talaga." Ngumiti si Miss Cha sa allin. "Its fine but you can now go back to work. Your position, Thea, will start tomorrow." Nagpasalamat muna ako kay Miss Cha bago lumabas ng opisina niya. Halos mapunit na ang mukha ko sa kakangiti dahil sasobrang tuwa. Sumalubong sa akin si Rose nang makalabas ako sa opisina. "Oh, kamusta bakit sobrang saya mo yata?" Hindi ko napigilan ang sarili kong yumakap sa kaniya. "Sobrang saya ko talaga, Rose! Prnomote ako ni Madam Cha bilang manager!" Gumuhit din ang gulat sa kaniyang mukha. Bakas ang saya sa kaniya nang marinig ang aking sinabi. "Talaga? Nako, masaya naman ako para sa'yo, Frined!" "Salamat, Rose," nakangiting saad ko. Pinabalik na kami ni Miss Cha sa aming mga trabaho at alam na rin niya na hindi makakapasok si Jp ngayon. Hindi talaga ako makapaniwala na isa n
My life here in Concepcion is not easy yet not also hard. The people who adopted me here made me feel that I am a part of their family. They are always here to correct my decisions and suggests better ideas to improve my lifestyle.Naging maayos akong babae dahil sa mga turo nila sa akin sa kung papano mamuhay. Hindi madali ang buhay ko rito dahil nasanay ako noon na tuwing alam ng mga magulang ko na kailangan ko ng pera ay nariyan kaagad ngunit ngayon kailangan ko itong pagtrabahuhan. Isa pa rin sa mahirap ay ang mga pagbabago sa aking katawan dala ng pagbubuntis ko.Sa mga nagdaang mga araw at buwan naman ay naging maayos naman ako. Hindi na muling naulit ang ginawa ni Lara sa akin noong nakaraan at nagpapasalamat naman ako dahil doon. Narito ako ngayon sa kwarto ko nagpapahinga dahil bukas ay wala akong pasok kaya naman pupunta ako sa bukid at iche-cgeck ko rin ang bahay na pinapagawa ko. Magkatabi lang naman ang bahay namin nila Nanay Aida saka noong huling punta ko roon ay nakat
"M...Mom," nanginginig kong sambit. Isa-isang nagsituluan ang aking mga luha. "M...Mi, sorry." Punong puno ng pagsisisi at kahihiyan ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko na lang magising kung sana ay panaginip lang ang lahat ng ito."So you're pregnant?" walang emosyon ang boses na tanong ni Dad na kakapasok lang sa silid."Ye...Yes, Dad," nakayukong sagot ko sa kaniya.Hindi ko magawang iangat ang aking paningin dahil natatakot akong matanggap ang masasakit nilang tingin sa akin ngunit alam ko sa aking sarili na ako ang may kasalanan at wala akong ibang magagawa kung hindi tanggapin ang galit nila. "Did you hear it, Tanya? Magkaka-apo na tayo!" may galak sa boses ni daddy habang sinasabi 'yon kay mommy. "Aren't you happy? Bakit nasa mukha mo ang pagsisisi, Thea?" Napa-angat ang aking mukha at nagtataka siyang tiningnan. Maging si mommy ay nagtataka rin sa inakto ni dad. "Da..dad, hindi po kayo galit?" may nginig man sa boses ngunit nagtataka kong tanong. Kumunot ang noo
“Thea Watson’s Point of View”“Good morning, ladies and gentlemen, I would like to thank everyone who were able to attend in our special celebration. Tonight, I am pleased to announce that my one and only daughter, Thea Watson and my friend’s son, Ace Fruxico are officially engaged,” Nakangiting saad ni daddy.Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kaniyang mga sinabi. Pakiramdam ko ay biglang nagsibagsakan ang lahat ng aking mga pangarap. I confusedly look at him with a question written on my face, asking about what is happening, but he just raises his hands, telling me to join him on stage. Without thinking, I followed his order, and to my surprise, Ace also went to join us on stage. “Dad, ano ba ito?” naiinis kong tanong. Nginitian lamang ako ni daddy at tumingin sa mga bisita, hindi pinansin ang aking tanong. “This is my daughter, Thea Watson and her fiancée, Ace Fruxico.”The guests applauded as a sign of their joy and suppor
"Thea Watson's Point of View"Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang maalala ang mga nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko nga 'yon.Sa loob ng labing pitong taon, ngayon ay wala na talaga ang aking pagkabirhen. Ang lalaking mahal ko pa ang nakakuha. Hindi ko alam ngunit wala man lang akong naramdaman na kahit anong pagsisisi.Napatingin ako sa lalaking mahimbing na natutulog sa aking tabi. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. Hinawakan ko ang buhok nito at hinimas-himas."Ice, good morning. Alam mo ba, ito na yata ang pinaka-masayang araw ko. Ang pinangarap ko noong gumising at ikaw ang una kong makikita ay natupad na ngunit, may kulang pa rin dahil ang pinangarap ko ay mag-asawa na tayo pero hindi ito natupad bilang mag-asawa tayo kung hindi ay gabing para sa iyo'y simple lamang. Ngayon, alam kong maaaring hindi mo na 'to matandaan dahil ginawa mo lang 'yon dala ng kalasingan." nakangiti ngunit tumutulo ang mga luha kong saad. “Hinding hindi ko pagsisisihan ang
“Thea Watson’s Point of View”Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ang mga sinabi ni Daddy. Pakiramdam ko ay natapos na ang masasayang pangyayari sa buhay ko. "WHAT?" hindi makapaniwalang singhal ko. "Dad, hindi mo pwedeng gawin 'yon!"Kumunot ang noo nitong tumingin sa akin. "At bakit naman hindi, Thea? Ikaw at si Ace ay nagkakamabutihan na. Baka mamaya nga magulat na lang kami na kayo na mismo, ikaw ang lumapit at pumilit sa amin na ipakasal ka kay Ace."Napailing ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang lumabas ang lahat ng ito mula sa bibig ni Daddy. Hindi man lang niya inalam ang totoo. Basta-basta na lang itong nanghuhusga sa mga nakikita niya kahit pa hindi alam ang tunay na nangyari. Hindi maaaring basta na lang muling magdi-desisyon si Dad sa buhay ko.Pakiramdam ko ay wala na akong karapatang magdesisyon sa sarili kong buhay. Para akong robot na kinokontrol ng mga magulang. Iyon bang wala na akong Kalayaan, hindi ko na pwedeng sabihin ang mga gusto ko dahil hin
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa doktor. Sobrang bilis at lakas ng tibok ng aking puso. Naghahalo ang takot, kaba, at gulat sa aking pakiramdam. "P...Pardon?" nauutal na tanong ni mommy. Halos hindi ko mabasa ang emosyong bumabalot sa boses niya. Alam kong galit at gulat siya dahil sa mga nalaman ngunit alam ko rin na mas binabalot siya ng gulat sapagkat kitang-kita ito sa kaniyang mukha.Tahimik lang ang buong sulok ng silid ng hospital na kinaroroonan namin ngayon. Lahat ng narito ay gulat dahil sa mga nalaman at kitang-kita iyon sa mukha ng bawat isang narito. "You heared me right, Mrs. Watson, Your daugther daugther Thea Watson is four weeks pregnant," saad ulit ng doktor. "Huwag ninyong hahayaang ma-stres ang pasyente dahil makakasama ito sa kaniya at sa batang dinadala niya. Para naman sa vitamins sa morning sickness niya, narito ang resita ng gamot na kailangan niya. Pwede na rin po kayong lumabas ng hospital."Napakurap na lang ako ng dalawang beses, gulat p