Share

Chapter 3

“Thea Watson’s Point of View”

Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ang mga sinabi ni Daddy. Pakiramdam ko ay natapos na ang masasayang pangyayari sa buhay ko.

"WHAT?" hindi makapaniwalang singhal ko. "Dad, hindi mo pwedeng gawin 'yon!"

Kumunot ang noo nitong tumingin sa akin. "At bakit naman hindi, Thea? Ikaw at si Ace ay nagkakamabutihan na. Baka mamaya nga magulat na lang kami na kayo na mismo, ikaw ang lumapit at pumilit sa amin na ipakasal ka kay Ace."

Napailing ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang lumabas ang lahat ng ito mula sa bibig ni Daddy. Hindi man lang niya inalam ang totoo. Basta-basta na lang itong nanghuhusga sa mga nakikita niya kahit pa hindi alam ang tunay na nangyari. Hindi maaaring basta na lang muling magdi-desisyon si Dad sa buhay ko.

Pakiramdam ko ay wala na akong karapatang magdesisyon sa sarili kong buhay. Para akong robot na kinokontrol ng mga magulang. Iyon bang wala na akong Kalayaan, hindi ko na pwedeng sabihin ang mga gusto ko dahil hindi lang din naman nila papakinggan.

"Dad, hindi mo naman alam ang buong katotohanan, eh!" umiiyak na singhal kong muli. "Ni-hindi mo nga ako tinanong kung ano ang ibig sabihin ng kung bakit kami nandoon!"

"Whatever your reasons are, my decision is final, Thea," matigas na sabi ni Daddy at tinalikuran ako.

Bumuntong hininga si Mommy. Lumapit ito sa akin at hinagod ang aking likuran bago tumalikod para sundan si Dad.

Napaupo na lang ako sa sofa na nanghihina. Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko na kanina pa namumuo. Naramdaman ko na lang na may kamay nang humahagod sa aking likuran.

"Hindi namin alam na ito pala ang dahilan kung bakit nagawa mo ang mga bagay na 'yon," may halo ng kalungkutan ang boses na saad ni Zee.

"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa amin, Thea? Narito naman kami para damayan ka at sana, hindi na dumating pa sa puntong kinailangan mong isuko ang pagkababae mo kay Ice," mahinang suhestiyon ni naman ni Jai.

Dahil sa sobrang gaan ng pakiramdam, mas lalong tumulo ang mga luha ko. Ang sarap sa pakiramdam na may taong nariyan para sa’yo. May mga taong handing makirig at dumamay sa problema mo.

"Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko," humihikbing saad ko. Pilit kong pinunasan ang mga luhang hindi matigil na pagtulo. "Sobrang hirap pakiusapan ang aking mga magulang na ibigay na lang ang aking kalayaan. Hindi na nila iniintindi ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay wala na silang ibang iniisip pa kung hindi ang pera na makukuha nila."

Niyakap nila ako at pinatahan. May mga kung anu-ano silang sinabi sa akin para pagaanin ang aking pakiramdam. Marami pa silang tinanong sa akin na hindi ko naman ikinahiyang sagutin.

I am very thankful to them because they were there by my side when I was so overwhelmed with my problem. I thank my friends very much. They decided to go home when it got dark. I even invited them to eat dinner but they refused.

Nang makauwi na ang mga kaibigan ko ay napagdesisyonan kong magkulong sa aking kwarto. Ayokong makita o makasama man lang ang aking mga magulang ngayon dahil sa tampo, sakit, at galit na nararamdaman ko sa kanila.

Nakatingala ako sa kisame habang iniisip ang mga pangyayari. Kung paano nagulo ang buhay ko dahil sa isang lintek na arrange marriage ko kay Ace.

Ace...

Bigla akong nabuhayan ng loob nang maalalang maaari pala akong lumapit kay Ace at makiusap na sabihin niya kay Daddy ang totoong nangyari sa amin. At kumbinsihin niya ito na bawiin ang mga naging desisyon niya.

Kaagad kong kinuha ang aking telepono upang tawagan si Ace at sabihin ang aking plano. Mabuti na lang at naibigay ni Kuya ang numero niya sa akin.

Hindi naman ako binigo ng aking kapatid nang ibinigay nito ang nais ko. Tinawagan ko kaagad si Ace.

"Hello, Ace Friuxico's speaking. Who's this?" seryoso ang boses na tanong nito mula sa kabilang linya.

"Uhm, Ace. A…Ano, si T-Thea 'to," utal kong saad.

"Oh!" gulat niyang sambit. "Bakit ka napatawag, Thea?"

Suddenly, my chest beat fast. I was suddenly enveloped in nervousness because of his voice. I bit my lip first before telling him what Dad told me.

"Woah! Sinabi niya 'yon?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Hm. Kung pwede sana ay pakiusapan mo siyang hayaan na lang ako at bawiin ang sinabi niya. At sana ay sabihin mo sa kaniya ang totoong nangyari," punong puno ng pagasa kong pakiusap.

"Sige. I-te-text na lang kita sa magiging sagot niya."

Nagpasalamat at nagpaalam na ako kay Ace. Ang saya ko dahil sa  mga sinabi niya. Parang nagkaroon ulit ako ng pagasa.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko, tanda na may nag-text. Masayang-masaya naman akong binuksan ito paramakita ang mensahe na nais kong makita.

Ang saya na aking naramdaman ay biglang nawala na parang bula nang makita ang mensahe. Nanlumo ako dahil iba ito sa inaasahan ko.

Ace:

Thea, I'm sorry I did my best. Hindi talaga ako pinaniwalaan ng Dad mo. Sorry.

I lost hope because of what I read. Tears formed in my eyes again. I can't think of any other way out of the hell I'm facing right now.

Nang gabing 'yon hindi na ako lumabas pa sa kwarto ko. Kahit pa na kumain ay hindi ko na magawa kung hindi pa ako dinadalhan ng katulong. Lalabas lang ako kapag binibisita ako nina Zee at Jai pero para lamang sunduin sila. pagkatapos ay babalik din ulit kami sa kwarto.

Hindi ko na rin inimik pa o tinitingnan man lang ang aking mga magulang. Sobrang galit ang nararamdaman ko sa kanila, pinipilit talaga nila akong gumawa ng dahilan upang mawalan ako ng amor sa kanila.

One unexpected day, my mom entered my room to ask me a question. I just nod and shake my head.

"Anak, kausapin mo naman si Mama." May pagmamakaawa sa tinig ng aking Ina.

Hindi ko siya pinapansin. Nanonood lang ako ng tv na para bang hindi ko siya narinig.

"Thea, nagiging bastos ka na!" singhal ni Mommy nang siguro ay mapuno na sa hindi ko pagpansin sa kaniya.

Sarkastikong nakakunot ang noo kong tumingin sa kaniya. "Bakit, Ma? Nirespeto niyo ba ang kalayaan ko bilang anak niyo?"

Napayuko ito't natahimik. Napangisi na lang ako nang lumabas ito sa aking kwarto. Ang hirap sa kanila ay parang kasalanan ko pa kung bakit hindi ko sila pinapansin gayong sila rin ang nagtutulak sa akin na mawalan ng respeto sa kanila.

Yumuko na lang siya at natahimik. Napangisi na lang ako nang lumabas siya sa kwarto ko. Nakakatawa kasi parang kasalanan ko pa na hindi ko sila pinapansin kahit na sila lang din naman ang gumawa ng rason para maging ganito ang pagtrato ko at mawalan ako ng respeto sa kanila.

Isang buwan na ang nakalipas simula noong hindi na ako lumabas sa aking silid at hindi kinausap pa ang aking mga magulang. Kung minsan ay piumapasok sila sa kwarto ko sila at sinusubukang kausapin ako ngunit pagtango at pagsarkastiko lang ang sagot ko sa kanila na nauuwi rin naman kaagad sa away at sumbatan.

I ran straight to the bathroom when I felt like my stomach was turning upside down. It's like digging in my stomach and letting out the food I ate last night. I also felt very nauseous when I washed my mouth in the sink.

Nanghihinang bumalik ako sa aking kama. Humiga ako kaagad dahil hindi ko na kaya ang jilong nararamdaman.

Bumukas ang pintuan ng aking kwarto pero hindi ko na iyon nilingon dahil sa sobrang hilong nararamdaman. Parang umiikot ang aking mundo dahil sa hilo. Sa hindi malamang dahilan ay muli na naman akong tumakbo sa banyo upang sumuka.

Narinig ko ang sigaw ni Manang Esther. "Thea!" Naramdaman ko na lang ang paghagud nito sa aking likuran. "Ano ba ang nangyayari sa 'yong bata ka? Ito marahil ang resulta ng minsang hindi ka kumakain at lumalabas dito sa silid mo," pangaral ni Manang Esther.

Mangiyak-ngiyak kong inayos ang aking sarili. Inalalayan ako ni Manang pabalik sa aking kama at maayos akong pinahiga roon. Muli kong ipinikit ang aking mga mata nang makaramdam ng pagkahilo.

"Manang, pwede po ba akong abotan ng tubig?" mahinang pakiusap ko.

"Ay, saglit kukuhanan kita sa labas," natatarantang saad nito at mabilis na lumabas.

Hindi na ako sumagot pa. Sobrang sama ng aking pakiramdam. Tuwing nagmumulat ang aking mga mata ay parang umiikot ang mundo ko tapos sumasabay pa ang pagsusuka. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito.

Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan.

"Thea?" humahangos na sigaw ni Mommy. Napataas naman ang kilay ko. "Are you okay? What happened to you, anak?"

"Don't worry," malamig kong sagot. "I'm fine. Nahihilo lang ako't nasusuka."

Malalim na bumuntong hininga ito. "God! I'll call our family doctor para ma-check ka at malaman natin ang dahilan ng pagsusuka mo."

Hindi na ako tumanggi dahil alam kong kailangan ko na talaga ang isang doctor. Hindi ko na maipaliwanag ang hilong nararmdaman ko. Halos hindi na rin ako makatulog dahil tuwing gagalaw ako ay nasusuka kaagad ako.

"Hija, anong nararamdaman mo?" tanong ni Doc nang makarating na ito.

"Nahihilo po ako, Doc. Nagsusuka rin ako," sagot ko.

Nanatili akong nakapikit at hinihintay ang sasabihin niya.

"Okay naman ba ang pagkain mo?"

Tumango lamang ako sa tanong niya. May kung anu-ano pa siyang tinanong sa akin. Lahat naman no'n ay sinagot ko nang wala pakealam basta't masagot ko lang dahil sa sobrang hilong nararamdaman ko.

"Okay, mukhang wala namang problema sa pagkain mo at parang wala namang akong ibang komplekasyong nakikita," tumamgo-tangong saad ng Doctor. "Pero nais ko na gumawa tayo ng test para malaman kung totoo nga ba ang hinala ko."

"Ano pong test, Doc?" tanong ni Mom.

"Kukuha lang ako ng dugo sa kaniya para masigurado ang resulta," sagot nito sa aking ina. "Mabilis lang naman ito, itatawag ko na lang o babalik na lang ako rito kapag atapos ko na ang test."

"Sige po. Thank you, Doc."

Muli kong naramdaman ang pagbukas at pagsara ng pinto. Napagpasiyahan kong matulog na lang muna para kahit papaano ay matanggal ang hilong nararamdaman ko.

Nagising ako nang maramdaman ang mahinang pagtapik ni Mama sa aking balikat. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko upang makita siya at para namang sobra ang galak na aking naramdaman dahil nawala na ang hilo ko.

"Anak, narito si Doc at sasabihin na niya sa atin ang resulta ng test na ginawa niya sa'yo," nakangiting saad ni Mama. "Tumayo ka na riyan. Nahihilo ka pa ba?"

Umiling lang ako sa kaniya at tiningala ang Doctor. "Ano po ang sakit ko, Doc?"

Bumuntong hininga si Doc at maliit na ngumiti. "Congratulations, Hija, you're four weeks pregnant."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status