Share

Chapter 2

"Thea Watson's Point of View"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang maalala ang mga nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwalang nagawa ko nga 'yon.

Sa loob ng labing pitong taon, ngayon ay wala na talaga ang aking pagkabirhen. Ang lalaking mahal ko pa ang nakakuha. Hindi ko alam ngunit wala man lang akong naramdaman na kahit anong pagsisisi.

Napatingin ako sa lalaking mahimbing na natutulog sa aking tabi. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. Hinawakan ko ang buhok nito at hinimas-himas.

"Ice, good morning. Alam mo ba, ito na yata ang pinaka-masayang araw ko. Ang pinangarap ko noong gumising at ikaw ang una kong makikita ay natupad na ngunit, may kulang pa rin dahil ang pinangarap ko ay mag-asawa na tayo pero hindi ito natupad bilang mag-asawa tayo kung hindi ay gabing para sa iyo'y simple lamang. Ngayon, alam kong maaaring hindi mo na 'to matandaan dahil ginawa mo lang 'yon dala ng kalasingan." nakangiti ngunit tumutulo ang mga luha kong saad.

“Hinding hindi ko pagsisisihan ang mga nangyari kagabi. Masaya akong ikaw ang nakauna sa akin. Mahal kita parati mong tandaan 'yan.”

I gave him a kiss on the forehead again. I wiped the tears that fell from my eyes, quickly picked up and put on my clothes that were scattered on the floor.

Mabilis akong lumabas at sumakay sa taxi upang umuwi sa aking condo. Nang makarating sa aking condo, kaagad akong nagluto at ginawa ang aking mga gawain dahil pakiramdam ko'y pagod na pagod ako.

Wala akong naramdaman na kahit anong pagsisisi at pagkagalit dahil hindi na ako birhen bagkus ay parang masaya pa ako at parang natupad ko ang pangarap kong ibigay ang aking pagkababae sa taong lubusan kong mamahalin.

After everything was finished, I didn’t even bother to go to my room and decided to sleep at the couch. I immediately turned on my phone when I woke up to the sound of it. I was shocked to see that it was my older brother who texted me.

Kuya:

Where the fvck are you, Princess?

Sa text pa lang ay alam ko nang galit si kuya. Nagtipa ako ng mensahe. Sinabi ko sa kaniya na narito ako sa aking condo. Mayamaya pa ay nag-reply na ito.

Kuya:

Ready yourself and expect a visitor. No more questions just get ready. Take care!

Nagtataka man ay nag-ayos na ako ng aking sarili. Nagsuot lang ako ng isang simpleng itim na dress at boots. Pagkatapos kong magbihis ay kaagad akong lumabas dahil narinig kong may kumakatok sa aking  pintuan.

Labis ang aking gulat nang makita ang taong hindi ko inaasahang bibisitahin ako. Parang may bumara sa aking lalamunan nang ngumiti ito sa akin.

Hindi ako makapaniwala na binigay ni Kuya ang address ng condo ko sa kaniya. Mas lalong hindi ako makapaniwala na mag-aabala pa siyang pumunta rito.

I can’t believe my brother would give my address to him. There’s nothing I can think of the reason why is he here.

"A-Ace, anong ginagawa mo rito?" utal-utal kong tanong.

He just gave me his good smile. "Before I answer your question, pwede bang papasukin mo muna ako?"

Nataranta akong binuksan ng maluwag ang pintuan. Narinig ko ang tawa nito ngunit hindi ko na lang pinansin pa.

"A…Ano ng'ang ginagawa mo rito?" muling ulit ko.

"Gusto sana kitang ayaing mag-date," direktang saad nito. Magpo-protesta sana ako ngunit pinigilan niya ako. "Don't worry, friendly date lang naman."

Punong-puno ng pagasa ang mga ngiti nito. Kahit gusting-gusto kong tumanggi ay nahihiya ako sapagkat ang ngiti niya ay nangungumbise.

"Sige," mahinang saad ko.

Wala na akong nagawa pa kung hindi ang pumayag na lang dahil ayokong madismaya siya. Naapabuntong hininga na lang akong sumama sa kaniya.

"Thank you, Thea," nakangiting sambit nito sa akin.

Maliit na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya. Inaya na niya akong umalis na. Tahimik lang kami buong byahe.

"You can sleep if you want, Thea, malayo-layo pa ang pupuntahan natin," nakangiting baling sa akin ni Ace.

Tumingin ako sa kaniya. "Are you sure? Okay lang sa'yo?"

"Yup!"

"Nako, sorry nakatulog ako." Paghingi ko ng paumanhin.

Mukha kasing kanina pa niya ako hinihintay na magising.paggising ko kasi ay Nakita ko siya nakatingin sa akin na para bang tinititigan niya lang ang mukha ko habang hinihintay akong magising.

Hindi ako nito sinagot bagkus ay nginitian niya akong muli at lumabas sa kaniyang kotse upang pagbuksan ako ng pinto.

“Thank you,” nakangiting saad ko.

He offered his hands to me. “You’re welcome”

Inaya na niya ako papasok sa loob ng restaurant. He immediately ordered food.

“Thea, CR lang ako,” paalam ni Ace.

Tumango lang ako sa kaniya at pinanood siyang naglalakad papuntang CR. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng restaurant uapng tingnan ang kagandahan nito.

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso nang mahagip ng aking paningin ang lalaking dahilan kung bakit ayokong makasal, ang lalaking bata pa lang ay mahal ko na.

Seryoso lang itong nakatingin direkta sa aking mga mata kaya panay ang aking paglinga dahil hindi ko nakayanan ang mga titig nito.

Mas bumilis pa ang tibok ng aking puso nang makita siyang naglalakad papunta sa direksiyon ko. Hindi ko mapailiwanag ang kabang nararamdaman ko sa bawat hakbang niya papalapit sa akin.

“So, you're engaged, huh?” cold at seryosong saad nito nang makalapit na sa akin.

“A…Ano,” nasambit ko na lang.

Hindi ako mapakali dahil sa sobrang takot at kahihiyan. Wala akong mahanap na sabihin at isagot sa kaniya.

“I thought last night was my night," mahinang bulong nito ngunit rinig na rinig ko. "Congrats."

Tumalikod ito na parang wala lang sa kaniya ang natuklasan. Napayuko na lang ako at bumuntong hininga.

May namuong luha sa aking mga mata nang makaramdam ng maliit na sakit dahil sa sobrang pag-aakala.

"Thea," tawag ni Ace.

Pinunasan ko muna ang aking mga mata bago iniangat ang aking paningin sa kaniya. Ipinakita kong parang walang nangyari.

"Tapos ka na pala," nakangiting saad ko.

Nakangiting tumango ito at dumiretso sa kaniyang upuan. "Na-bored ka ba? Masyado ba akong matagal? I'm sorry may tumawag din kasi sa akin."

"Hindi, okay lang," saad ko upang mapakalma siya. "H'wag kang mag-alala. Kumain na tayo?"

Saktong pagkarating din niya ay dumating din ang aming pagkain. Nagsimula kaming kumain, nag-kwentohan ng kung ano-ano.

"Gusto mo pa ba ng steak?" alok nito sa akin.

Umiling lang ako sa kaniya at nginitian lamang siya. Pinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain.

I remembered Ice’s face earlier. His expression made me curious. I felt guilty because of my action towards Ace.

"Thea." Pagkuha ni Ace ng aking atensyon.

Napakurap ako dahil hindi ko namalayang napatitig na pala ako sa kaniya.

"A…Ah Ha…Huh?"

"Bakit ka titig na titig sa akin?" natatawang tanong nito.

My eyes widened because of what he said. He looked at me with raised eyebrows.

"Siguro, crush mo 'ko, 'no?" tukso nito.

"Hindi, ah!" Agad na depensa ko dahil sa gulat sa mga narinig mula sa kaniya.

Nagdududang tingin ang binigay nito sa akin. "Talaga, ah?"

"Oo nga, ano ka ba?"

Tinawanan lang niya ako. Ipinagpatuloy namin ang pagkain, nagkwentuhan tungkol sa kung anu-anong mga nakakatawang bagay, at nagkulitan.

I felt remorse again because I never thought that the person I treated would be so kind.

"Thea," tawag nito.

"Hm?"

"About last day," panimulang saad nito. Napaangat ang aking tingin sa kaniya. Nagtataka sa mga salitang binitiwan. "I…I just want to…uhm, ask something if it's okay with you?"

Nagtatakang tingin ang ibinigay ko't tinawanan siya dahil mukhang takot na takot siya sa kaniyang itatanong. "Ano ba 'yon?"

"Bakit ayaw mong makasal sa akin?"

Bigla akong kinabahan dahil sa tanong niyang ‘yon. Hindi ko alam kun ako ang isasagot. Pakiamdam ko ay hindi ko na mahanap ang aking boses upang sagutin ang tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa aking telepono nang tumunog iyon. Nawala man ang kaba ko sa tanong ni Ace ngunit napalitan naman ito ng takot nang makita na si daddy ang tumatawag.

I'm like a student who has a big problem with the teacher but it's time to go home.

"Hello, dad?"

"Hija, you need to be home now. Your friends are here."

"Okay po."

"Take care."

Pinatay nito ang tawag. Iniangat ko ang paningin kay Ace na naghihintay lang din sa aking sasabihin.

"Ace, kailangan na nating umuwi. Sabi ni Dad naroon daw ang mga kaibigan ko sa bahay," saad ko.

"Oh! Alright. Magbabayad lang ako ng bill then we'll go," nakangiting sabi niya.

Tumango lang ako. After niyang magbayad ng bill ay lumabas na kami ng restaurant.

Nagkwentuhan lang kami buong byahe. Napagtanto kong sobrang bait at magpagmatiis pala siya dahil sa mga natukalasan ko, masasabi kong lahat ng gusto ng babae ay nasa kaniya na.

"Ace, thank you for today," nakangiting saad ko.

Nginitian niya ako. "Wala 'yon. Ako nga ang dapat na mag-thank you kasi pumayag kang sumama sa akin."

Tinawanan ko lang siya dahil wala na rin namang halos masabi.

"By the way, I need to go baka magalit na si Tita kapag pinaghintay ko pa siya," natatawang paalam niya.

"Sige. Take care, alright? Thank you ulit."

Nagbusina lang ito at umalis na. Pumasok naman ako sa loob ng bahay at nadatnan ko ang mga kaibigan kong mukhang hinihintay ako sa sala.

"Thea, saan ka kagabi galing?" kaagad na tanong ng kaibigan kong si Zee nang makita ako.

"Noong binalikan kita kagabi, wala ka na," segunda naman ni Jai.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakaramdam ako ng matinding hiya nang maisip na sasabihin ko sa kanila na tuluyan ng nawala ang pagkababae ko.

Natatakot sa isiping baka husgahan nila ako dahil ang bilis-bilis kong isuko ang pagkababae ko. Natatakot ako na baka hindi na nila ako kikilalaning kaibigan kapag sinabi ko sa kanila ang nangyari sa akin kagabi.

Naramdaman ko ang masakit na kurot ni Zee sa braso ko na naging dahilan upang mabaling sa kanila ang atensyon ko.

"Ba't natulala ka na diyan?" nanunuyang tanong ni Zee. "Saan ka nga nanggaling kagabi?"

The anxiety that had been playing in my chest increased even more.

"Oh, bakit hindi ka naman yata mapakali?" hilaw na tanong ni Jai.

I just held my breath because of what Jai said.

"Uh," nahihiyang panimula ko. Pabilis nang pabilis ang tibok ng aking puso.

"Ma-may nangya-yari saamin n-ni I-ice," nahihiyang saad ko at napayuko na lang.

"ANO?" hindi makapaniwalang sigaw nilang dalawa.

Pakiramdam ko'y nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa sobrang hiya na nararamdaman.

"Bakit mo sinuko?" galit na sigaw ni Zee.

Naramdaman ko ang unti-unting pamumuo ng luha mula sa aking mga mata. Naiiyak na lang ako dahil sa mga sinasabi ng aking mga kaibigan dahil alam ko naman na gaalit sila sa akin.

"Thea, bakit mo naman ginawa 'yon?" frustrated na ring tanong ni Jai. "May problema ka ba, huh?"

"I'm sorry," umiiyak kong paghingi ng paumanhin. Tumingin ako sa kanila habang tumutulo ang mga luha. "Nadala lang ako ng alak. Sorry, I'm so sorry."

Tatayo na sana si Zee ngunit bigla naming narinig ang tinig nina Mommy at Daddy mula sa taas.

"Rinig na rinig namin ang mga boses ninyo sa taas, girls," sambit ni Mama habang pababa ng hagdan. "May problema ba kayo?"

Worry rose in my chest. I feel like I just want to run away because Zee and Jai might tell someone about my problem."Uhm, wala naman po, Tita," tanggi kaagad ni Zee.

I was relieved because my friends covered for me."Mabuti naman kung gano'n," nakangiting sabat ni Dad. "Anyways, sobrang masaya ako ngayon."

"Bakit po?" kuryoso kong tanong.

Parang kahapon lang ay galit na galit siya sa akin dahil sa pinakita ko tapos ngayong sobrang saya naman niya.

"Thea, nag-hire ako ng private investogator para malaman ko kung nasaan ka," panimula nito at ngiting-ngiti. Parang gumunaw naman ang mundo ko dahil sa narinig. "Sinabi ng ni-hire ko na nakita niya kayo ni Ace na magkasama. Alam kong nagkakamabutihan na kayo, anak. Napagdesisyonan ko rin na hangga’t hindi pa kayo naikakasal, hindi ka muna lalabas ng bahay kapag hindi siya ang 'yong kasama."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status