Share

Chapter 5

"Sandro, bilhin mo ang lahat ng gamot na nasa resita niya." Utos ni daddy at tumingin sa akin. "Simulan mo nang magempake ng mga gamit mo dahil pagkarating na pagkarating ng kuya mo ay ayaw na kitang makita rito sa pamamahay ko," sabi niya sa akin bago lumabas ng aking silid.

Naluluha akong napatingin kay mama. Niyakap niya ako habang umiiyak na rin. Hinahagod nito ang aking likuran na para bang pinapatahan ako. Pinaparamdamn niya sa akin na nariyan lang siya at hindi ako iiwan.

Parang binasag sa maliliit na piraso ang aking puso dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. I feel so helpless. My hands are trembling and my heart stings. Parang tinurusok ng karayom ang puso ko at hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman.

Gusto kong sumigaw ng sobrang lakas upang maibsan ang sakit ngunit hindi ko magawa. Nais ko na lang na mawala ang lahat ng sakit na dinada ko sa kahit na anong paraan ngunit tanging iyak lang ang nakakaya ko. Halos hindi ako makagalaw dahil ang lakas ko ay napunta na lang sa hikbi at iyak.

Nang maging maayos na ay kumalas na ako sa yakap kay mommy at inayos ang mga gamit ko.

"Hindi ka aalis, Anak, hindi ako papayag," umiiyak na sabi ni mommy.

"Kailangan ko pong umalis mama," nakangiting sabi ko. Kahit na tumutulo pa ang mga luha sa mga mata ko ay pinipilit kong ngumiti sa kaniya para mapabatid sa kaniya na desidido na ako at okay lang na umalis ako. "Kailangan kong harapin ang parusa dahil sa kasalanan ko at ito ang consequences nito."

"Saan ka pupunta, Thea?" tanong niya.

Nginitian ko siya at muling niyakap. "Kahit saan, mommy, basta bubuhayin ko ang magiging anak ko at papatunayan ko sa inyo na kakayanin ko at pagsisisihan ang ginawa ko."

Inayos ko na ang mga gamit ko at dinala ang lahat na mga kailangan ko. Pati na rin ang passbook ng bank account at mga atm ko ay dinala ko. May naipon pa naman akong pera mula ito sa mga binigay ni daddy at pinagtrabahuhan ko noong nasa 15 years old ako dahil sa kagustuhang matutong magtrabaho bata pa lang.

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil matutupad na ang gusto kong hindi makasal at magkakaroon pa ng anak sa lalaking mahal ko o magagalit sa sarili ko dahil sa sakit na naidulot ko sa pamilya ko.

Nang matapos sa ginagawa ay sakto namang dumating si kuya at ibinigay sa akin ang mga gamot na kakailanganin.

"What you did was so stupid!" galit na saad ni kuya sa akin. "Is Ice the father?"

Tumingala ako sa kaniya at muli na namang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata at umiiiling na lang dahil ayokong sagutin ang tanong niya. Matalim ang tingin nito sa akin na para bang pinagbabantan akong sabihin sa kaniya ang totoo at kung hindi ay may masama siyang gagawin.

"Sino, Thea?"

"K...Kuya, hindi mo na po dapat malaman dahil hindi ko alam kung sino ang nakabuntis sa akin," humahagulhol kong sagot.

"Don't ever lie to me. You know me too well, Thea," sabi nito.

"K...Kuya, pabayaan mo na lang po ako. Lalayo na rin naman po ako eh. Nagmamaka-awa ako sa 'yo, Kuya."

Punong-puno ng pagmamaka-awa ang boses ko at mukha ko habang nakatingin sa kaniya. Tinalikuran niya ako at inilapag ang supot. Puno iyon ng gamot at may isang atm na nakalagay. Sa atm na iyon ay may papel na nakabalot at may sulat na gamitin ko raw iyon para sa pagbubuntis ko.

"Dad, Mom, Kuya, thank you for taking care of me for my whole seventeen years of existence. I am so greatful for all the things the you gave me to satisfy my needs in every aspects of my life. I am so happy that you are my family. I'm sorry for being the disgrace in this family," umiiyak kong sabi. Humahagulhol na ako sa sobrang pagiyak. Nanginginig at paputol-putol na rin ang aking boses. "Pangako ko po na sa pagbalik ko ay magiging proud din kayo sa akin. Pasensya na, Dad, kung hindi ko natupad ang gusto mong makuha ang pera na ipinamana ng lola ko sa atin. Pasensya na kung nagdulot ako ng kahihiyan sa pamilya natin."

Muli kong niyakap si mommy at snubukan ding yakapin sina daddy at kuya ngunit hindi ko iyon nagawa dahil sa iniwasan nila ako. Sinusubukan pa akong pigilan ni momy ngunit pinigilan siya ni daddy.

"Thea, saan ka pupunta? Anak, doon ka muna sa isa nating bahay sa Capiz," sabi ni mommy.

"Hindi," biglang sabat ni daddy. "Hayaan mong magdusa ang batang 'yan, Tanya," galit na sabi ni daddy.

Nginitian ko lang sila at tumalikod na upang umalis. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni mommy pero hindi ko na ito nilingon. Diretso lang ako ng lakad habang tumutulo at humihikbi.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta na lang akong naglakad at sumakay ng jeep papunta sa terminal kung saan ako sasakay papuntang probinsya. Wala akong ideya kung saan pupunta ang alam ko lang ay lumayo at maghanap ng maaari kong tuluyan bago lumubog ang araw na ito. Halos wala na akong pakealam na nakasakay sa jeep habang tinatahak ang daan papuntang terminal. Nakatulala lang ako at hindi halos pinapansin ang paligid ko.

Masakit man isiping binalewala ako ng tatay ko, hindi ko rin naman maipagkailang malaki ang naging kasalanan ko. Masakit ang malayo sa pamilya at lalong-lalo na at wala pa talaga akong alam kung paano mamuhay ng mag-isa.

"Saan ka pupunta, Ma'am?" tanong ng parang nagtatawag ng pasahero dito sa terminal.

"Sa conception po," sagot ko.

Iginaya naman niya ako sa bus papuntang concepcion. Wala akong ideya kung bakit iyon ang location na sinabi ko. Sa totoo lang ay wala akong kakilala doon at hindi ko pa rin alam kung ano ang sasalubong sa akin pagdating ko roon.

Habang nasa byahe ay tumatanaw lang ako sa paligid. Iniisip ko ang sobrang napakalaking kasalanang nagawa ko. Paano kaya kung hindi ko na lang ginawa ang bagay na 'yon? Punong-puno ako ng tanong na hindi ko alam kung ano ang sagot. Dahil sa sobrang pagod dala ng aking pag-iyak at siguro ay dahil na rin sa aking pagbunbuntis, hindi ko na naiwasang makatulog sa byahe.

Nagising ako dahil ginising ako ng kondukto ng bus. Nagulat ako nang ako na lang ang natitirang pasahero dito sa bus.

"Kuya, nasaan na po tayo?" tanong ko.

"Nasa terminal na, Miss, saan ka ba pupuna?" pabalik din nitong tanong.

"Hindi, Kuya, dito na lang po ako," saad ko at lumabas na ng bus.

Sobrang pagod na pagod ako. Pagkatayo ko ay bigla akong nahilo dahil siguro sa gutom na nararamdaman ko. Hindi pa kasi ako kumakain simula kanina dahil suka lang ako ng suka. Nang makababa na sa bus ay agad akong dumiretso sa CR dala-dala ang mga gamit ko na sobrang bigat pa. Hindi pa man din ako nakakabot sa CR ay biglang nandilim ang aking paningin at nawalan ako ng malay.

Bigla akong nagising nang maramdamang naduduwal. Bumungad sa akin ang isang hindi naman sobrang tanda ngunit siguro nasa mga sisenta anyos mahigid na ang edad. Wala akong ibang nasabi kung hindi ang magtanong kung nasaan ang CR dahil nasusuka ako.

"Nasaan po ako?" tanong ko nang makabalik sa kinaroroonan ng matandang babae kanina. "Ano po ang nangyari bakit narito ako?"

"Hija, nahimatay ka kanina nang papasok ka sa CR, hindi namin alam kung saan ka dadalhin kasi mukhang bagonka lang dito kaya dinala ka na lang namin sa bahay ko," sagot nito. "Taga saan ka ba at bakit nandito ka? Nasaan ang pamilya mo?"

Kinwento ko sa kaniya ang mga nangyari at ang dahilan kung bakit ako napadpad sa lugar nila. Tinanong din niya ako kung may kilala at matutuluyan na ba ako rito.

"Pwede kang tumuloy dito sa amin, Hija. Dumito ka na muna hanggang sa makapanganak ka o kung hanggang kailan mo gusto." Nginitian ako nito.

"Talaga po? Maraming salamat, Nanay Aida," nakangiting pasasalamat ko.

"Nanay, ano itong nabalitaan kong may kinupkop ka raw na babaeng nahimatay kanina sino 'yon?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status