Share

Chapter 9

Panibagong araw na naman at narito na ako ngayon sa salon. Sobrang aga pa pero hindi ko kasi gawain ang maging late sa school or appointment dati pa lang kaya heto at hindi pa kami marain g empleyado ang narito sa salon.

"Hindi na tayo nakapagusap kagabi, Thea, inumaga na kasi akong nakauwi," sabi ni Jp.

Naglilinis kami ngayon dito sa salon. Tinulungan ko na lang din siya kasi wala naman akong ginagawa. May janitor din naman ang salon pero wala pa kasi maaga pa naman kaya kami na lang muna ni Jp ang naglilinis-linis ng mga kalat na hindi masyadong nalinis kahapn.

"Kamusta ka naman kahapon dito? Hindi ka ba tinarayan ni Lara?" tanong niya.

"Tinarayan, Baks, pero hindi ko na lang din pinansin," sagot ko. "Mataray pala talaga siya?"

"Nako, oo. Sobra 'yan makaasta akala mo may-ari pero tama 'yan huwag mo na lang siyang pansinin," payo niya. "Mabait na amo si Charlene, Thea, pagbutihin mo lang ang trabaho mo at ipakita mo lang sa kaniya ang kasipagan mo wala kang magiging problema sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status