“Tell him to call later.” nagmamadaling sagot niya sa sekretarya at tinungo ang IT Department. Pagdating niya, agad naman tumahimik ang Voice Control Recognition System at agad niyang nakita ang naiwan na boses nito nagconvert into Text message sa bawat Computer ng mga ito. “Goodmorning, this is Dwayne Villamor, speaking. Can I get an appointment with the CEO?” — ito ang nakasulat na sa mga computer nila. Dahil sa nabasa, hindi na nagtanong pa si Rheniel, agad na siyang tumakbo pabalik sa opisina niya. “Yung Dwayne, tumawag na ba ulit?” nataranta na tanong niya. “Hindi pa sir eh.” nagtataka ang sekretarya niya. “Call him back.” utos niya habang nakapamewang. Agad rin naman na sinunod ng sekretarya ang sinabi niya. Ilang sandali pa, kumonekta na ang call ng sagutin rin nito iyon. “Good morning, this is Dwayne Villamor, speaking.” “VIP Voice System Activated..5..4..3..2…1” Muling nag-ingay ang system operator. Inagaw ni Rheniel ang telepono mula sa kabilang linya. Malakas ang kut
“Love, tama na muna ‘yan, binilhan kita ng pagkain sa labas, alam kong gutom ka na.” Umangat ng mukha si Hera ng marinig ang boses ni Dwayne. Kaya pala biglang nawala ito sa loob ng opisina niya, ‘yon pala bumili ng pagkain sa labas. Sinulyapan niya ang oras sa wrist watch niya. Napatakip siya ng bibig ng makita na past 12 midnight na pala. Umabot talaga siya ng ganitong oras sa pagpupuyat matapos lang ang lay-out plan niya. Isang linggo na niya itong ginagawa. Napangiti siya habang tinitingnan ang binata na abala sa paglalagay ng mga pinamiling pagkain sa maliit na mesa. Hindi niya maiwasan ang kiligin dahil sa sobrang maasikaso nito sa kanya. Binalingan siya nito. “Love, halika na, mamaya mo na balikan iyan. May naisip akong ideya, sigurado akong matatapos agad ang Lay-out mo.” Nagtataka ang kanyang mga mata na tinitigan ito? Anong idea na ‘yan?” “Basta, hindi ko sasabihin hanggat hindi ka muna kumakain. Hindi na tama itong pagpapalipas mo ng gutom.” Tumayo siya at lumapit rito.
“Baka gusto mong tumabi sa akin na umupo sa harapan, my future wife. Nakakahiya naman kasi kung dito ka lang sa likuran.” Nakangising wika ni Hector. “Excuse me Ma’am, kayo po ba si Engr. Hera Harrigan?” Nabaling ang atensyon nila sa isang naka unipormeng babae na kung hindi sila nagkakamali, isa sa mga staff ng Dome. “Yes,” tipid na sagot ni Hera. “Pwede po ba kayong sumama sa akin? Isama n’yo na rin po ang bodyguard ninyo. May ilang katanungan lang po tungkol doon sa Bid proposal na, na-submit ninyo.” Tumingin si Hera kay Dwayne, ngunit nagkibit-balikat lang ito. Hindi niya alam na may ideya na si Dwayne kung bakit sila ipinatawag. “Huh, mukhang hindi na kayo makakasali, Hera. Tsk. tsk. Kawawa naman ang pinagpuyatan mo.” “Hera, tandaan mo, huwag mong mabanggit-banggit ang pangalan ng kumpanya, kapag tinanong ka nila, kumpanya mo lang ang sasabihin mo.” Humihingal na wika ni Don Fernan. Kararating lang ng mga ito. Halatang nahihiya ito sa ibang mga contractors na sumali rin sa b
“Love, thanks God at gising ka na.” Nanatili pa rin siyang tulala ng niyakap siya ni Hera. Matagal siyang nakatitig sa pisngi ng dalaga, habang nakasandal ito sa dibdib niya. Kumalas ito ng yakap sa kanya at umangat ng mukha upang titigan siya. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata. “Nashmin?” sambit niya dahilan upang mag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Nakita niyang nanlabo bigla ang mga mata nito dahil sa namumuong luha. “Love, Ano ba ang nangyari sa’yo? At sino si Nashmin? Babae ba siya sa nakaraan mo? O, pinagsabay mo lang kami?" Napakurap siya ng mga mata at umiwas ng tingin. Pakiramdam niya, natulog siya ng mahabang panahon at ngayon lamang nagising. Si Nashmin ang huling babaeng nakita niya sa kanyang panaginip, kaya napagkamalan niya si Hera na si Nashmin. Inikot niya ang paningin at nakita niya sina Rheniel at Nathan na nakatingin lamang sa kanya. Tinapunan niya ito ng makahulugang tingin, at naintidihan naman ng mga ito ang ibig niyang sabihin. Mabilis na lumabas ng
“Magpahinga ka na, Hera. Bukas na natin ituloy ang pag-uusap.” wika ni Don Fernan, ng makita na umalis na si Hector. Labis ang tuwa sa mga mata ni Hera na sumulyap kay Dwayne. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata, at silang dalawa lang ang nagkakaintindihan kung ano ang nais nilang ipahiwatig sa isa’t-isa.“Dwayne, pakidalhan na lang ako ng pagkain sa silid ko.” utos niya sabay talikod sa mga ito.“Teka, bakit si Dwayne, ang magdadala ng pagkain mo? Andyan naman ang yaya Rosita mo." Saway kaagad ni Donya Hailey."Mom, ano oras na, ayaw kong nanggigising pa ng katulong para dalhan ako ng pagkain." dahilan niya sa ina."Okay lang po, Ma'am may mga binili po kasi kaming pagkain sa restaurant kanina. Hindi na ni Ma'am Hera nakain dahil nagmamadali na siyang umuwi. Ito na lang po ang ihain ko para sa kanya." Itinaas niya ang bitbit niyang plastic bag na may mga laman na pagkain.Ilang beses pang nag palipat-lipat ng tingin si Donya Hailey sa kanilang dalawa, waring nagdududa."Halika
"Ahhhhh! Lapastanganan!" SLAP! SLAP!"Love!" Buong lakas na tinulak ni Dwayne ang mga bodyguard na may hawak sa kanya at mabilis na hinatak si Hera upang yakapin ito. Naawa na siya dahil sa pamumula ng mukha nito dulot ng pagsampal ng mga ito mula pa kanina. "Men, get her!" "Sige, subukan n'yo, kung gusto nyong lalabas ng silid na ito na wala ng buhay!" Matapang niyang wika sa mga bodyguard na akmang kukunin na si Hera mula sa mga yakap niya.Nang makita ng Don na nag-aalangan ang mga tauhan niya, galit niyang sinigawan ang mga ito at tinutukan ng baril."Ano pa ang hinihintay niyo! Kunin n'yo ang anak ko o kayo ang papatayin ko!"Mabilis naman na sumugod ang mga ito kay Dwayne na kasalukuyang nasa pintuan na upang ilayo si Hera.Ngunit sa bawat lapit ng mga tauhan ng Don, isang malakas na sipa ang ginagawa niya at sinisiguro niyang matatamaan niya ang pinakamaselan na parte ng mga katawan nito upang hindi na makatayo pa. Dahil sa ginawa niya, mas lalong nadagdagan ang galit ng Don k
“What?” Hindi makapaniwala si Hera sa na e-report sa kanya ng tauhan mula sa kanyang opisina. Kakagising niya lang at tumawag ito sa kanya. Binalita na pumunta ang kanyang Daddy sa opisina niya ng maaga pa upang kunin ang lahat ng files na pinaghirapan niya upang makuha ang bilyon na project ng SmithCom. Kahit ang kontrata na kapwa nila pinirmahan ng SmithCom kahapon pagkatapos ng bidding, ay kinuha rin ng Ama. “Hindi nila pwede makuha ang bilyon na projects na iyon.” dagdag na wika niya sa sekretarya na si Suzete. “Iyon na nga po Ma’am. Pero pinagpipilitan talaga ng Daddy mo na kunin ang files dahil hindi mo raw kaya na simulan ang malaking projects” paliwanag nito. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Lumalabas na ang pagiging unreasonable ng kanyang ama. Gusto talaga nitong pahirapan siya upang mapilitan siyang bumalik sa poder ng mga ito. “Sige, maraming salamat.” Tinapos niya ang pag-uusap nila ng sekretarya dahil wala naman na itong magagawa pa. Nagmamadali na siy
Sabay silang pumasok sa loob ng elevator. Pinindot ni Dwayne ang 5th floor kung saan naroon ang opisina ni Judge Lenon. "Love, kinakabahan ako," humigpit ang kapit ng mga kamay ni Hera sa braso ni Dwayne. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan, sa bagay na hindi naman dapat dahil ikakasal na siya sa lalaking laman ng puso niya. Siguro talagang ganito ang pakiramdam kapag ikinakasal, bongga man o, simple, pareho lang na kinakabahan. Nararamdaman niyang pinisil ni Dwayne ang nanlalamig na kamay niya."Calm yourself love, araw natin 'to, kaya dapat masaya tayo." Hinaplos nito ang pisngi niya bago sila lumabas ng elevator."Good Morning Ma'am, Sir," nakangiting bati ng secretary sa kanila ng makarating na sila sa harapan ng pintuan ng opisina ni Judge Lenon. "Goodmorning," nakangiti rin na bati nilang dalawa."Kanina pa po sila naghihintay sa inyo sa loob, Sir." Hindi mawala ang ngiti sa labi ng sekretarya.Binalingan ni Hera si Dwayne ng marinig ang sinabi ng babae. "Love, m