Paaaak! Nagulat si Luke ng suntukin siya ni Rheniel. Mabuti na lang agad siyang nakahawak sa wall kaya hindi siya natumba. Pinahiran niya ang labi niyang pumutok. Nalasahan pa niya ang dugo na nagmula rito. “Sinabi ko na sa’yo Brod, pag-aari ko si Brenda, kaya huwag kang—” Paaak! Hindi na rin natapos ni Rheniel ang kanyang gusto sanang sabihin ng umigkas ang kamao ni Luke at tinamaan rin siya sa labi ng mga suntok nito. “Sir Luke! Rheniel! Ano ba! Tama na!” Sigaw ni Brenda. Kahit masakit ang kanyang dalawang paa, pinilit pa rin niyang tumayo. Kung alam lang niya na mangyayari ‘to sana sa folding bed na lang siya at hindi na lumipat pa. Hinawakan niya ang damit ni Luke dahilan upang manatili sa ere ang kamao nito at hindi na magawang gumanti kay Rheniel. Niyakap niya sa Brenda. “Brenda, Please, huwag kang sumama sa kanya.” Umiiyak nitong pagsusumamo. Dahil sa selos, hinatak ni Rheniel si Brenda palayo kay Luke. “Ahhhh…aray..” “Tangina mo, nasasaktan si Brenda!” Galit na sigaw ni
Nagising si Brenda na sa loob na ng isang malaking silid. Dahan-dahan siyang bumangon para lang makita na nakabendahe na rin pala ang kanyang mga paa. Saka pa lang niya naalala ang nangyari sa kanya sa San Sebastian. Pinilit niyang bumaba mula sa kama upang tingnan kung saan siya dinala. Paika-ika siyang pumunta sa pintuan at pinihit ang door knob. Nagtaka siya kung bakit hindi niya ito mabubuksan. Hindi niya alam kung sino ang nagdala sa kanya rito. Inikot niya ang paningin sa buong silid. Nakita niya ang kurtina sa may bintana na nilipad ng hangin patunay na bukas ito. Muli niyang ininda ang sakit ng kanyang mga paa sa tuwing inaapak niya ito sa sahig sa kagustuhan niyang makasilip sa bintana. Hinawi niya ang kurtina. Ganun na lang ang kanyang pagtataka ng napagtanto na sa loob siya ng malaking yate. Natanaw niya ang lawak ng karagatan. Hindi niya alam kung ilang oras o, araw na siyang nandito. Malaki ang mga hakbang niya na bumalik sa pintuan. Wala na siyang pakialam kung masakit a
Hinalungkat niya ang laman ng inbox niya. Kung fifty ang miscalls, mayroon din siyang fifty text messages. “Pinsan nagbigay na ako ng warning sayo, ngunit hindi mo tinupad. Nagalit na si Dad.” text ito galing kay Rafael.“Nalaman ni Daddy ang bakasyon niyo ni Rheniel, Please be safe.” Text muli ito mula kay Rafael. Habang isa-isa niyang binabasa ang iba pang mga text messages nito, lalong lumalakas ang kalabog ng dibdib niya sa sobrang takot at kaba.“Besh, may mga armadong lalaki sa labas ng bahay, hinahanap ang anak mo. Ano ang gagawin ko? Saan ka na ba?” Nagsimula ng manginig ang kamay niya habang hawak ang cellphone ng mabasa ang text messages ni Suzette.“Insan, nakuha na ni Dad ang anak mo. I’m sorry, wala akong nagawa. You know him.” Message ulit ni Rafael. Sumikip bigla ang dibdib niya sa kanyang nabasa.“I have your son. Ibibigay ko lamang siya kapag magpakita ka sa akin.” Napahawak siya sa dibdib ng mabasa ang message mula sa unknown number. Ganun pa man alam niyang numero
Alam niyang isang pagkakamali na sinabi niya ang tungkol sa sitwasyon ng kanyang anak ngunit may karapatan rin si Rheniel na malaman ang tungkol sa anak nito. “Pvtangina!” Narinig niya ang malutong na mura nito. Napaigtad siya ng bigla nitong sinipa ang wall ng deck. Napa Hilamos ito ng kamay sa mukha at muli siyang tinitigan. Halata sa mga mata nito ang kagustuhan na sumbatan siya, Ngunit walang boses na lumabas sa labi nito. Alam niyang naintindihan din siya nito kung bakit niya ito ginawa. Kinuha ni Rheniel ang cellphone at tinawagan si Richard. Vice president niya ito ngunit ito na rin ang ginawa niyang kanang kamay noon pa man dahil kabisado na nito lahat ng gustong ipagawa niya. “Saan ka?” tanong niya sa dominanteng boses. “Nasa bahay ni Suzete Boss, ngunit wala na sila rito.” “Si Gab?” nagsimula ng uminit ang dibdib niya sa iniisip na baka totoo nga ang sinabi ni Brenda. “Wala na rin dito, Boss. Mukhang magulo ang bahay nila. Halatang pinasok—” “Pvtang Ina! Ano ang nang
Bumitaw sa paghawak si Rheniel sa braso ni Brenda. Tumalikod siya at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana ng chopper. Mabuti dahil silang dalawa lang ang sakay ng chopper maliban sa piloto nito. Hindi sila maiilang kung hahantong man sila sa malalim na argumento. “Ano ang plano mong gawin?” biglang tanong ni Rheniel habang nakatingin pa rin sa labas.“Hayaan mo na muna akong mag-isa na pumunta at makipagkita kay Tito Esmael.” Nakita ni Brenda ang pagtigas ng kamao ni Rheniel habang nakakuyom ito. Hindi pa rin ito lumilingon sa kanya ngunit alam niyang pinipigilan lang nito ang nararamdaman na kontrahin na naman siya. “Gusto ko lang siguraduhin ang kaligtasan ni Gabrien.” dagdag sa sinabi niya.“Then what?” Binalingan siya na may namumuong luha sa sulok ng mga mata nito. “Sasama ka sa kanya kasama si Gab? Iiwan mo na naman ako?” May bahid ng pait ang boses ni Rheniel habang nakatitig sa babaeng mahal niya.Hindi makasagot si Brenda. Kahit siya hindi rin alam kung ano ang gagawin s
Mabilis na tinawagan ni Rhayan si Rheniel habang nasa biyahe sila papuntang Villa Mercedes.“Fuck, Rheniel, sagutin mo ang phone.” Bakas ng iritasyon at pag-alala ang boses ni Rhayan habang walang tigil sa pag ddial ng numero ni Rheniel.“Kuya,”“Hoh! Sa wakas sinagot mo na rin. Saan ka na ngayon? Nabasa mo ba ang text ko?”“Hindi. Nasa labas na ako ng Villa.” sagot nito.“Tangina, huminto ka, huwag mong ituloy.” malakas ang boses ni Rhayan para lag marinig ni Rheniel.“Huh? Bakit? Kuya nakikita ko na si Brenda, hawak na niya si Gab.” sagot muli nito. Alam ni Rhayan na hindi pa rin nito humihinto ng sasakyan.“Maraming nakabaon na landmine sa paligid ng Villa!”Boom!“Fuck! Rheniel!?” Malakas na mura at pagtawag ang lumabas sa bunganga ni Rhayan ng marinig ang malakas na pagsabog.“Tangina, Kuya sumabog ang SUV na sinasakyan ng mga tauhan ko.”“Pvtangina, Lendon, balansehin mo ang mga tauhan. Hold muna ang biyahe nila. Tangina Rheniel tumuloy ka pa rin ba?” Pinagalitan niya ito matapo
“Bren–Brenda, lumaban ka.” Hawak ni Rheniel ang tiyan niya habang tinatakpan ito ng tela upang mapigilan ang paglabas ng maraming dugo. Ang kabilang kamay naman niya ay pilit inaabot ang kamay ni Brenda. Gusto niyang iparamdam dito na ang pagmamahal niya.“Ma–hal, I’m…so..rry..” Pinilit din ni Brenda na hawakan ang kamay ni Rheniel habang hilam sa luha ang mga mata nito. “Sa…kaling..hin..di..ko..na..magawang ….lu…maban, sana…lumaban…ka..pa..ra sa an..anak natin.”“No, sabay..tayong lalaban..sabay tayong lalaban, mahal. Nangako ka hindi mo na ulit ako iiwan, Brenda kailangan ka namin ng anak mo.” Pilit ni Rheniel na bumangon nang makita na pumikit na ng mga mata si Brenda. “Brenda,” muling tawag niya at gustong tanggalin ang mga nakatali sa katawan niya ngunit agad siyang pinigilan ni Rhayan.“Bro, kapit lang, malapit na tayo sa hospital.” Pinilit ni Rhayan na patatagin ang ang kilos at boses niya upang hindi panghinaan ng loob si Rheniel.Binitawan ni Rheniel ang paghawak sa tiyan ni
SAMANTALANG ISANG ORAS ANG NAKALIPAS, nagising si Rihanna. Nakita niya ang maraming mukha na nakatambad sa kanya. Ang kanyang triplets na sina Zeck, Zeyven at Eignzo, Ang dalawang babae sa quadruplets na sina Dharyne at Dharylle.“Si Rheniel?” Agad siyang bumalikwas ng bangon.“Mom, Nandoon na si Dad, at Dustniel.. Hindi nila pababayaan si Rheniel.” Wika ni Dharylle at niyakap ang ina.“Isa pa yan, ang ama ninyo. Nakakasama siya ng loob. Siya ang unang nakakaalam ng tungkol sa nangyari kay Rheniel ngunit inilihim niya sa akin. Hindi niya ako sinama na pumunta ng ospital.” Humagulgol ng iyak si Rihanna.“Mom, intindihin mo na lang si Dad. Sobrang mahal ka no’n kaya hindi niya muna sinabi sa’yo dahil nakakasama sa kalusugan ninyo.” Paliwanag ni Dharyn.“Mas lalong sumama ang loob ko dahil sa ginawa niya.” Giit ni Rihanna sa mga anak.“Mom, hinimatay nga kayo ng malaman n’yo ang nangyari kay Rheniel di ba? Kaya may dahilan din si Dad, kung bakit hindi niya sinabi.” Pinahid ni Dharyll an