ANG KALIGTASAN NG kanyang anak ang pinakamalaga sa isang ina. Kahit sariling buhay ay itataya para sa anak na labis na minamahal. Si Domingo Sabado ang unang pumasok sa utak ni Solenne na puwedeng makapagligtas sa kanyang anak na ramdam niyang nasa panganib. “Sigurado kong hahanapin niya at ililigtas niya si Brendon kapag ipinagtapat ko sa kanya ang katotohanang anak niya ang anak kong iyon.” Ngunit nasaan si Domingo Sabado? Biglang pumasok sa kanyang alaala ang lalaking nagpalayas sa kanya sa bahay ni Joanne Javier. “Siya kaya ang hired killer na binayaran ni Joanne para patayin si Brendon,” pagdududa niya, “n-nasaan na kaya ang anak ko? Buhay pa kaya siya?” “Bakit ako’ng pinagbibintangan n’yong nagpakidnap kay Brendon,“ natatandaan niyang sigaw ni Joanne noong inuusig niya ito, “hindi ba’t nasa loob ako ng kotse ng tinadtad iyon ng bala? Gugustuhin ko bang paulanan ng bala ang kotse ko, ha,” tanong sa kanya ng lover ng kanyang anak, “paano kung sa akin tumama ang mga balang ‘yo
“HUWAG KANG MANGARAP na pakakasalan kita, Roman,” mariing pahayag ni Gemma Garcia sa lalaking nagpanggap na kanyang boyfriend sa harap ni Owen, “hindi ang katulad mo lang ang pangarap kong maging asawa!” panlalait pa niya. Pumuno sa buong bahay ang malakas na halakhak ng lalake, na halos bumingi kay Gemma. Matagal ang halakhak na iyon. Umiinsulto. Nang-iinis. Nagkakandaluha ang mga mata ni Roman ng tumigil sa pagtawa. “Alam mo, ang galing mong magpatawa,”sarkastikong saad nito habang pinupunasan ng panyo ang mga matang nagluha, “paano mo akong magiging asawa, e, matagal na akong may asawa? Matagal na akong ikinasal!” Namula ang mukha ng babae sa magkahalong galit at pagkapahiya. “At hindi ko kailanman hihiwalayan ang asawa ko lalo pa’t kung ikaw lang ang ipapalit ko sa kanya,” pagpapatuloy ng head ng security force na nagbabantay sa mansiyon ng mga Rossel “kaya’t ang pagiging mistress lang ang magiging papel mo sa buhay ko. Kabet!” Hindi nakahuma ang babae sa mga panlalait, pang-
HINDI PINANIWALAAN NI Shelley ang lahat ng kanyang paliwanag. Nanatili itong tahimik kahit nang matapos siya sa mga paliwanag niya. At pagkatapos ay nagdudumali itong umakyat sa second floor ng bahay. Nagkulong sa loob ng silid tulugan. Malalim siyang napabuntunghininga. Dinukot mula sa bulsa ng suot niyang pantalon ang susi ng bahay ni Shelley na kinuha niya sa sabitan nito ng mga susi. “Umalis ka na, Russell,” ang huling sinabi sa kanya ng babaing natutuhan na niyang mahalin, “paki-lock ang pinto sa paglabas mo.” Kalmado ang tinig ng babae, ngunit dama niya ang sakit ng damdamin na ayaw nitong ipahalata sa kanya. “Paano ko ba ipagtatapat sa iyo ang katotohanan nang hindi ka magagalit…masusuklam sa akin, Shelley?” Tanong niya na sa susing hawak nakatingin. Naalala ang kinamulatang ina. “Kumusta na kaya si mama,” tanong sa wala habang ibinubulsa ang susi, “nagsasama na siguro sila ng boyfriend niya.” Umaahon na naman ang magkahalong sakit at pait ng damdaming kanyang naramdaman
WARI AY GUSTO nang tumalon ng kanyang puso palabas ng kanyang katawan sa sobrang takot na nararamdaman.Takot na kailangan niyang harapin. Head on. Face to face. Kilalang-kilala niya ang taong kanyang haharapin. Alam niyang walang hangganan ang kalupitan niyon. Maraming ulit na niyang natikman ang bigat ng kamao ng taong ‘yon. Hindi na niya mabilang kung ilang ulit pumutok ang kanyang mga labi sa malakas na sampal na ibinabalandra niyon sa kanyang mukha. Kalupitang hindi niya masikmura pero kinailangan niyang tiisin. “May kinakalantare ka na namang kung sinong lalake, ano,” naalala niyang sigaw ng lalaking iyon nang may narinig na tsismis tungkol sa kanya, “bakit kulang pa ba ako sa ‘yo, ha? Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa kong pagpapaligaya sa ‘yo?” Natakot siyang sumagot noon, dahil tiyak niyang masasaktan siya kapag hindi nito nagustuhan ang sagot na magmumula sa kanya. “Sumagot kaaa!” Kasabay ng nanggagalaiting pagsigaw ay ang paglagapak ng palad nito sa kanyang mukha. Napas
NAGDIRIWANG ANG KALOOBAN ni Solenne. “Ako ang panalo sa labanan nating tatlo,” taas ang mukhang ini-imagine niya si Joanne Javier at Domingo Sabado, “ bumangon siya mula sa kinahihigaang divan. Nasisiyahang humakbang patungo sa bar sa basement ng kanilang mansiyon, “alias Sandy Samedi ka pang Domeng ka, ha,” nakangiting hinugot ang isang bote ng mamahaling alak mula sa wine rack na nakakabit sa dinding, “kasi naman, Domeng, pakikipag-usap niya sa lalaking nasa kanyang imahinasyon, “masyadong give away ang alias na ginamit mo,” ang wika habang nagsasalin ng alak sa kopang hawak, “para namang hindi ko alam na ang Sandy ay pinaikling Sunday na ang ibig sabihin ay araw ng Linggo na sa kastila ay Domingo,“ marahan niyang sinimsim ang alak mula sa kopa. Iminumog iyon sa loob ng bibig. Ipinaikot sa loob ng kanyang pisngi at mga gilagid. Ah, gusto niyang malasahang mabuti ang sarap ng likidong iniinom. Katulad ng sarap na kanyang nararamdaman sa inaakalang pagkapanalo niya sa pakikipaglaban
HINDI MATANGGAL SA kanyang isip ang unang pagkikita nila ni Russell. Iyon ang araw na puno ng sama ng loob at frustrations ang kanyang kalooban. Ang araw na ipinasya niyang kalimutan na ang kanyang pangarap sa buhay na maging manunulat at humanap na ng ibang career na magpapaunlad sa kanyang buhay. Nang itulot ng tadhanang mawalan ng preno ang sasakyan ni Russell at ipasya nito na ibangga sa pader ng kanyang bahay ang kotseng minamaneho upang maiwasan ang makadisgrasya ng ibang tao. Hindi niya malilimutan kung paanong nagtatalon ang kanyang puso na ayaw tumigil sa matuling pagtibok nang magtama ang kanilang mga tingin. Itinanggi ng kanyang isip na umiibig siya sa lalake. Na love at first ang kanyang nadarama. Subalit hindi pinahintulutan ng kanyang puso na manalo ang kanyang isip. Lalo pang nag-iingay at kumakalabog ito sa bawat pagdaan ng araw. Habang nakikilala niya ang Russell na may mabuting kalooban at magandang hangarin para sa kanya at sa kanyang pangarap ay lalong nahuhulog
HINDI MAKATULOG. Biling baligtad si Owen sa higaan. Hindi niya maunawaan kung bakit hindi mawala sa kanyang isip ang anyo ni Russell. “Kumusta na kaya siya,” tanong sa sarili, “magaling na kaya siya,”tanong na muli habang sa kanyang isip ay malinaw niyang nakikita ang imahe ni Russell habang naka-stretcher at itinatakbo papunta sa ambulansiya. Nakaramdam siya ng galit. “Matiyak ko lang na sinadya ang pagkasira ng sasakyan ng doppelganger ko at malaman ko lang kung sino ang gumawa no’n…” Bumangon siya sa mula sa higaan. Nag-iisip na nanungaw. Tinanaw ang dilim sa mga eskinitang kanyang natatanaw. Pakiramdam niya’y nasa ganoon kasikip at kadilim na eskinita ang taong nasa kanyang isipan. “Hindi sana siya nagkaroon ng malaking pinsala sa katawan at isip,” mahinang nahiling niya, kasabay sa pagtingala sa mga bituin na kumikislap sa langit, “may the universe have mercy on you, Russell.” “Hey, Bro, bakit hindi ka pa natutulog?” Nilingon niya ang nagsalita. “Hmn...bagay sa 'yo ang bal
NAGUSTUHAN NI SOLENNE ang tikas ng lalaking balbas sarado na nakatayo sa kanyang harapan. Buo ang kumpiyansa nito sa sarili. Tiyak ang bawat galaw. “Owen Garcia po.” Pagpapakilala nito sa kanya na sinabayan ng bahagyang pagyukod. Hindi iniabot ng babae ang kamay niya nang ibigay ng kanyang kausap ang palad nito na para sa isang pakikipag-handshake. Hindi niya gustong tinitingala ang sino mang kausap niya. Kaya't kanyang isinenyas dito ang silyang nakatapat sa kinauupuan niya na uupuan ng lalake.. Ngumiti ng pasasalamat si Owen. Buong kapakumbabaang umupo sa silyang isinenyas sa kanya. “Paano mo nalaman ang Email address ko,” pormal na tanong ni Solenne, “at sino ang nagsabi sa iyong nangangailangan ako ng personal driver?” Si Joanne ang tinanong ni Owen ng mga personal na bagay tungkol sa pangalawang asawa ni Theodore Rossell noong yayain siya ng babae sa condominium nito. Ang plano ni Joanne noon ay lasingin siya ngunit naging mas mautak siya, kaya ito ang nalasing niya sa hali