Share

Chapter 37: Kilig

Estella's POV:

Gabi na nang matapos ang pag-iinuman ng asawa at mga kamag-anak niya. Natapos na rin sa pagliligpit ng pinagkainan ang kanyang tiyahin. Nagpaalam na rin ang mag-asawang Josh at Odette. Nang magsiuwian na ang mga ito ay pumasok na sila sa kani-kanilang silid. Sa kabilang silid sina Roxanne at Pauline kasama si Elisha at sa dating silid naman niya silang mag-asawa. Hindi siya nahiga agad dahil may ilang gamit sila na nakalimutan niyang iligpit kanina. Inilagay niya muna ito sa lagayan. Pinagmamasdan siya ng asawa sa bawat galaw niya habang nakaupo ito sa gilid ng kama.

Nilingon niya ito at tinanong, "Hindi ka pa ba matutulog?" 

"Paano ako makakatulog kung hindi kita katabi?" Malamlam ang mga matang tanong nito. "Bukas mo na gawin iyan, please come here now and let's get some rest." Anito habang nakalahad sa kanya ang isang kamay habang ang isa ay nakatukod sa higaan. Sa hitsura nito na halatang lasing ay hindi pa rin nawawala ang kagwapuhang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status