Share

MS. CEO'S FIRST LOVE
MS. CEO'S FIRST LOVE
Author: Zhyllous

SIMULA

Dinnese Gray Tveros

I drove faster when I saw the road was empty. Ngumisi ako ng makita ang masama nilang mukha habang nakatingin sa sasakyan ko na mabilis pinatakbo. Masama nila akong tiningnan dahil paniguradong maingay ang sasakyan ko sa labas.

Pupunta ako sa bahay ng kaibigan ko. His wife invited me to their house tonight. I know what her purpose is, but because my condo is boring, here I am.

Nakarating agad ako sa bahay nila dahil wala namang traffic, malaya pa akong nagpapatakbo ng mabilis, not minding the face of the people outside while watching me drive faster. Most of them are old women.

Bago ako lumabas sa sasakyan, denial ko muna ang number ng maganda kong girlfriend para magpaalam kahit nandito na sa harap ng bahay ni Dexter, ang kaibigan ko. Mas mabuting dito na ako magpaalam para hindi na niya sabihing wag akong pumunta. I smirked with that thought.

"[Gray,]" bungad niya sa akin with her bedroom voice. Hindi mawala ang ngisi ko kanina ng marinig ang boses na iyun. She wants to be married before a child but she always likes that. She knows how my soul reacts with that voice.

"Nandito ako sa bahay ni Dexter," balita ko sa kanya. Natahimik siya ng ilang sandali kaya ngumisi ako lalo. Wala siyang magagawa, at least nagpaalam parin.

"[At ngayon mo pa lang sinabi,]" sabi niya. Nawala na ang boses niyang nang-aakit kanina.

"What?" natatawang tanong ko.

"[Alam mong hindi ako papayag kaya ngayon mo lang sinabing pupunta ka,]" may pagtatampong sabi niya. "[Anong ginawa mo diyan?]" tanong niya agad. In three years, ganito palagi ang scenario sa relasyon namin. Magtatampo siya at susuyuin ko at maging okay kami. Ganun lang.. she's very understanding.

"I don't know, tinawagan lang nila ako," simpleng sagot ko. Base sa kanyang boses hindi ko kailangan manuyo dahil alam kong okay lang sa kanya ang ginawa ko.

"[After that, pumunta ka dito.]" Bumalik ulit ang kanyang nang-aakit na boses. Tumawa ako at nagpaalam na sa kanya. Pinatay ko ang tawag, tsaka ako lumabas sa sasakyan na may ngisi sa mukha. Kapag ako hindi makatiis sa pang-aakit niya, mawala yung pangarap niyang married before child.

Nag doorbell ako sa gate at ilang sandali pa lumabas si Juyeth and asawa ni Dexter. Siya rin ang tumawag sa akin pa papuntahin ako dito.

"Kayo nalang sana ang bumisita sa akin," sabi ko sa kanya ng makapasok sa gate nila.

"Ikaw itong walang anak," rason niya. Napangisi ako at naalala ang huling sinabi ni Samantha, girlfriend ko.

"Pupunta ako sa condo ni Sam mamaya," nakangising balita ko habang papasok kami sa bahay nila.

"Whatever Dinnese Gray, alam kong pipigilan mo lang ang sarili mo," walang pakialam na sabi niya. "Shut your mouth, nandiyan si Jezz," she said, referring to her son.

Sumunod ako sa pagpasok sa kanya. Nakita ko agad si Jezz na nanuod ng cartoon sa tv, ang kanilang 8 years old son.

"Tito Dinnese!" sigaw nito ng makita ako sa likod ng mama niya. Ngumiti ako sa kanya at pinakita ko sa kanya ang kanina ko pang hawak na paper bag na may lamang laruan para sa kanya.

"Come here Jezz," nakangiting sabi ko. Tumakbo siya papunta sa akin at tinaggap ang paper bag na inabot ko.

"What's this tito?" tanong niya habang sinilip ang loob ng paper bag.

"Later mo na lang iyan iopen anak.. kakain muna tayo," biglang singit ni Juyeth sa amin.

"Thanks tito."

Sumunod na ito sa kanyang mama habang ang papa niya sinalubong akong nakangisi.

"Buti pinayagan ka," nakangising sabi niya. Alam niyang ayaw ni Sam na nandito ako sa bahay nila. She's jealous of Juyeth.

"Sa labas ko na siya tinawagan," simpleng sabi ko. Tunawa siya at hinampas ako sa balikat.

"Pakasalan mo na," sabi nito at sumunod sa mag ina niya sa kusina. Sumunod ako sa kanya para makikain na rin. Hindi pa ako kumain, pagkatapos tumawag ni Juyeth kanina, dumeritso na ako rito.

"Not yet ready," I simply said. Narinig naman ni Juyeth ang sinabi ko habang hinanda ang pagkain sa mesa.

"Anong hindi pa ready?" takang tanong nito. Si Dexter hinawakan ang anak nilang malikot na nasa ibabaw ng mesa, kung ano ano ang inabot.

"Magpakasal," si Dexter na ang sumagot.

"Dapat babae ang magsabi niyan Dinnese, hindi ikaw."

Pareho nila akong tinawanan. Inismiran ko lang ang pang-aasar nila. I'm not ready yet, wala pa akong ipon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status