Share

Chapter 56

Alpha Magnus Pov

Pag-alis ni Mavi at Lotlot sa bahay ng huli ay nakasunod na kami ni Alex ng palihim sa kanilang dalawa habang ang mga tauhan ko ay nakasunod naman sa kotse ko. Kung hindi namin sila sinundan ay tiyak na hindi sila makakarating sa disco bar na ito nang buhay at ligtas.

Pagkaalis ni Mavi sa bahay ay agad akong tinawagan ni Dayay at ipinaalam sa akin na umalis nga ito nang walang kasamang bodyguard. Nag-alala ako ng labis kaya kahit nasa gitna ako ng isang importanteng meeting ay umalis ako para sundan si Mavi. Dahil natitiyak ko na hindi titigil ang taong nagtatangka sa buhay niya hangga't hindi ito nagtatagumpay sa maitim nitong plano.

Kung inaakala nina Mavi at Lotlot na walang mga matang nagmamasid sa kanila paglabas nila sa bahay ng huli dahil sa likuran sila dumaan ay nagkakamali sila. Dahil bago pa man sila nakalabas ng bahay ay pinadispatsa ko na sa mga tauhan ko ang tatlong kahina-hinalang lalaki na nakita namin na tila nagsu-survey sa paligid ng bahay ni Lotlot
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status