Mavi PovI feel very anxious while waiting for Alex's call. Gustong-gusto ko ng umalis at puntahan si Alpha Magnus ngunit ayokong palalain ang galit ng kanyang pack members kaya matiyaga na lamang akong naghihintay sa magiging update ni Alex.Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko nang lumabas mula sa kuwarto niya si Lotlot. Alam ko na nag-update na si Alex tungkol sa kalagayan ni Alpha Magnus kaya siya lumabas sa silid niya."Tumawag na si Alex, right?" naninigurong tanong ko sa kanya.Mabilis na tumango si Lotlot. "Yes. Sabi niya ay gusto ka raw makausap ng elders ni Alpha Magnus.""Ano pa ang hinihintay natin? Let's go!" Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit at nauna na akong lumabas ng bahay ng kaibigan ko. Hindi naman nagtagal ay sumunod na si Lotlot dala ang susi ng kanyang kotse."May ideya ka ba kung bakit ka gustong makausap ng elder ng pack ni Alpha Magnus, Mavi?" tanong niya sa akin habang nagbibiyahe kami.Mabilis akong umiling. "Anuman ang sabihin nila ay tatangg
Mavi PovNang pagbalikan ako ng aking malay ay nasa loob na ako ng bahay ni Lotlot at nakahiga sa kama. Nakita kong nakaupo sa paanan ko ang kaibigan ko at ang boyfriend niya. Agad akong bumangon sa pagkakahiga at yumakap kay Lotlot habang umiiyak. Ang sakit-sakit ng dibdib ko. Sobrang bigat at para bang sasabog ito kung hindi ko ilalabas sa pamamagitan ng pag-iyak.Wala akong salita na narinig mula kay Lotlot at Alex habang umiiyak ako. Tahimik lamang silang dinadayan ako habang marahang hinahaplos ng kaibigan ko ang aking likuran. Nang humupa na ang nararamdaman ko ay saka pa lamang ako kumalas mula sa pagkakayakap ko sa kaibigan ko. "Sinabi na sa amin ni Sonia kung ano ang napag-usapan niyo at ng dalawang elders ng pack ni Alpha Magnus. Okay lang kahit na hindi ka na maaalala ni Alpha Magnus basta ang mahalaga ay buhay siya. Magpakilala ka na lang ulit sa kanya at gumawa ka ng paraan para mapalapit sa kanya. Who knows ma-in love ulit siya sa'yo kahit na bago ka pa lang niya nakiki
Mavi Pov"Wala na ba tayong kailangan pang bilhin? Nabili na ba natin ang mga kulang sa bahay?" tanong ko kay Moses habang tinutulak ko ang push cart na naglalaman ng mga pinamili namin sa grocery. Nasa loob kami ngayon ng hyper market sa loob ng isang mall at namimili ng mga stocks para sa kusina."Yes, Mom. Nandito na lahat ng mga kailangan natin sa bahay," sagot ni Moses, katulad ko ay nagtutulak din siya sa push cart namin na maraming laman na grocery items."Ikaw? Wala ka bang gustong bilhin na gusto mo?" tanong ko sa kanya. Umiling si Moses. Habang itinutulak namin ang push cart papunta sa pilahan ng mga nagbabayad ay biglang napahinto si Moses. "Daddy!!!" Napahinto rin ako sa paglalakad at parang nanigas ang buo kong katawan nang marinig ko ang sinabi ng anak ko. Tiningnan ko kung saan nakatingin si Moses. At halos tumalon palabas ang aking puso nang makita ko si Alpha Magnus na nakatayo malapit sa amin. Nakatingin siya kay Moses habang nakakunot ang noo. Bago ko pa mahulaan
Mavi PovGusto kong magpaalam kay Cecile at magkunwaring masama ang pakiramdam ko para hayaan niya akong umuwi ngunit naaawa naman ako sa kanya. Kapag umalis ako ay mag-isa lamang siyang magde-decorate ng mga bulaklak sa bahay ni Alpha Magnus. Ang kasama naming dalawang lalaki ay tagabuhat lamang ng mga gagamitin namin sa pag-decorate.Biglang may umilaw na ideya sa aking isip para hindi ako makilala ng mga katulong ni Alpha Magnus at pati na rin ito. Kinuha ko ang malaking panyo sa bulsa ko at itinakip ko mula sa aking ilong pababa pagkatapos ay itinali sa likuran. Sa ganitong hitsura ay hindi nila ako mamukhaan."Anong nangyari sa'yo, Mavi? Bakit nagtakip ka ng mukha mo?" nakakunot ang noo na tanong sa akin ni Cecile."Pag-alis ko kanina sa bahay ay walang tigil ang pag-hatsing ko. Baka ma-hatsing din ako ngayon kaya tinakpan ko na ng panyo ang aking ilong at bibig. Nakakahiya naman sa customer mo kung panay hatsing ako." Mabuti at nakaisip agad ako ng alibi bago nakapagtanong sa ak
Mavi PovGaling ako sa school dahil hinatid ko si Moses sa pinapasukan niyang school. Minsan kasi naglalambing sa akin si Moses at gusto niyang samahan ko siya papunta sa school ngunit hindi ko na pagbibigyan ang paglalambing niya dahil may pasok ako sa trabaho. Pero ngayon ay day off ko kaya may time ako na ihatid siya sa school niya.Pagkagaling ko sa school ay tumawid ako sa kalsada at naglakad naman papuntang palengke. Walking distance lang mula sa school hanggang palengke kaya hindi na ako sumakay. Sayang lamang ang pamasahe at saka exercise ko na rin ang paglalakad.Magluluto ako ng paborito g ulam ni Moses. Matagal na siyang hindi nakakakain ng paborito niyang ulam kaya tiyak na matutuwa siya kapag nakita niyang ang nakahain sa mesa.Habang naglalakad ako sa kalsada ay napansin ko ang isang itim na van na sumusunod sa akin. Actually, paglabas ko ng school ay naka-park na sa tapat ng school ang van na ito at nang maglakad ako ay saka naman ito umandar. Akala ko ay nagkataon lam
Alpha Magnus PovNasa veranda ako at tahimik na umiinom ng alak habang tinatanaw ang tubig sa swimming pool. Malalim ang laman ng aking isip. Iniisip ko ang babaeng ina ng batang pinagkamalan ako bilang kanyang ama. Hindi ko maintindihan ngunit magmula nang makita ko sila ay hindi ko sila magawang iwaglit sa aking isipan. Para bang may nagbubulong sa akin na isipin ko sila. At mas lalong hindi sila mawala sa aking isip nang makita ko ulit ang babaeng iyon nang araw ng engagement party namin ni Sonia.Pakiramdam ko ay may kaugnayan sila sa akin. Sila kahit anong isipin ko ay wala akong maalala na nakilala ko ang sila. "Mavi," mahinang sambit ko sa pangalan ng babae. Naglalaro sa loob ng aking isip ang maganda niyang mukha. Ang mga mata niyang nakitaan ko ng pagkabigla at pag-aalala nang makita niya ako. "Ano ba ang kauganyan ninyo sa akin? O may kaugnayan ba ako sa inyo? Pero bakit hindi ko kayo maalala?"Nagtanong ako sa mga maid sa bahay kung kilala ba nila si Mavi, ang kasama ng ba
Mavi PovGusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko sa loob ng sasakyan ni Alpha Magnus. Sa dinami-rami ng tao sa mundo ay bakit sa kotse pa niya ako napasakay? Bakit kotse pa niya ang huminto malapit sa akin? Coincidence lang ba ito o talagang pinagtagpo kami ng tadhana?Nandito rin sa loob ng kotse si Sonia na siyang pinaghihinalaan kong nag-utos sa mga lalaking iyon ma kidnapin ako. Kapag kinompronta ko siya ngayon ay tiyak na hindi siya aamin dahil wala naman akong matibay na katibayan na totoo ang aking hinala. Ngunit malakas ang kutob ko na hindi ako nagkakamali. "Hey? Are you listening to me?"Nagulat ako nang bigla akong kinalabit ni Alpha Magnus. Nakatingin pala sila ni Sonia sa akin habang si Dave naman ay panaka-nakang sumusulyap sa akin sa rearview mirror. Malalim ang iniisip ko kaya hindi ko namalayan na kinakausap pala ako ni Alpha Magnus."May sinasabi ka ba, Alpha Magnus? Pasensiya na hindi ko narinig," mabilis kong paumanhin sa kamya. "Hanggang ngayon kasi ay nangingin
Mavi Pov"Anong nangyari sa'yo, Mavi? Bakit parang mamamatay na ang hitsura mo kanina pagdating mo?" agad na tanong ni Lotlot sa akin nang pagbalikan ako ng aking malay. Maayos na ang pakiramdam ko. Hindi ko na nararamdaman na para bang pinipiga ang aking puso.Bumangon muna ako sa pagkakahiga at naupo na lamang sa kama bago ko siya sinagot. "Nagkita na ulit kami ni Alpha Magnus, Lotlot. Nagkita na rin sila ni Moses. At wala nga siyang maalala tungkol sa amin ng anak niya. Tapos kinidnap naman ako kaninang umaga habang naglalakad ako papunta sa palengke. Mabuti na lamang nakatakas ako kung hindi ay baka patay na ako ngayon. At alam mo ba na kaya ako tuluyang nakatakas sa mga kidnaper ay dahil sumakay ako sa kotseng huminto malapit sa akin? At sakay ng kotse na iyon sina Alpha Magnus at Sonia," mahabang salaysay ko kay Lotlot. Sa haba ng kuwento ko ay nag-dry ang aking lalamunan kaya lumabas si Lotlot sa silid at kumuha ng malamig na tubig. Sinaid ko ang laman ng baso na para bang uh