Share

Chapter 48

KAAGAD pinutol ni Monica ang tawag matapos mapakinggan ang boses ng lalaki. Iginiit niya na baka nagkataon lang na kaboses iyon ni Federico. Wala namang ibang tao na nakakaalam sa numero niya maliban kay Boggy at sa dati niyang boss.

Lalo tuloy siyang hindi nakatulog dahil sa kung anong naiisip. Umaga na nakatulog si Monica pero dalawang oras lang. Hindi na siya makabalik ng tulog dahil dinadaganan siya ni Kenji sa dibdib. Nag-iingay na ito at hinihila ang kan’yang buhok. Malamang ay nagugutom na ito.

Nang ayaw pa rin niyang bumangon ay umupo sa mukha niya si Kenji. Napaingos siya dahil sa mapangheng diaper ng bata, napuno na pala ng ihi.

“Ano ba ‘yan, anak! Nahihilo pa si Mommy, eh,” angal niya.

“Ma-ma, aper,” sabi nito sabay turo sa diaper na lumubo na.

“Oo na. Huhubarin na ‘yan ni Mama.” Bumaba na siya ng kama at binuhat si Kenji. Dinala niya ito sa banyo at doon hinubaran ng diaper. Pinaliguan na rin niya ito.

“Mama, mikmik,” ani Kenji.

Natawa siya. Marami nang nasasambit n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Almira Gazmin Quei
lumitaw na ang kakambal ni Rico
goodnovel comment avatar
josephine
Monica hindi c fed yan,
goodnovel comment avatar
Mj Cabigon
more update please.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status